Master 3

156 104 13
                                    

Verse For The Day:
" I can do all things through Christ who strengthens me."
~Philippians 4:13
___

Dedicated to melooooo_
___
Katty's POV

Habang nagda-drive ay hindi naalis sa isip ko ang babaeng yon, hindi ko alam kung bakit, siguro dahil kapangalan niya siya.

Napa preno ako dahil naramdaman kong may nasagasahan ako.
Lumabas ako ng kotse ko at nakita ko ito. Isang pusang itim ang nakabulagta sa sahig. I sigh in irritation.

"Bat ba kasi tawid ng tawid kahit na may nadaang kotse, kung hindi ba naman kasi nagiisip." I whispered habang nakatingin sa pusang duguan.

"Tsk tsk tsk, bat mo naman sinisisi sa pusa ang pagkapabaya mo, that's bad." Rinig kong sabi ng isang boses, then biglang may lumabas na bata mula sa dilim, she's wearing an eyeglasses and blue dress, nakaayos din siya. Lumuhod siya sa harap ng pusa at binuhat ito, nandiri naman ako ng bumahid ang dugo ng pusa sa suot nitong damit.

"That cat is at fault, aba malay ko bang may pusa pala jan, kung sayo yang pusa dapat sana inalagaan at binantayan mo siyang mabuti, hindi yung ako ang sinisisi mo." Singhal ko sa batang ito.

"I'm not the owner of this cat, isa pa pusang gala ito. You should care for it,you know how it feels,right?" I don't know why pero parang naintindihan ko ang huling sinabi niya na ikina init ng ulo ko.

"Ano bang alam mo hah, at hindi, hindi ko alam yang pinagsasabi mo kaya pwede ba umalis ka na sa harap ko dahil baka kung ano pa ang magawa ko sayo!!!" Inis kong sabi sakanya. Naka-move on na ako, bat ba ako naaapektuhan sa sinabi niya?

"Your bad, mean, rude and a very selfish woman. Alam mo bang may buhay ang pusang muntik mo nang mapatay? May pakiramdam din sila kagaya ng mga taong nasaktan mo ng dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig mo. Hindi ka marunong magpahalaga ng nararamdaman ng iba at sarili mo lamang ang iniisip mo. Sa ginagawa mong yan? Walang magandang mangyayari sa buhay mo." Natamaan ako sa sinabi niya, at alam kong tama siya. Alam na alam ko yon. Napangiti ako ng mapait.

"Kelan ba naging maganda ang buhay ko?" I don't know pero ito ang lumabas sa bibig ko. Wala naman talagang naging maganda sa buhay ko.

"Meron, pero hindi mo lang ito napapansin dahil para sayo, wala itong halaga. Walang katuturan." Tsk, ano bang alam ng batang to?

" Meron? Sabihin na nga nating meron, pero matagal na iyon at hinding hindi na magiging maganda ang buhay ko. Sabihin mo nga sakin? Ano bang alam mo,huh? Kung makapagsalita ka akala mo alam mo ang lahat? Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka na sa harap ko. Hindi mo kailangang ipamukha sakin kung gano ako kasama dahil matagal ko ng alam." Malamig kong sabi at tinalikuran siya.

"Alam ko ang lahat, pero hindi ito rason para maging ganito ka. Kailangan mong mag tanda at matutunan ulit ang pagpapahalaga ng mga taong nagpapahalaga sayo." Sabi niya, napa ismid ako at humarap sakanya.

"Mga taong nag papahalaga saakin? Akala ko ba alam mo ang lahat? Dapat alam mo na matagal ng walang nagpapahalaga saakin, alam na alam ko yon kaya hindi mo na kailangan sabihin sakin,pwede ba?!!" Galit kong sabi, kanina pa ako nagtitimpi sa batang toh.

"Ang lahat ay may dahilan,Ate Katty. Sa pagdilat ng iyong mga mata ay magiiba ang iyong buhay, nawa'y pati ang pananaw mo sa buhay ay mag bago." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at unti-unti siyang lumapit sakin.

"Sa oras na dumilat ang iyong mga mata ay alalahanin mong mabuti ang aking mga bilin na kailangan mong sundin at magawa. First, you need to find a master, a master that will love and accept you for who you are. Second, kailangan mong makagawa ng pitong kabutihan sa iyong kapwa ,kailangan matapos mo ito pagkasapit ng ikapitong kabilugan ng buwan. Isa nga palang paalala_____" hindi ko na naintindihan pa ang sunod niyang sinabi at bigla nalang akong nilamon ng dilim.

