Verse For The Day:
"She confidently trust the Lord to take care of her."
~Psalm 112:7___
Note: Thanks for waiting my next update(if meron man).
So here's the next chapter, enjoy! And hope you like it. ^_^~Aoi_Hana7
___
Dedicated to LovieJ34
___
Katty's POVIt's already 6 in the afternoon, pagkauwi namin ni Russelle ay nakatulog agad siya sa kwarto niya, di siguro nagala yun kaya ang bilis mapagod. Pumunta akong kusina para magluto, pero nakakapagtaka, bat wala ata siyang kasama dito maliban sa aso niya? Maids, guards and even his parents are not here. Well bat ngaba wala siyang maids or guards manlang.
Napaka mysterious din ng isang yun ahh.
Nagluto nalang ako ng adobo at fried chicken, malapit na kasi mag seven kaya dapat makakain na ako bago pa ako maging pusa, baka kung anong ipakain sakin ng lalaking yun, kahit na naging mabait siya sakin kanina alam kong ayaw niya parin sakin and the feeling is mutual.
Hinihintay ko nalang na maluto ang adobo na niluluto ko ng biglang naramdaman ko nalang na lumiliit ako then napapikit ako, pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko nalang na nasa sahig na ang suot kong damit. Naging pusa na ako huhuhu. Napatingin ako sa wall clock at 7:00 na ng gabi.
Mabilis akong napatakbo sa kwarto ng lalaking yun, luckily hindi nakasara ang room niya kaya nakapasok ako, pagkapasok ko sa kwarto niya ay sobrang dilim. Grabe, pang hunted house ang room niya, ang creepy.
Pumunta ako sa kama niya at tinalun-talunan siya, ano ba bat ba hindi siya nagigising? Tulog mantika ba siya.
Pati rin si Just pumasok ng kwarto niya at tumahol tahol. Good boy Just, lakasan mo para magising ang hinayupak na toh.Russelle's POV
Naalimpungatan ako dahil sa ingay ni Just, may nararamdaman din akong tumatalon talon sa likod ko.
Napabangon ako,naramdaman ko namang umupo sa lap ko si Katty, naging pusa na pala siya.
"Meow" napatingin ako kay Katty, kagat niya ang damit ko at parang may sinasabi siyang dapat kong puntahan.
Ganon din si Just. Kahit na inaantok pa ay bumangon ako at natagpuan ko ang sarili ko sa kusina. Tuluyan akong nagising ng makitang kumukulo ang kalan. Mabilis ko itong pinatay, napahinga ako ng maluwag ng mukhang sakto lang ang pagkakaluto ng pagkaing toh.Pinulot ko ang damit ni Katty na nasa sahig, mukhang nag transform siya habang nagluluto.
Tinignan ko yung niluto niya. Adobo at fried chicken? Kumakain siya ng ganito? I mean akala ko may pagka maarte siya sa pagkain, pero sabagay street foods nga kinakain niya, itong mga ulam na to pa kaya.Inilagay ko sa labahan ang damit ni Katty bago ko hinain ang mga ito sa lamesa. Nag lagay din ako ng dog food sa pagkain ni Just. Si Katty naman ay tumalon sa table at umupo sa harap ng pinggan. Hinandaan ko siya ng pagkain pagkatapos ay ang sarili ko naman ang hinandaan ko at kumain na kami.
"Marunong ka palang magluto." Sabi ko habang kinakain ang luto niyang adobo at fried chicken. Ok naman, masarap siyang mag luto sa totoo lang.
Nakita kong tumigil siya sa pagkain at tumingin sakin, feeling ko tuloy tinataasan na niya ako ng kilay ngayon at tinatarayan sa isip niya.
Nakita kong umikot ang mga mata niya, umirap ba siya?"Anyways, papasok na ako sa work ko bukas, kayo ng bahala dito sa bahay." Sabi ko sakanila. Umirap lang sakin si Katty at tumahol lang ai Just.
***
*Next Day*Katty's POV
Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, I see. It's already six in the morning. Napabalikwas ako ng maalalang aalis si Russelle ngayon. Mabilis kong binalot sa katawan ko yung kumot at mabilis na bumaba sa hagdan ng marinig kong bumukas ang main door.
"Sandali!" Tawag pansin ko kay Russelle na aalis na.
