Dedicated to LeithalisK
___
Katty's POVPagka labas ko ng mall ay nag lakad-lakad ako, iniisip kung uuwi ba ako o mag enjoy nalang ulit kahit na kagagaling ko lang sa isang sunog. Hays, kung sino man ang gumawa non kay Blessy ay hindi biro ang mga death threat na binibigay niya dahil gusto niya talagang mamatay siya. Pero ang tanong, bakit? Alam kong mabait si Blessy at feeling ko nga lahat ng taong makikilala at nakilala niya ay gusto siya dahil sa taglay niyang kabaitan. Kaya bakit?
"Ate, palimos po." Napatingin ako sa batang nagsalita, madungis at napaka baho. Lumuhod ako para mapantayan siya.
"Ilang taon ka na?" I ask. She showed me her 8 fingers. Naawa naman ako sakanya, ang bata niya pa para makaranas ng ganitong pag hihirap sa buhay, dapat ang mga batang kagaya niya ay nag e-enjoy sa buhay at walang iniintinding problema. Isinama ko siya sa isang kainan at binilhan ng pagkain. Napangiti naman ako ng mabilis siyang kumain na akala mo hindi nakakain ng isang taon.
"Nasan ang mga magulang mo? Bakit ka namamalimos?" Tanong ko sa bata, tumigil naman siya sa pag kain.
"Namatay po si inay noong ipinanganak niya ang bunsong kapatid ko habang ang itay naman ay iniwan na kami at dinala lahat ng pera ng inay para sana sa pag aaral namin. Namamalimos po ako dahil may sakit po ang kapatid ko." Naiiyak niyang sabi. Napakuyom ang kamao ko, bakit ba ganyan ang mga magulang, napaka dali naba sakanila na iwan ang kanilang mga anak? Bakit pa sila iniluwal dito sa mundo kung mag hihirap din naman sila?
"Halika, sumama ka sakin. Puntahan natin ang kapatid mo." Nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya at pumunta na kami kung nasaan ang kapatid niya.Pagkarating namin ay nakahiga sa isang karton ang kapatid niya at halatang nanginginig na sa lamig. Tumakbo ang kasama kong bata sa kapatid niya at dahan-dahan siyang ibinangon. Nag take out kasi kami ng sabaw at ng pwede nilang makain.
"Jelay, ito o pagkain. Kain ka na oh para lumakas ka." Naiiyak na sabi ng batang kasama ko kanina. Lumapit ako sakanila at hinawakan ang noo ng kapatid niya.
"Mataas ang lagnat niya. Dalhin na natin siya sa ospital." I said.
"Pero po. . ."
"Mas mahalaga ang buhay ng kapatid mo, ikaw ang ate kaya dapat gawin mo ang lahat para sa makabubuti sakanya." Sabi ko sakanya at tinap ang ulo saka ngumiti.
"Ako ang mag babayad, wag kayong mag alala dahil kasama niyo ako."***
Pagkarating namin sa isang Hospital ay walang pumansin sakanila. Lalong kumuyom ang mga kamao ko sa galit. Pera na nga talaga ang kumokontrol sa mundong ito.
"Wala bang aasikaso sa mga batang ito?" Seryosong tanong ko sa may counter.
"Ano kasi Miss, kelangan ay may kasama silang guardian para sa gagastusin nila." Naiilang na sagot ng isang nurse. I sigh in frustration.
"I'm their guardian for petes sake, hihintayin niyo bang mamatay ang bata bago kayo kumilos? Anong silbi na nag doctor kayo kung isang pasyente lang ay hindi niyo manlang mabigyan ng pansin? Hindi ba't isa sa tungkulin niyo ay ang manggamot at magligtas? Bakit hinahayaan niyo ang isang bata na mamatay sa harap niyo na walang ginagawa? Dahil wala silang pera? Kung tutuusin ay mas mahalaga ang buhay kesa sa pera kaya ano pang tinatayo-tayo niyo jan." Hinampas ko ng malakas yung counter dahil napipikon na talaga ako.
"Gawin niyo ang trabaho niyo!!" Sigaw ko sakanila. Lahat naman sila ay nagsigalaw, may umasikaso narin sa magkapatid, mabuti naman.
"Ma'am ano pong pangalan nila? Ilalagay ko lang po bilang guardian nila." Sabi nong nurse na kausap ko kanina, mukhang natakot pa ata siya sakin dahil umiiwas siya ng tingin saakin at pinagpapawisan siya.
