Katty's POV
It's already saturday and the day that I need to meet his parents. Bilis ng panahon noh. I'm only wearing a simple black dress na turtle neck and hanggang below the knee ang haba.
Nasa bahay nga pala kami ni Russelle kasi surprise raw. Daming alam ni Russelle no.Anyways, nasa labas si Russelle hinihintay ang parents niya, ako naman ay nilalaro si Just na ang cute cute parin hanggang ngayon. Remember the cat that I used to use? Nasa dati ko siyang room. I preserve her body para kapag na meet ko na master niya ay pwede ko na siyang maibalik at sempre para humingi rin ng tawad.
"Zup, long time no see??" Napalingon ako sa nagsalita. Naka tayo siya sa sahig habang may hawak na fries at kumakain. May hawak din siyang burger sa isang kamay niya. Ang takaw niya rin no. She's wearing a blue shirt and jeans, still the blue addict one.
"Hi." I just greeted her.
"Actually I'm here today because this is the day that you will meet the cat's master. She's the step mom of kuya Russelle." Nakangiti niyang sabi at kumagat sa burger na hawak niya. But what? Ang step mom ni Russelle ang may ari sa pusa? What if magalit siya sakin at ayaw na niya sakin para sa step son niya? Wala pa ngang kasiguraduhan kung magugustuhan ako ng parents niya ehh.
"You'll be surprise if you meet his step mom. Are you ready?" She ask while grinning. Ohh no kinakabahan tuloy ako sa ngiti niya, but what does she mean?
"Do I know his step mom?" I ask. She just shrugged and disappear. Lang ya, pinagulo niya lang ba ang isip ko?Napagdisiyunan kong pumunta sa room ko para kunin ang little coffin kung san nakahimlay si muning.
Narinig kong bumukas na ang pinto sa baba which is nandito na sila. I look my self in front of the mirror sa loob ng CR.
"Gosh, kinakabahan ako." I said to my self.
Ilang segundo pa akong nanatili roon para palakasin ang loob ko hanggang sa napagdesisyunan ko ng bumaba dala ang coffin."Where is she son?" I heard his father ask. Lalo tuloy akong kinabahan.
"She'll be here." Nang marinig ko ang boses ni Russelle ay nagkaroon ako ng konting lakas ng loob. Konti lang dahil kinakabahan parin ako.Nakayuko akong naglakad papalapit sa tabi ni Russelle. Inilapag ko sa sahig ang coffin sa tapat ng step mom ni Russelle.
"I bet she is your cat, ma'am." I said.
Nakayuko parin ako, baka iniisip nilang weird or ano ako? Haist.
"Divine?" Yung kabang nararamdaman ko biglang napalitan ng galit, after hearing her called my name. Napaangat ang tingin ko sa babaeng tumawag sakin. Iilan lang ang nakakaalam sa totoo kong pangalan.
Napaatras ako ng makita ko siya. I was so shocked. I don't know what to do.
"Katty? Tita, why did you call her Divine?" Russelle ask his step mom.
"She's Divine?" Tanong naman ng dad ni Russelle sa asawa niya.
Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sakin.
She step forward to reach me.
"Stay away from me!!" I shouted.
"Divine, ako to. Your mother." She said, pag katapos niya kaming iwan sa tingin niya kikilalanin ko pa siyang ina? Kita ko ang gulat kay Russelle at sa dad niya.
"Your not my mother." Madiin kong sabi. I saw pain in her eyes. Nasasaktan siya pero mas nasaktan kami simula ng iwan niya kami. Nag hirap at maraming pasakit ang naranasan namin ng iwan niya kami at eto siya nakapangasawa ng mayaman, maganda at marangya ang buhay habang kaming mga anak niya ay nag hihirap. Namatay pa ang kapatid ko dahil sakanya. Kung hindi niya lang kami iniwan marahil ay buhay pa ngayon ang kapatid ko.
Ramdam ko ang pag ragasa ng luha sa mga mata ko.
I hate her, I really hate her. She's the reason why my sister is dead. Wala siyang kwentang ina.
"Divine please. Let me explain." She said beggingly.
"Explain? Explain what? The reason you abandoned us? Alam ko na yang rason mo. But is your reason enough to left us? You coward." I said coldly.*Pack*
Napahawak ako sa pisngi ko ng sampalin niya ako. Kita ko ang galit sa mga mata niya na biglang napalitan ng lungkot at guilt.
Magsasalita na sana si Russelle pero pinigilan ko siya. I wiped my tears.
"S-sorry. Divine, I'm sorry." Naiiyak na pag hingi niya ng tawad.
"Nag so-sorry ka ba sa pag sampal mo sakin o sa pag iwan mo samin?" I ask.
"I'm sorry." Nakayuko niyang sabi na siyang lalo kong ikinairita.
"Sorry? Maibabalik ba ng sorry mo ang kapatid ko?" I ask. Napaangat ang tingin niya sakin. Parang may sasabihin siya pero nanahimik lang siya.
"See? Kaya wag kang mag sosorry sakin lalo na't hindi kayang ibalik ng sorry mo ang kapatid ko. Nang dahil sayo namatay ang kapatid ko. Ikaw ang may kasalanan." I shouted habang dinuduro siya.
"Divine, please just hear me out." Umiiyak niyang pakiusap pero nag bingi bingian ako.
"Wala kang kwentang ina." Malamig kong sabi. Kita ko ang sakit sa mga mata niya pero tinignan ko lang siya ng malamig.
"Your going to far." Sabi sakin ng dad ni Russelle pero pinatahimik lang siya ng babaeng to. Tumalikod na ako at dumiretso sa kwarto ko dito sa bahay ni Russelle. Ayoko munang umuwi dahil nandon ang mga katulong at ang mga bata, isa pa alam ko kung anong kaya kong gawin kapag nagkakaganito ako at hindi mapigilan ang galit.
BINABASA MO ANG
My Master and I [My's and I's Series #1] (COMPLETE)
General FictionKatty Serafin, a very bad person, yan ang tingin sakanya ng karamihan, well karamihan dahil ilan lang ang mga taong naniniwalang may kabutihan pa siya sa kanyang puso. Russelle Fontanilla, a cold hearted CEO or thats what the people know. What if t...