Third Person's POV

Napakamot si Hannah sa kanyang batok ng bumagsak si Katty sa sahig bilang isang itim na pusa. Yumuko si Hannah at hinaplos ang ulo ng pusang si Katty.

"Everythings happened for a reason ate Katty." Sabi niya at binuhat ang pusa at ipinasok sa isang kotse at naglaho.

Pagsapit ng hating gabi ay naisipan ng umuwi nila Russelle at Mila.
Sumakay sila sa kotse ni Russelle pero natigil ng may makitang pusang itim na sugatan na natutulog sa passenger seat.

"May pusa ka?" Nagtatakang tanong ni Mila kay Russelle. Nagtatakang umiling si Russelle, iniisip kung saan galing ang pusa.

"Oh my, may sugat siya." Sabi ni Mila ng tuluyang makita ang lagay ng pusa.
Pumunta sa back seat si Mila at doon naupo.

"What are you doing there?" Russelle ask.
"The cat might bleed more so dito nalang muna ako." Sabi ni Mila at ngumiti, tumango nalang si Russelle.

'ayoko ngang umupo jan, ang dumi dumi. Bat ba may pusa jan? Kainis naman!.'
Reklamo ni Mila sa kanyang isip.

Habang nag da-drive ay nagsalita si Russelle.
"Ayaw mo ba talagang mag resign kay Katty? I mean, I'm just worried, baka pahirapan ka lang niya? You can work at my company anytime, you know that." Russelle said habang nakatingin sa daan.

"Ayoko muna, gusto ko rin kasing ma experience maging boss si Miss, isa pa she looks kind naman. I can handle my self." Mila assured Russelle but Russelle's not convince.

"You saw what she did to you awhile ago, you just bowed your head and begged her. Don't do that again,please." Russelle pleaded. Mila smiled and nod.

'Ayoko naman talagang gawin yon, I don't have a choice, I need that job and I'll do everything to know whats Katty Serafin's weakness.' napangisi si Mila.

Di kalaunan ay naihatid na ni Russelle si Mila sa apartment nito.

Umuwi narin si Russelle sa bahay nito. Wala sa sariling napatingin si Russelle sa pusang mahimbing parin ang tulog.

Pagkauwi ay binuhat niya ang pusa papasok sa bahay niya at inilapag sa couch. Mabilis na nagtatakbo ang aso niya sakanya para salubungin siya.

"Woah there, easy boy easy." Nakangiti at natutuwang sabi ni Russelle habang dinidilaan ng aso niya ang pisngi niya. Isang Siberian husky ang aso niya na pinangalanan niyang Just. Kung bat yun ang name niya ay walang nakakaalam.

"Bantayan mo muna tong pusa, don't hurt this cat ok?" Sabi ni Russelle at tinap ang ulo ni Just, parang naintindihan naman ito ni Just dahil tumahol ito at umupo sa sahig na para bang sinasabing babantayan niya ito na ipinagtaka ni Russelle dahil ayaw ni Just na may ibang hayop sa bahay nila.

'This is new.' He thought

Napangiti nalang si Russelle at kinuha ang first aid kit para gamutin ang kawawang pusa.

Pagkatapos niyang gamutin ang pusa at pinatulog niya nalang ito sa isang pillow sa loob ng guest room at pumunta siyang sala para manood ng movie. Ito ang kadalasan niyang ginagawa kapag hindi pa siya inaantok.

Habang nanonood ng isang midnight movie na palabas ay biglang nagkaroon ng news flash.
Bagot namang hinintay ni Russelle na matapos ang balita.

"Isang damit at gamit ng isang babae ang natagpuan dito sa gitna ng daan. Ayon sa babaeng nagsabi na may nakaharang na sasakyan dito ay sinasabing may nakita siyang damit at gamit ng babae rito. Sinasabing maaaring isa ang babaeng ito sa dumalo sa party ni Mr. Morgan noong 7 ng gabi. Natukoy na ang pag kakakilalan ng babaeng nag mamayari ng mga gamit na ito na si Miss Katty Serafin, ang CEO ng Serafin's Company, sa ngayon ay pinaghahanap na kung nasaan o kung anong nangyari sakanya.
Ako po si Janel Somera, nag babalita."
Napatulala si Russelle dahil sa balita.

"Nawawala si Katty?" Wala sa sariling sabi niya.

***

(EDITED)

My Master and I [My's and I's Series #1] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon