Verse For The Day:
"Trust in the Lord with all your Heart and do not lean on your own Understanding, in all your ways Acknowledge Him and he will Direct your Path."
~Proverbs 35:6
___Dedicated to cresha_meere
___
Russelle's POVPagkatapos kong kumain ay nanatili ako sa kinauupuan ko, hinihintay siyang matapos para matanong ko na siya kung ano ba talagang nangyayari sakanya.
Nang makitang tapos na siya ay tinanong ko na siya.
"Tell me everything." I said, tinignan niya lang ako.
"Your my master." Sabi niya, napakurap kurap ako sa sinabi niya, master?
"What?"
"Thank you for the food." She said at tumayo at aalis na sana ng mabilis ko siyang hinawakan sa wrist. Napatigil naman siya.
"Care to atleast explain?" I ask, binitawan ko na siya ng bumuntong hininga siya.
Katty's POV
Then I told him everything, seryoso lang siyang nakinig sakin.
Pagkagising ko kasi nakita ko yung bata, ang sabi niya nahanap ko na raw ang master ko, ang kailangan ko nalang gawin ay makagawa ng pitong kabutihan sa kapwa ko na kailangan matapos sa katapusan ng ikapitong kabilugan ng buwan.
Ipinakilala niya rin ang sarili niya bilang si Hannah Mae. Yung paalala niya rin ay sinabi na niya. Ang sabi niya 12 hours magiging pusa ako at sa susunod na 12 hours ay maggiging tao, to make it easy, 6 am hanggang 5 pm magiging taong pusa ako at pag sapit ng 7 pm hanggang 5 am magiging pusa ako and to make it easier pusa ako sa gabi kalahating pusa at tao naman ako sa umaga, makakabalik lang daw ako sa dati kapag nagawa ko na ang pitong kabutihan sa kapwa. At dahil si Russelle ang magiging master ko ay wala akong choice lalo na at siya ang gumamot sa sugat ko na hindi ko alam kung san ko nakuha."So your telling me na pinarusahan ka dahil jan sa ugali mo?" He ask. Napairap ako at tumango.
"Tsk, follow me." Sabi niya at tumayo, sumunod ako at pumasok kami sa isang kwarto, kwarto niya siguro.
Pumasok siya sa walk in closet niya, umupo nalang ako sa kama niya at hinintay siyang lumabas. Paglabas niya ay may dala siyang damit, damit ng isang babae. Bat may ganyan siya??
"Wear this, that's my mother's dress." He said, ahh sa mama niya pala, akala ko bakla siya, but wait, bat may damit siya ng mom niya?
"If your thinking bat nasa akin yan, that was her memento." He said. Nagtaka naman akong napatingin sakanya.
"If this is her memento, why give it to me?" I ask.
"You need a proper clothes idiot, we're going out." He said, did he just call me idiot? Nevermind that, saan naman kami pupunta?
"Saan?" I ask. Napakamot siya sa ulo niya na para bang naiinis na sakin.
Hinila niya ako at marahang tinulak papasok sa CR."Change and make it fast." He told me. I sigh, fine. Then may naalala ako, magsasalita na sana ako pero biglang may nalalag mula sa dress.
May underwear den. Namula ako. Takte, hindi halatang sa mom niya to. Did he buy this? Talagang lalabas kami ahh.
Naligo narin ako at nag bihis. Napatingin ako sa sarili ko, haist, pano ko naman itatago tong buntot at tenga ko? Kelangan ko pang butasan ng konti yung dress para lang maging kumportable ang buntot ko, sana naman di magalit ang mom ni Russelle sakin lalo na't ginunting ko ang dress niya.
Lumabas na ako sa kwarto niya at nakita kong nakaayos narin siya, parang nababagot panga siya ehh.
"You take a bath?" He ask in disbelief.

BINABASA MO ANG
My Master and I [My's and I's Series #1] (COMPLETE)
General FictionKatty Serafin, a very bad person, yan ang tingin sakanya ng karamihan, well karamihan dahil ilan lang ang mga taong naniniwalang may kabutihan pa siya sa kanyang puso. Russelle Fontanilla, a cold hearted CEO or thats what the people know. What if t...