The Remedy

2 0 0
                                    

Kinabukasan, pinayagan na rin akong lumabas ng ospital. Sabi ni Dr. John at Dr. Fuentes, may ilang payo sila para sa akin kapag sumakit na naman ang ulo o kung bumilis na naman ang heartbeat ko.

“Tine, maayos na ba talaga ang pakiramdam mo?”

“Yes, Yanni, don’t worry.”

Pagkaalis ng mga kaibigan ko at ni Earn, natulog na ako. Hindi ko alam, pero parang ang takaw ko sa tulog kahapon.

Inayos ni Daddy ang mga papeles at umuwi na kami.

“Tine, every night kailangan ka naming bigyan ng injection ng gamot para masiguro na maganda ang tulog mo every night.”

Myghad, takot pa naman ako sa injection, pero wala na akong magagawa kundi pumayag. Well, okay lang na masaktan ng kaunti kaysa magdusa habang buhay.

“Tine, magluluto muna ako?”

“Sure, Yanni, sa garden lang po ako.”

Kumuha ako ng mga larawan na nai-print na last week. Aayusin ko muna ang mga iyon. Magsusulat din ako sa diary ko dahil nakakalimutan ko na yun sa mga nakaraang linggo. Kumuha rin ako ng papel para mag-sketch.

“Everything will be okay, Tine. Kaya mo yan  Nabuhay ka na ng 18 years, kakayanin mo yan.”

Pinapalakas ko ang loob ko. Simula nang makilala ko sila Alana, mas lumakas ang loob kong kaya ko ito. Balang araw, siguro soon, maiipanalo ko rin ang laban na ito.

Tinignan ko ang last page ng diary ko na nandoon nakasulat ang checklist ko.  I put check on those things na natapos ko na.

Out of 10 things, isa na lang ang natitira at hindi ko alam kung naranasan ko na ba iyon.

“Tine, heto, gumawa ako ng inumin para sa iyo?”

Binigay ni Yanni ang mango juice.  Namimiss ko na ang inuming ito. As far as I remember, last month pa ako nakainom nito.

“Thank you, Yanni.”

“Anong dinadrawing mo pala?”

Oo, nag-sketch ako. I sketch them Daddy, her, my friends, my love.

“Ang galing mo talaga magdrawing.  Nagmana ka talaga kay Christina.”

Ang Mommy ko ay isang artist nang makilala niya si Daddy. Maraming painting sa bahay namin na gawa ng Mommy ko.

“Yanni, this is you. Ang pretty diba?”

Bawat papel, may mga drawing ng mukha nila kasama ako.

“And this is me, Daddy, and Mommy.  Wala kasi kaming picture eh, kaya drawing nalang.”

Ang picture na buo kaming pamilya ay yung wedding picture nila. Nandoon na ako that time, malaki na ang tummy ni Mommy noong nag picture sila sa wedding, so basically nandoon na ako, hindi lang visible.

“Alam mo, iha, ansaya-saya siguro niyo pamilya pag nandito rin si Christina.  Alam mo ba, dati kinukwento sa akin ng Mommy mo yung mga gagawin niyo pag nakalabas kana.”

“Really, Yanni? What are those things daw po?”

“Marami kayong lugar na pupuntahan.  Kumbaga, andaming pangarap ni Christina para sa inyo. Alam mo ba, kahit nasa tiyan ka palang niya, sobrang mahal ka na non.”

“Yanni, bakit kaya ganon noh? Kinukuha agad ni God yung mabubuting tao?”

“Tine, kahit naman mawala yung isang tao, yung katawan niya lang ang mawawala, pero yung presensya at kaluluwa niya, kasama lang natin.”

Dito sa drawing ko, nasa garden kaming tatlo, masayang kumakain, naglalaro, tsaka nagbibiruan. Sana kahit minsan nakasama ko yung Mommy ko.

“Yanni, you’re right. Minsan kasi hindi natin kailangan makita yung isang bagay para masabing nandiyan sila.  Minsan kailangan lang natin gamitin yung puso natin.”

CTRL + SWhere stories live. Discover now