Chapter 12

21.9K 635 9
                                    


One kiss could bind two souls in a second.
💝💝💝

Overnight


Halos ibagsak ko na ang ulo ko sa mesa. Ang tanga ko talaga! Ba't ba kasi pagdating sa kanya nawawala ako sa sarili ko. Hindi naman ako ganito kay Jasper noon ah! At bwesit na Jasper. Naalala ko pala talaga!

Mabilis ko na lang ding ginawa ang trabaho. I don't want to think of our kisses. Ayaw ko! Pero kahit anong pilit kong gawin ngayon ang mukha at labi niya lang din ang naiisip ko.

"My goodness, I need to go somewhere!" Sabay tayo ko.

Pahakbang na sana ako nang makita ko ang talon na takbo ni Bobita.

"Beauty!!"

Huh, at ang lakas pa talaga ng boses niya. Napatingin pa tuloy ang iilang staff na naglalakad sa hallway. Kinuha ko na ang sling bag ko at sumenyas sa kanya.

"Tumahimik ka bruha. Nasa loob ang amo ko!" Pinalakihan ko siya nang mata.

Agad naman siyang natamimi.

"Halika, Canteen tayo," sabay hila ko sa kanya.

Bumili lang ako ng tubig at tinapay. Napatingin lang din siya sa akin ng husto at pati na rin sa kinain ko.

"Hindi ka ba nag umagahan, ganda?"

"Hindi. Maaga kasi ako."

Seryoso naman niya akong tinitigan at tumili na. Kumunot pa tuloy ang noo ko. Nabaliw na siguro 'tong baklang 'to! Mabuti na lang din at wala masyadong tao ngayon sa Canteen. Hindi pa kasi breaktime.

"Guess what?" Pinagalaw niya ang kilay niya.

"Hmm?" Nguya ko.

"Pumayag si Sir Drew sa joint fashion. The Monde Fashion is on! Yes!" Sabay tili niya at taas nang dalawang kamay sa ere.

Napangiti na ako talaga. Kahit papaano ay gustong gusto kong makita ang mga gawa ng mga sikat na fashion designer nila. And of course I want to see some of the most famous models in the country.

"Talaga! Ang saya-saya!"

Nag apir pa kaming dalawa. Pero nahinto agad siya at mukhang may isang lihim na sasabihin pa. Mas na-intriga na ako kaya ininom ko na ang tubig.

"What else?" Excited na tugon ko.

"Ikaw! You're in too!"

Tumili na siya at mas tumili na ako. Ang saya! Para kaming mga baliw na nanalo sa lotto. Napatingin pa tuloy ang iilang staff sa Canteen. Natahimik lang din kaming dalawa at umayos na.

"Good luck, Beauty! This is your ticket to your dreams."

Kinagat ko na ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan si Bobita na nakangiti. I feel like I'm floating in the air. I just can't believe it. Ang mukha niya na tuloy ang nakikita ko ngayon habang naalala ko lang din ang halikan namin kanina.


****

"O-overnight?"

Tulala kong tugon kay Bobita sa harapan ko. In three days the grand opening event will begin. But before that, we have all these work to finish overnight. Iilan lang na mga head manager department at kasama na si Bobita at ako.

"Hindi naman binanggit ni Sir Drew sa akin kahapon na OT mamaya ah. Wala akong dalang extra," ismid ko.

"Don't worry. Will go downstairs later for a quick shop. Kahit panty lang bilihin mo, okay na!"

Beauty and the Billionaire✅ (MBBC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon