The Moments

2 1 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas mula nang makabalik kami ni Earn. Hanggang ngayon, parang nasa Palawan pa rin ang kaluluwa ko. Last night, nakausap ko si Yanni.

"Kumusta, Tine, yung bakasyon niyo?."

"Maayos naman po, masaya sobra."

"Mabuti nga pala, Tine, may sasabihin ako."

Pakiramdam ko, may mali. Iba yung tono niya. May halong lungkot.

"Yes, Yanni?."

"Diba, December na ngayon? Baka March pa ako makakabalik diyan."

"Bakit po, Yanni? Is there any problem?"

"Yung isa kasing pamangkin ni Seb, iniwan muna sa amin yung anak nila eh. 6 na taon palang yung bata, kailangan alagaan."

"Uhmm, bakit po siya iniwan?."

"Mag-isa nalang kasi yung pamangkin ni Seb sa pag-aalaga sa anak niya. Kaso, netong nakaraang araw, umalis, pumuntang Manila para makapaghanapbuhay, para tugunan yung mga pangangailangan ng anak niya."

Yun yung mahirap pag-isa mo lang na magulang. Kahit masakit, kailangan mong iwan yung anak mo para maibigay yung mga pangangailangan niya. Hindi naman kasi habang-buhay mananatiling bata yung anak.

Buti nalang, mapalad ako. Kasi kahit isa nalang si Daddy bilang parent ko, magkasama parin kami.

"Sige po, ayos lang, Yanni. Alagaan niyo po muna yung bata. Kailangan niya po ng mag-sisilbing magulang niya, at kayo po yun ni Kuya Seb."

Naintindihan ko yung sitwasyon. Maybe hindi ko naranasan yun, pero alam ko kung paano masasaktan yung bata kung walang mag-gagabay sa kanya.

"Salamat, Tine. Huwag ka mag-alala, pupunta kami ni Seb sa kasal niyo ni Earn, diba next year na iyon?."

Oo nga pala, yung wedding sa susunod na taon na iyon. And guess what? December na, so malapit na. 22 years old na ako, at June pa naman birthday ko.

"Yes, Yanni. Kayo po ni Daddy, mag-hahatid sa akin sa altar, ha?."

"Oo naman, Tine. Masaya ako para sayo. Dati, angliit-liit mo pa. Ngayon, malapit ka nang magkaroon ng pamilya. Basta asahan mo, anuman ang mangyari, pupunta kami."

"Sige po, Yanni. Aasahan ko po iyan. See you next year, Yanni. I miss youuuu sobra sobra. By the way, Advance Merry Christmas, loveee youuu."

"Mahal rin kita, Tine. Sige na, magpapaligo pa ako ng bata."

"Sige, Yanniii. Bye bye."

Natulog na ako after ng call namin ni Yanni. Kinaumagahan, mga 10 AM, nag-ring yung phone ko. This time, video call na.

"Hi senyooooo." Lona

Yung mga bruha pala. HAHAHAH. Tapos si Ate Zy. Bale, dalawa groupchat namin. Yung isa, nandoon si Earn, tapos yung isa, wala.

"Ano, kumusta na, Tine, yung vacation niyo ni lover boy?" Alizah

"Maayos naman, masaya. Andami naming napuntahan."

"Atii, yung pasalubong namin, bukas mo ibigay ha." Fajra

"Tine, nakita na namin yung mga pictures niyo. Yieeee, sana all." Alana

"HAHAHAHA."

"So, ano, bebe, may nabuo ba?." Ate Zy

"Nabuo?."

"Oo, mga memories, ganon." Ate Zy

"Alam mo ba, Atii, noong nakita ni Ate Zy yung mga pictures niyo, nasa office kasi kami non, gulat ako. Nag-tititili siya." Lona

CTRL + SWhere stories live. Discover now