Dedicated to _ynaaaxius
___
Katty's POVNasa park ako ngayon, nakaupo sa isang bench at pinapanood ang mga batang naglalaro. Napapikit ako ng makalanghap ako ng sariwang hangin.
Then a merory flash backs inside my head.
We're playing at the park, we're happy. We're contented.
"Ate!!"
Napamulat ako. Mabilis kong pinahid yung luha ko na tumulo pala.
"Ate!!" Napalingon ako sa sumigaw.
May batang babae na sumigaw na nakatingin sa di kalayuan ng park. Sinundan ko ang tinitignan ng bata. Napatulala ako ng makitang may batang babae na tumakbo papunta sa gitna ng daan, hinahabol niya yung bola niya na tumigil sa gitna ng daan.
Biglang may sasakyang humarurot , bigla nalang gumalaw ang katawan ko at tumakbo papunta sa bata, mabilis ko itong binuhat at niyakap ng mahigpit. Napapikit ako ng masagasahan ako, nagpagulong-gulong kami sa sahig. Naramdaman ko namang umagos ang dugo sa mga sugat na natamo ko. Napadaing ako.Napatingin ako sa batang yakap ko. She's crying and terrified.
"A-are you ok?" I ask her. She silently nod. I smiled.
Dahan-dahan akong tumayo at nilapag ang bata, nagtatakbo naman siya sa magulang niya. Mabilis naman akong umalis sa lugar na yon, ayokong makita nila ang anyo ko. Paika-ika akong naglakad papalayo sa lugar na yon at pumunta sa isang madilim na eskinita.***
Nakaupo ako sa sahig at nakasandal sa pader. Isa itong masikip na eskinita. Napadaing ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"That was the third time you help a person whose in need. Mabait ka nga talaga." Napatingin ako sa nagsalita. It's Hannah.
"Don't worry, hindi maaapektuhan ng human form mo ang cat form mo. Kapag human form mo ang nasaktan hindi madadamay ang cat form mo vice versa so if your worrying that your master might find out what happened to you right now, you don't need to worry." She explained.
"Who owns my cat form?" I ask. Napatingin siya sakin.
"You notice."
" Napansin kong hindi ako nagkasugat ng magkasugat ang cat form ko ng unang beses kong magising bilang pusa. So I thought that my cat form is not mine." I said. Napapalakpak naman siya, tsk bata nga naman.
"Nice,nice. Your observant huh. Naalala mo yung pusang nasagasahan mo?" I nod, nanlaki ang mga mata ko ng ma gets ang sinabi niya.
"Yup, your right. Your using that cat's body."
"Is the cat-----dead?" I ask. Malungkot siyang ngumiti.
"Sadly, yes. She passed away. Naisip ko na ibigay sayo ang body niya, with this you might help the cat to fulfil her wish." Nangunot ang noo ko.
"What wish?"
"The night you bump her is the night were she's finally going back to her master's house." Biglang naging blur ang paningin ko. Tears strim down on my face. I felt bad for the cat.
"Where's her master's house?" I ask.
"Are you really sure you want to meet her master?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"Yes, kasalanan ko kung bakit siya namatay. Ikaw na rin ang nagsabi na wish niyang makabalik sa master niya." I said. Napatango-tango naman siya.
"When the times come. You'll meet her master." She said and disappeared, as always.
Iika-ika akong tumayo at naglakad. I need to go back. I just need to rest.Hindi ako sumakay ng public vehicle lalo na't wala akong dalang cash. Isa pa, credit card ang dala ko, hindi magagamit sa taxi o jeep. Haist. I felt pathetic.
***
Ilang oras ang nagdaan at finally, nakarating na ako sa bahay ni Russelle.
Nagtaka ako ng makita ang kotse ni Russelle. Ang alam ko mga gabi na siya makakauwi. Ang aga niya naman. Mga 4 palang ng hapon eh."What!!! No, Hindi pwede!!" Rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa loob ng bahay.
"Tsk, you already visited my house, you can go now." Malamig na sabi ni Russelle sa kausap.
"Kaya mo ba pinakita sakin tong bahay mo ngayon para makipag break??" The girl ask. Ohh, so si Mila pala ang dumating.
"Tapatin mo nga ako??? May babae ka ba?" Tanong ni Mila kay Russelle. Napairap naman ako sa tanong na yun, siya nga ang may lalaki ehh. Ang lakas naman ng loob niyang pagbintangan si Russelle.
"Don't you dare lie to me. I saw a woman's clothes ups stairs. At talagang nagsama pa kayo sa iisang bahay ahh." I can sense sarcasm in her voice. Its like she saw my room and things.
"Bat ka pa nagtatanong?" Malamig na tanong ni Russelle. Mukhang gagamitin niya pa ako para lang makipaghiwalay sa impaktang yon.
"What??" Iritang tanong ni Mila. Slow as ever.
"Alam mo ng may babae ako so pwede ka ng umalis." I sigh, napadaing ako ng sumakit ang mga sugat ko.
"Unbelievable!!" Di makapaniwalang sabi ni Mila at narinig ko ang pag bukas ng pinto at ang padabog niyang pag sara nito. Sa pagmamadali niyang umalis ay hindi na niya ako napansin."What happened to you?" Seryosong tanong sakin ni Russelle na nasa harap ko na pala. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Kabute lang? Aatakihin ako sa puso dahil sayo ehh!" Bulyaw ko dito, iniiwasang sagutin ang tanong niya. Masakit man ang mga sugat ko ay hindi ako nagpahalata at taas noong pumasok sa loob.Aakyan na sana ako papuntang kwarto ko pero bigla niya akong hinila at pinaharap sakanya.
