HALLOWEEN SPECIAL:The Haunted House

138 60 6
                                    

Date Publish: November 1,2020

MUST READ: This Halloween Special Chapter is not related to the main story. It's just a special chapter for this Halloween Day so please, don't be confuse. Thank you for reading this^_^

~bluetulips777

***

Katty's POV

November 1 na pala, ibig sabihin mag lalabasan na ang mga batang kakatok sa pinto niyo at manghihingi ng candies. I really don't know what's the importance of Halloween, ano bang maganda sa araw ng mga patay? At bakit may araw ng mga patay ang mga patay? Isa pang tanong, last na to, bakit november 1 ang araw ng mga patay? Pwede namang ibang buwan diba? Pwede ba?

"Katty" Rinig kong tawag saakin ni Russelle. Nandito kami sa bahay niya, kasama ko sila Melay at Jelay na binilhan ko pa ng costume para sunod sa uso. Pati nga si Just nakasuot ng costume ehh. Yung pinapanood sa TV na asong super hero, basta yun. Yun ang costume ni Just.

Lumapit na ako kay Russelle na busy sa pag aayos ng mga dekorasyon sa labas ng bahay niya, seriously? Bat ba nag e-effort ang mga tao sa Halloween,oo alam ko, hindi lahat ng tao nag e-effort gaya ng iba kaya yung mga tanong ko na ito ay para sa mga taong gumagawa ng mga ganito kapag Halloween.

Umupo lang ako sa sahig at tinitignan siyang mag ayos ng mga pumpkin na design. Napatingin naman siya sakin.

"Not going to help?" He ask. Umiling lang ako, duhhh ayoko nga. Isa pa di naman ako naggaganito pag halloween ehh. Sinimangutan niya ako at bigla siyang tumayo at lumapit sakin, agad naman akong napatayo at tatakbo na sana ng bigla niya akong niyakap mula sa likod.
"Russelle, ayoko ok." I said. He chuckled.
"What? Di naman kita pinipilit ehh. I just want to hug you." He said. Napangiti naman ako. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nakayakap sa bewang ko.

"Aaayiieeeee" sabay na pang aasar nila Melay at Jelay. Napatawa lang kami ni Russelle.
"Come to mommy and daddy." I said and spread my arms. Humagikgik naman ang dalawa at masayang tumakbo saamin. Yup, we adopt them. Kami na ang permanent guardian nila at nakakatuwa lang dahil hindi talaga ako mahilig sa bata pero eto natutuwa ako sakanila.
Niyakap namin sila, pati ngarin si Just nakisali ehh.

***

Nasa loob na kami ng bahay, sila Melay, Jelay at Just ay nasa labas para manghingi ng candy sa mga kapit bahay. Kami naman ni Russelle ay naghahanda ng mga pagkain namin para sa dinner.

Napatingin ako sa wall clock.

"8 na pala ng gabi?" I whispered.
"They're taking to long." Russelle said.
Oo nga noh, dapat ay nakauwi na sila ngayon dahil mag di-dinner pa kami.

Lumabas kami ni Russelle para sana tawagin na sila dahil late na pero wala, napaka tahimik ng paligid. Tanging mga poste ng ilaw at ilang mga ilaw ng ibang bahay ang nakabukas. Isabay mo pa ang napaka lakas ng ihip ng hangin, para tuloy kaming nakatira sa isang ghost town.

Hindi ko maiwasang manginig , dahil siguro sa takot o sa lamig? Ewan ko ba. Napakapit ako sa braso ni Russelle.

"Scared?" Nang aasar na tanong niya. Inirapan ko siya.
"Duh, malamig lang wag kang assuming." I said while raising my eyebrow.

"Bat ang tahimik?" I ask ng magsimula kaming maglakad.
"Baka tulog na sila." Russelle answered and shrugged.
"This early? Are you kidding?" Nakangiwing tanong ko.

My Master and I [My's and I's Series #1] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon