Dedicated to AVAJEMLAMPEROUGE
___
Katty's POV
*Next Day*Napatingin ako sa may bintana ng makitang papasikat na ang araw. Umaga na pala. Hindi ako nakatulog kakaisip sa sinabi ni Russelle. Next week, darating lang naman ang magulang ni Russelle. Iniisip ko palang na nandito sila ay kinakabahan na ako, ano namang iisipin nila kapag nalaman nilang dito ako nakatira kasama si Russelle, isa pa, sure akong nasa balita parin ang tungkol sa pagkawala ko kuno. Kinakabahan din ako pag nalaman nila ang kalagayan ko. Ano nang gagawin ko pag dumating sila? Magtago? O umalis nalang muna kaya ako at bumalik kapag umalis na sila? Kung gagawin ko yun saan naman ako pupunta pansamantala?, baka dito pa sila matulog, edi saan ako matutulog? Sa kalsada? Ayoko nga.
Ilang oras pa akong nanatiling nakatingin sa kisame at nag isip hanggang sa maramdaman kong naging tao na ulit ako. Mabilis akong nagsuot ng damit at lumabas ng balkonahe, ang sarap ng simoy ng hangin. Ilang minuto pa ako doon hanggang sa napagdesisyunan kong bumaba.
Nagulat ako ng makitang ang agang magising ni Russelle which is lagi naman. Si Just hindi ko mahagilap, baka tulog pa.
Seryoso lang siyang nakatingin sa TV, I don't know if his watching or thinking. Nanonood kasi siya ng cartoons, aba malay ko bang mahilig pala sa pambata ang lalaking to.
Or maybe his thinking, haist ano bang pake ko.Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig, grabe tuyong tuyo ang lalamunan ko.
Pumunta ako sa sala at umupo sa tabi ni Russelle. Parang hindi niya nga ako napansin ehh. Ganon parin kasi ang pwesto niya.
"What are you thinking?" I ask. Napatingin siya sakin.
"Are you curious?" Seryosong tanong niya pero yung tono ng boses niya ay parang nang aasar. Napataas ang kaliwang kilay ko.
"I'm not, I don't care anyway." Pag tataray ko.
"I'm just thinking kung anong magiging reaction nila na may kasama akong babae dito sa bahay." Sabi niya, seryoso? Parang hindi naman ito ang iniisip niya? I mean he looks more bothered about something.
"Really? You doesn't seems bothered about your parents seeing me here living with you." Kunot noong sabi ko. Bigla siyang sumandal sa sofa.
"Nice guess, but your right. I'm not bothered at all." Parang walang pake niyang sabi.
"Well, ako bothered. Ano nalang iisipinnila kapag nalaman nilang may kasama kang babae dito? Isa pa, ang sabi sa balita nawawala ako. Baka sabihin nilang nandito lang ako?, baka malaman nila ang lagay ko? Ano namang iisipin nila sakin? Na abnormal ako?" Pag sasabi ko ng iniisip ko. He suddenly chuckled.
"You talk like my girlfriend being bothered to meet my parents." Nakangising sabi niya. At nang asar pa ang hambog.
"Stop teasing me, its a serious problem ok? " Inis kong sabi. Pero biglang may naalala ako. Diba yung first dress na suot ko ay sa mom niya? Ang sabi niya memento ito ng mom niya? It means she's already dead.
"About your mom's memento" umpisa ko, napatingin naman sakin si Russelle with his serious face.
"You remembered,huh?" Bored na sabi niya.
"If your thinking about my mom being dead, well your right." So tama nga ako. Pero bat sabi niya parents ang darating para bisitahin siya if patay na ang mom niya? Diba dapat dad lang o parent? So why parents? With 's' ?
"You looks confused." Natatawa nanamang sabi ni Russelle habang nakatingin sakin.
"Diba dapat parent lang? With s ba talaga?" I ask him.
"My dad remarried, so I have a step mom but I acctually calls her tita." Sabi niya. Napa 'ahh' naman ako.
"So your in good terms with your step mom?" I ask.
"At first no but after a year I learned to accept her as my new mom, she's kind acctually."
"Really? Akala ko lahat ng step mom's masasama or may pagka kontrabida." I said while holding my chin. Naalala ko kasi yung mga napanood ko noong bata ako na disney princesses.
"Silly, not all step parents are bad guys." He said. Well his quit right.
"Stop with my parents, you,are you willing to tell me about your parents?" His question caught me of guard. Para quits, I'll tell him about my parent.
"Well kilala mo naman na ang mom ko, Camille Serafin. You see, she's very kind and she really take cares of me." I started.
"How about your dad?" He ask. I guess telling him one of my secrets is not that bad, hindi niya naman siguro ako i ju-judge diba?
"Mom Camille is not married." Nangunot ang noo niya.
"I'm just her adopted daughter." Dagdag ko. Nanlaki ang mga mata niya pero bumalik din sa dati.
"I was 16 when she found me, she notice that I'm intelligent, mature at a young age and independent. Remember lolo Augustin? Yung matanda na pinagbilhan natin ng street foods?" I ask. Tumango naman siya.
"Siya ang kumupkop sakin bago ako mahanap ni mom, that's why sobra ang pasasalamat ko sa pamilya nila. Pati rin kay mom dahil pinagaral niya ako at tinuring na anak." I said as I remember their good deeds.
"Mababait naman pala ang mga nag alaga sayo, pero bat ang sama ng ugali mo?" He ask. Nairita naman ako sa tanong niya pero pinakalma ko parin ang sarili ko.
"That question? I can't answer that." I said at nagiwas ng tingin.
"I guess you have a reason." Seryosong sabi niya. Lahat naman ng bagay may rason.***
After that conversation this morning ay hindi na kami nag usap pa. Alam kong parehas kaming may mga malalalim pang secreto, sa totoo lang ay curious ako pero ayokong tanungin siya dahil siguradong tatanungin niya rin ako.
Dahil lunch palang naman ay lumabas muna ako, hindi na ako nagpaalam pa kay Russelle dahil siguradong sasama siya. Dito lang naman ako sa subdivision mag gagala. Gaya ng dati ay suot ko ang mahaba kong coat na may hood.
Habang nag mumuni-muni ay may nakita akong pamilyar na tao na makakasalubong ko. It's manang Biday. Marami siyang bitbit na plastic bags, halatang kakagaling niya lang sa grocery.
Bat ba magisa lang si Manang? Ang dami ng dala niya ahh.
Nag aalinlangan pa akong tulungan siya pero ng makita kong nagkalat ang mga prutas ay hindi na ako nagdalawang isip pang tulungan siya.
"Ahh, salamat iha, pasensiya na sa abala." Nakangiting sabi ni Manang. Napayuko ako, ayokong makilala niya ako.
Tinanguan ko lang siya.
Naglalakad kami papunta sa bahay."Sa hindi malamang dahilan pakiramdam ko ay napaka buti mo,iha." Napangiti naman ako ng mapait sa sinabi niya.
"Nararamdaman ko sayo ang naramdaman ko kay Miss noong unang dumating siya sa mansion. Asan na kaya ang batang yon? Sana naman ay ayos lang siya?" Dagdag ni manang. Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay ibinaba ko na ang mga pinamili niya.
"Hindi niyo po kailangang magalala saakin dahil ayos lamang ako." Sabi ko, gulat naman siyang napatingin sakin ngunit kita ko ang saya sa kanyang mga mata. Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko. Mabilis akong tumalikod at umalis. Nag lakad lang ako ng naglakad."I guess, your not really that bad." Napalingon ako sa nagsalita. It's Russelle. Nakasandal siya sa isang pader na naka cross arms pa habang seryosong nakatingin sakin.
Tinalikuran ko siya at mabilis na pinunasan ang mga luha ko.
"You don't know what your talking about. I'm not kind." I said at malamig siyang hinarap.
Lumapit siya sakin at tumayo sa harap ko.
"Then why are you crying?"
"I'm not." Sabi ko at naglakad pabalik sa bahay niya. Pano niya ba nalaman kung nasan ako?
"Are you crying because of guilt??" I stopped. Napakuyom ang mga kamao ko.
"Or in sadness?" Dagdag niya. Or both. I am indeed sad and guilty.
I hate this feelings.***
Note: Na reveal na ang isa sa mga sekreto nina Russelle at Katty. So tutok lang and hope you like this chapter.(✷‿✷)~bluetulips777
BINABASA MO ANG
My Master and I [My's and I's Series #1] (COMPLETE)
General FictionKatty Serafin, a very bad person, yan ang tingin sakanya ng karamihan, well karamihan dahil ilan lang ang mga taong naniniwalang may kabutihan pa siya sa kanyang puso. Russelle Fontanilla, a cold hearted CEO or thats what the people know. What if t...