"Katty Serafin." Maikling sagot ko. Nakita ko namang nanlaki ang mga mata ng mga taong nandon dahil sa sinabi kong pangalan.
Lahat naman sila ay yumuko bilang pag galang at pag hingi ng tawad.
"Sorry po miss, aayusin napo namin ang trabaho namin." Sabi ng isang doctor. Hindi ko alam kung pano nila ako nakilala, lalo na at hindi ko kabusiness partner ang may ari ng hospital na to. Biglang may naramdaman akong may umakbay sakin. Nakita ko ang pagkabigla sa mga empliyado habang nakatingin sa taong umakbay sakin, ang lakas ng loob ahh?"What a very good speech." Malamig na sabi ni Russelle. Napairap naman ako, so nandito ang boss nila? At narinig niya pa ako.
"Go back to work." Utos ni Russelle sakanila. Lahat naman sila ay bumalik sa mga ginagawa nila."Sila na ba ni Miss?"
"Grabe, bagay sila."
"Akala ko ba magkaaway sila?"
"Ang sweet naman nila."At nag chismisan pa ang nga loko.
Napatingin naman ako kay Russelle na nakaakbay parin sakin, siniko ko siya pero nginisihan niya lang ako, at nang asar pa ang hambog."Akala ko gagala ka? Bakit napunta ka dito?" Tanong ni Russelle.
"I just want to wonder around." I reasoned. I heard him chuckled.
"Theirs no need to be shy, you help those kids right?"
"I'm not, I didn't help anyone so stop ok." Narandaman kong hinawakan ni Russelle ang braso kong nasagi ng sunog, napadaing naman ako, inalis ko ang kamay niyang nakaakbay sakin at pinuntahan nalang ang mga batang kasama ko kanina."Ate!" Napangiti ako ng makitang nakangiti na siya. Ano nga ba ang pangalan nito?
"What's your name sweety?" I ask.
"Melay po." Nakangiting sagot niya.
"Kumusta na ang kapatid mo?" I ask.
"Ok na raw po siya, salamat po sa tulong ate." Nakangiting pasasalamat ni Melay. Napangiti ako lalo at tinap ang ulo niya, naaalala ko ang sarili ko sakanila. Mabuti naman at nagawa kong makatulong gaya ng ginawa nila tatang at mom sakin noong nangangailangan ako ng tulong.
"Here, eat." Napatingin ako sa biglang dumating na may dala ng supot ng pagkain at ibinigay ito kay Melay. Naf ningning naman ang mga mata ng magkapatid.
"Salamat po kuya." Masayang sabi ng dalawa."Ate, asawa mo po ba siya?" Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa tanong ni Jelay. I fake a laugh.
"Asawa agad, bat mo naman natanong?" Tanong ko.
"Para po kasi kayong mama at papa namin, bagay po kayo." Nakangiti at inosenteng sabi ni Jelay, imbis na mainis ay naawa ako, siguradong gusto lang nila ng isang kumpletong pamilya, na mimiss na siguro nila ang mga magulang nila. Ang bata pa nila para mawalan at maiwanan ng magulang.
Nagulat ako ng may humawak sa ulo ko. Napatingin ako kay Russelle na nakatayo sa likod ko.
"Asawa ko nga siya." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Russelle. Pero agad nawala ang inis ko sakanya ng makita ko ang saya sa mga mukha ng mag kapatid. Siguradong iniisip nilang para kaming isang masayang pamilya. I can't help but to smile."I really love your smile,my wife." Nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ang bulong na iyon ni Russelle. Hinarap ko siya, ganon nalang ang gulat ko ng makitang sobrang lapit ng mukha namin, lumayo ako ng onti at pinakitang hindi niya ako naaapektuhan sa mga kilos niya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin.
"Shut up."
***
Note: Hope you like this chapter, sana po ay tutukan niyo parin ito hanggang katapusan hehe, anyways malapit na pong matapos ang task ng ating Cat na si Katty, ibig sabihin palapit ng palapit na tayo sa mga sekreto ni Katty pero sempre mag uumpisa na rin ang kay Russelle. So enjoy.(◍•ᴗ•◍)
~bluetulips777
BINABASA MO ANG
My Master and I [My's and I's Series #1] (COMPLETE)
General FictionKatty Serafin, a very bad person, yan ang tingin sakanya ng karamihan, well karamihan dahil ilan lang ang mga taong naniniwalang may kabutihan pa siya sa kanyang puso. Russelle Fontanilla, a cold hearted CEO or thats what the people know. What if t...