"What happened to you??" Ulit niyang tanong. Nag iwas ako ng tingin.
"Nothing happened to me." Mahinang sabi ko at winakli ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Napa ngiwi pa ako ng kumirot ang mga sugat ko.Bigla niyang hinubad ang coat na suot ko. Nanlaki ang mata ko sa bilis ng galaw niya. Napayakap ako sa sarili ko para takpan ang ilang sugat ko but its useless. Nakita niya parin.
Bigla niya akong binuhat ng bridal style.
"H-hoy, ibaba mo ko!!" Bulyaw ko pero hindi siya nakinig.
"Ibaba mo ko sabi ehh!!"
"Gusto mo bang ibagsak kita?" Malamig niyang tanong. Mabilis akong napailing, lalo na't nasa gitna kami ng daan.
"Then shut up." Nanahimik nalang ako at tahimik siyang minura sa isip ko.Pagkarating namin sa kwarto ko ay nilapag niya ako sa kama at may kinuha sa CR. First aid kit siguro.
Pagdating niya at umupo siya sa tabi ko at pinaharap ako sakanya."Take off your clothes." Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Is he serious?
"Seryoso?" I ask.
"Mukha ba akong nagbibiro? O gusto mong ako pang maghubad sayo?" Seryoso niyang banta. Seryoso nga siya.
"Manyak ka!?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Napakamot siya sa ulo niya dahil sa inis. Alam ko namang hindi siya manyak but who knows, boys will be boys.
"Silly, take off your clothes so I can clean your wounds." Kalmado na niyang sabi. Napa 'ahh' nalang ako.
"Ayoko, ako nalang maglilinis sa sugat ko." Sabi ko at umiling iling, duh lalaki parin siya. Isa pa, awkward kaya.
"I already saw everything so don't be stubborn, isa pa mahirap linisin ang sariling sugat." Namula ako sa sinabi niya. Baliw ba siya? Alam niya bang naiilang na ako pero sige parin siya? Pero tama siya, mahirap ngang gamutin ang sarili mong sugat.
Nagaalinlangan pa ako pero hinubad ko na yung shirt ko, buti nalang at naka sports bra ako. Napangiwi ako ng makita ang sugat ko sa tiyan, leeg, braso at sa shoulder.
Nagsimula na siyang gamutin ang mga sugat ko."Saan mo nakuha to?" He ask habang dinadampi ang bulak na may alcohol sa sugat ko.
"Nalaglag ako." Rason ko. Alangan namang sabihin kong may niligtang akong bata kaya ako ang nasagasahan? No way.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Saan ka naman nalaglag?" Sarcastic niyang tanong. Sa talino ba naman ng isang to malamang alam niyang nagsisinungaling ako.
"Sa bundok, nag hiking ako kanina tas bigla akong nalaglag." Rason ko ulit, papanindigan ko to noh. Tinignan niya pa ako ng ilang segundo at napabuntong hininga. I win."Fine, don't tell me if you don't want pero pwede bang alagaan mo rin tong sarili mo?" Seryosong sabi niya. Napayuko naman ako. Para tuloy akong batang pinagsasabihan ng magulang.
Hindi ko siya masisisi, siya lang ang nakakaalam sa sitwasyon ko at kargo de konsensiya niya kapag may nangyari sakin. Bat kasi ang aga niyang umuwi. Haist.
"Oo na po." Mahina kong sabi.
Pagkatapos niyang magamot ang mga sugat ko ay nagsuot ako ng dress para magamot niya na ang sugat ko sa paa. Medyo nabutas pa yung jeans ko dahil sa pagkakagulong ko sa sahig."Napansin ko lang." Napatingin ako sakanya ng bigla siyang magsalita. Nakatuon parin ang pansin niya sa paa ko na may sugat.
"Bat ang dami mong peklat, lalo na sa likod?" Seryosong tanong niya at tumingin sakin. Natahimik ako sa tanong niya. He noticed. Napakuyom ang kamao ko, nagiwas ako ng tingin.
"Kilala ko si tita Camille, hindi naman siya ang may gawa ng mga sugat na yan diba?" Dagdag niya. Napapikit ako, pinipigilan kong huwag siyang sigawan o kalmutin.
"Where's your parents? Bat wala kang maids or guards manlang?" Balik na tanong ko sakanya at seryoso siyang tinignan. Umiwas siya sakin ng tingin at pinagpatuloy ang paggagamot sa sugat ko. Mukhang parehas kaming malihim.
Tumayo na siya ng matapos niyang lagyan ng band aid yung huling sugat ko.
"Take a rest." Sabi niya habang nakatalikod sakin at umalis na siya.***
Note: Hello again, hope you like this chapter, sorry kung may wrong grammars or typo errors, but also thanks for reading my story. ^_^
~bluetulips777
BINABASA MO ANG
My Master and I [My's and I's Series #1] (COMPLETE)
Fiksi UmumKatty Serafin, a very bad person, yan ang tingin sakanya ng karamihan, well karamihan dahil ilan lang ang mga taong naniniwalang may kabutihan pa siya sa kanyang puso. Russelle Fontanilla, a cold hearted CEO or thats what the people know. What if t...