Kahapon, sobrang pagod kami, pero masaya kami sa nangyari. Kagabi, binigay ko kay Yanni ang regalo ko dahil nakalimutan kong ibigay ito sa orphanage.
"Tine, may sasabihin ako sayo."
"Ano po yon, Daddy?"
"Napagdesisyonan kong ipakilala na kita sa company natin bukas dahil sapat na ang edad mo. Mag-prepare ka na ha."
Sinabi ni Daddy yan kagabi habang kumakain kami. Sobrang kinabahan ako dahil ngayon lang ako papasok sa kumpanya. Siguro kilala ako ng ilang empleyado at business partner natin, pero nakakakaba pa rin na humarap sa kanila lahat.
"Mga girls, may problema ako."
"Ano? Nag-away ba kayo ni lover boy? Jusko, iharap niyo siya sa akin." Lona
"Relax, Lona. Okay naman kami."
"So, ano ba ang problema, Atii?" Alizah
"Kasi sinabi ni Daddy na ipakilala niya raw ako sa kumpanya bukas."
Ano ang gagawin ko doon? Wala naman akong alam sa negosyo eh.
"Oww, nakakababa talaga yon. Parang naubusan ka ng reservation sa paborito mong restaurant." Fajra
"Yeah, I think so. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung magkamali ako bukas."
"Kaya mo yan, girl. Ikaw pa ba? Kapag hindi mo alam ang sinasabi nila, just smile at them." Alana
"Thank you, girls. By the way, matutulog na ako. Goodnight."
Back to reality. Mga Atii, 7:00 na, at 9:00 ako pupunta sa kumpanya. Jusko, pakiramdam ko, kakainin ako ng buhay.
"Good Morning, Tine"
"Good Morning rin, Yanni"
Hinanda na ni Yanni ang almusal namin. Kakadating lang ni Daddy.
"Anak, mauuna na ako papasok ha. Ipapasundo nalang kita sa driver. By the way, kaya mo yan, and always remember that I'm so proud of you."
"Thank You, Daddy"
Pagkatapos naming mag-almusal, umakyat na ako para makapag-ayos. Pero bago 'yon, tinawagan ko ang Bibi ko.
"Good Morning, Love"
"Morning rin"
"Love, kaya mo yan okay? After mo sa company, let's go to my house. My mom and Ate want to meet you."
"Halaaaa! Nadagdagan lalo ang kaba ko."
"HAHAHAH, Love, relax. Kaya mo yan. Tsaka mababait naman sila. They don't bite you. Pfft."
"Okay, sabi mo yan. Mga 30 minutes lang naman siguro ako sa company. Then, before we go to your house, let's visit my Mommy. Is that okay?"
"Sure, Love. Sunduin nalang kita sa company niyo. Okay? Then, let's have lunch in my house."
"Sure. Sige na, I prepare muna. Love youuu."
"I love you too. Fighting, Love."
Bakit ganon? Kahapon, sobrang saya, then now, sobrang kaba naman, mga Atii. Mas nakakakaba pa yata ang meet the family. Nag-shower ako, then I organized myself.
Naglagay ako ng make up. Syempre, presentable dapat, atii. Then, I curled my hair and put on some girly hairpins. For my dress, I wear a white casual maxi dress paired with white Parisian heels.
"Tine, Iha, nandiyan na yung driver. Aalis na daw kayo."
"Sige po, Yanni"
"Kaya mo yan, Anak ha. Ngiti lang, okay."
YOU ARE READING
CTRL + S
RomanceIn a world where memories are as fragile as digital files, the simple act of hitting "Control+S" becomes a desperate race against time. Imagine a life where your most cherished moments: a first kiss, a childhood laughter, a whispered promise are sto...