"Your start-naked, idiot." He coldy said. Napairap ako.
"Can I----" shimay nakakahiya.
"Can I?" He ask. Ok kakapalan ko na ang mukha ko.
"Can I borrow some money?" I ask and close my eyes, ayokong makita ang expression niya, baka kung ano pang isipin niya.
Ilang sandali lang ay may naramdaman akong nakadampi sa noo ko. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko si Russelle na nakatayo sa harap ko na may hawak na card na nakadampi sa noo ko.
"Use this." He said at kinuha ang palad ko at binigay sakin ang isang credit card at tuluyan na siyang umalis.
Mabilis akong pumunta sa kwarto ko at pumunta sa CR para maligo. I'm planning to take a little walk. Isa pa gagawin ko na agad yung task ko para makabalik na ako sa dati.
Nagsuot ako ng simpleng shirt at jeans at nagsuot din ako ng mahabang coat para takpan ang cat ears and tails.
"Pakibantay muna ang bahay,Just. I'll be back." Nakangiti kong sabi at tinap ang ulo ni Just. Kung nagtataka ka kung pano ko nalaman ang pangalan niya sempre narinig kong tinawag siyang Just ni Russelle.
Tumahol lang siya kaya napangiti ako.
Mabilis akong lumabas ng bahay ni Russelle at naglakad-lakad sa subdevision na yon.
"Parehas pala kami ng subdevision." Bulong ko sa sarili ko. Bigla akong napadaan sa mansion namin.
Napatago ako bigla sa may halamanan ng marinig ang boses nina Manang Biday at Bebang na mukhang galing sa grocery.
"Asan na kaya si Miss, bat kaya nawawala pa rin siya?" Rinig kong tanong ni Bebang kay Manang Biday.
"Siguradong ayos lang ang batang iyon, mabait yon siguradong walang mangyayaring masama sakanya." Rinig kong sabi ni Manang Biday.
Wait what? Mabait? Ako? I don't think so.
"Mabait? Manang ang ganda ng joke niyo, guguho muna ang mundo bago bumait yon." Natatawang sabi ni Bebang, supalpalin ko kaya ang bunganga ng isang to?
"Mabait naman talaga ang Miss, may dahilan lang kung bakit ganon ang ugali niya ngayon." Malumanay na sabi ni Manang Biday.
Mabilis na akong umalis don ng makapasok na sila sa loob ng bahay.
Lumabas nalang ako ng subdevision at naglakad-lakad.
Tatawid na sana ako sa pedestrian lane ng may makita akong babae na maraming bitbit. Mukhang kaya niya naman. Which is wrong.
Napabuntong hininga ako ng makitang hindi niya kayang buhatin ang mga dala niya. Lumapit ako sakanya.
"Need help?" I ask. Napa angat siya sakin ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala siya.
"Yes please." Nakangiting sabi niya. Binuhat ko ang ilang plastic na hindi niya mahawakan.
"Asan si Levi? Diba boyfriend mo siya?" I ask her. Mabilis naman siyang umiling-iling.
"Hindi ko siya boyfriend, PA niya lang ako." She said at yumuko.
"You two looks like couple." I said, namula lang siya. She's easy to read. Ang cute.
Tumawid na kami at tinulungan ko rin siyang makahanap ng taxi, mahirap na at baka manakawan o mabastos siya, maganda pamandin siya at mukhang anghel.
Tinalikuran ko na siya ng makahanap na kami ng taxi na sasakyan niya.
"Ate Miss, what's your name?" She ask.
Ate miss? Seriously?
"Divine." I answered. Ngumiti siya.
"Thank you ate Divine." Nagpintig ang tenga ko ng tawagin niya akong ate.
"I'm Blessy btw, Blessy Villaflor." Sabi niya at tuluyan ng umalis ang sinasakyan niya.
Blessy Villaflor, who are you?
***
(EDITED)
BINABASA MO ANG
My Master and I [My's and I's Series #1] (COMPLETE)
General FictionKatty Serafin, a very bad person, yan ang tingin sakanya ng karamihan, well karamihan dahil ilan lang ang mga taong naniniwalang may kabutihan pa siya sa kanyang puso. Russelle Fontanilla, a cold hearted CEO or thats what the people know. What if t...