Master 4

159 99 24
                                    

Verse For The Day:
"He will cover you with his feathers and under his wings, you will find refuge."
~Psalm 91:4
___

Dedicated to CeiGieAyA
___
Katty's POV

Fire, fire, fire everywhere. Napadilat ang mga mata ko, namutla ako ng makita kung nasaan ako.
Nakatayo ako sa isang maliit na bahay na nasusunog, nakatayo lang ang mga kababayan namin at pinapanood kung pano masunog ang munting bahay na ito.

Napaluhod ako.

"Ahhhhhh"

Napabalikwas ako ng bangon, mabigat ang pag hinga ko. After so many years, napanaginipan ko ulit yon. Napaluha ako.

"Arff" napatingin ako ng may biglang tumahol. Nagitla ako ng may makitang malaking aso sa harap ko, wait? Aso? Bat ang laki niya? Lumiit ba ako??

"Meow" nanlaki ang mata ko ng meow ang lumabas sa bibig ko. Napatingin ako sa kamay ko, may itim akong balahibo at mahahabang kuko. Tumakbo ako sa CR at ng makita ko ito ay tinalon ko ito at nagimbal ako ng makita ang anyo ko. Isa akong-----pusa? PUSA? Ano bang nangyayari sakin? Panaginip ba ulit ito? Kung oo gusto ko ng magising!!!

Napatigil ako ng maalala ang nangyari kahapon. At naalala ko ang huling mga sinabi ng batang babae.

"Sa oras na dumilat ang iyong mga mata ay alalahanin mong mabuti ang aking mga bilin na kailangan mong sundin at magawa. Una, kailangan mong makahanap ng iyong master, ang master na magmamahal at mangangalaga sayo ng buong puso. Pangalawa, kailangan mong makagawa ng pitong kabutihan sa iyong kapwa kailangan matapos mo ito pagkasapit ng ikapitong kabilugan ng buwan. Isa nga palang paalala_____" what the!! Anong kasunod ng sinasabi niya? Aughhhh, isinumpa ba ako ng bubwit na yon?

Wala na, pusa na nga ako.

Tumalon ako pababa at lumabas ng CR, nakita ko yung aso na nakaupo parin at winawagayway ang buntot at nakalabas ang dila. Naglakad ako pabalik sa unan na hinihigaan ko.

Napatingin ako sa wall clock. It's already 4:30 in the morning. Kaya pala madilim pa. Makatulog na ngalang, baka panaginip lang ang lahat.

***

*Blag* ( sorry, di ako marunong sa sound effects ehh (V^_^) )

Napabangon ako dahil sa narinig kong bumagsak na bagay, napabangon ako at kinusot ang mga mata. Wait, kinusot? Napatingin ako sa mga kamay ko, napangiti ako ng makitang bumalik na ang mga kamay ko.

"K-Katty?" Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Russelle? Anong ginagawa niya dito? He looks surprise ng makita ako.

Nakaramdam ako ng lamig ng humangin, napayakap ako sa sarili ko.
Then doon ko lang narealize na wala akong saplot. Namula ako sa kahihiyan.

"Wahhhhhhhh!" I screamed at kinuha yung blanket sa kama at agad na tinakpan ang sarili ko at binato ng unan si Russelle.
"LABAS!!!" I shouted. Nag iwas naman siya ng tingin sakin at mabilis na lumabas kasama ang aso niya.

Nang makakalma na ako ay doon ko lang nilibot ang paningin ko. Ito yung kwarto kanina ahh? Bat nandito ako? Asan ako? Ang weird ng panaginip ko, naging pusa raw ako at____

Napatakbo ako sa CR at tinignan ang sarili ko sa salamin.
"Wahhhhhh!" Tili ko ng makita ang itsura ko. Napaluhod ako sa sahig, bumalik nga ako sa pagiging tao pero meron parin akong tenga, buntot at kuko ng isang pusa.

Hindi ko na napigilang mapaiyak at napahagulgol. Bumukas ang pinto ng CR pero hindi ko ito pinansin at umiyak

Bat ba to nangyayari sakin? Why? Ganon naba ako kasama? Bat hindi nalang yung mga serial killers o di kaya magnanakaw ang makaranas nito, ang daming mga masasamang tao kesa sakin kaya bat ako, bat ako pa.

My Master and I [My's and I's Series #1] (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon