The In​dex

9 1 0
                                    

We wake up at exactly 8:00 then after we had breakfast, umuwi na yung tatlo. Basically, si Yanni nalang kasama ko ulit. Pagkatapos ko sila ihatid, umakyat muna ako sa kwarto at magsusulat sa diary ko. Buti nalang hindi ko nakalimutan yung mga ganap kahapon.

While scanning the pages of my diary, nakita ko may isang note doon na ang title na "10 Things I wish I did before I die". Binasa ko lahat ng nakalista doon then I decided na from this day, isasakatuparan ko ang mga iyon habang malakas pa ko.

"Yanni, look at this note"

"10 things iha ito ba yung mga gusto mong gawin? Gusto mo tulungan kita gawin ang mga ito?"

"Really Yanni, thank youuu. So wala naman po tayong gagawin ngayon diba?"

"Uhmmm, grocery. Mauubos na kasi stock natin eh. Gusto mo samahan mo muna akong maggrocery?"

"Sigeee poo. Maliligo muna ako."

After kung maligo, naka black tshirt at short lang ako. Syempre grocery lang naman eh, alangan mag ball gown ako diba.

This past few weeks, nararamdaman ko na medyo lumalakas na ko. Siguro dahil sa mga tinutusok sa aking gamot tsaka mga pinapainom sakin.

"Yanni, I want this"

"Pwede ka ba kumain niyan iha?"

"Yes, Yanni. Basta moderate lang hahahaha"

Kumuha ako ng ilang chips tapos ilang chocolates. Naubos kasi yun kagabi eh.

"Tine, anong gusto mong mga karne?"

Sa grocery, meat nalang binibili namin tsaka mga seasonings. Kasi sa rancho na kami kumukuha ng fruits and vegetables.

After picking and picking, natapos rin yung grocery namin. Bago yun, nag ice cream muna kami at umuwi na.

"Tine, pagkatapos ko dito pwede na nating umpisahan yang mga nasa listahan."

"Yeah, sige po."

"Ano ba yung nasa unahan?"

"Yanni, naisip ko what if dalawa bawat araw ang gawin ko, as long as kaya ko pa."

"Sige, ikaw bahala. Basta pag pagod ka na, magpahinga ka muna, okay?"

I message my Dad para sabihin yung plano ko kasi number 2 sa list ko kailangan lumabas.

"Dad? Can I go to a Japanese Restaurant? Nag cracrave kasi ako sa japanase foods eh. I'll go with Yanni naman."

After 10 minutes nagreply na siya.

"Sige basta update me every hour so I will know if you're okay or not and if you feel pain call me immediately understood!"

"Yes, Dad. Thank youuu. Love youuu."

Everyday I always tell to my Dad that I love him, also to my Yanni. Kasi hindi ko sure kung baka huli ko na iyon.

"Yanni, pumayag na si Dad. Ang una is "matutong magbike" at pang second ay "kumain sa Japanese Restaurant."

"Sige, ano bang gusto mo unahin diyan?"

"Uhmm, mag lulunch naman na po diba? Let's have our lunch at Japanese Restaurant. Nag surf na po ako sa internet and nakahanap na ko ng pwede malapit lang naman po dito."

"Saan?"

"According in their facebook page, Subic Grand Seas Restaurant-Sayuri Japanese Restaurant."

"Ahh, alam ko iyon. Napuntahan na namin yun ng Dad mo before. Doon sila nag kakilala ni Mommy mo eh."

"Really? What a coincidence."

"Regular customer si Mommy mo doon sa restaurant na yun. Tapos isang araw pumunta Daddy mo doon kasama mga business partners niya. Tapos doon niya nakita Mommy mo, ayun na love at first sight ng Daddy mo."

Alam ko love story nila Mommy at Daddy. Pero ngayon ko lang nalaman saan sila first na nag meet. Hindi kasi sinasabi ni Daddy eh.

Nagpalit muna ako ng outfit bago pumunta sa restaurant. Same as well as Yanni. Nagpalit ako into a emerald romper at hinayaan ko lang yung buhok kong nakalugay.

We arrived at the restaurant 12:00 am exact. So nakapag book naman na ko ng reservation kani kanina lang. Himala, mga nakakuha ako eh.

"Irasshaimase! Welcome to Sayuri Japanase Restaurant. Can I take your order?"

Infairness ang ganda dito. Para ka talagang nasa Japan HAHAHA.

Yung mga design ng wall pati yung lights. Kumbaga you can feel the ambiance of Japan in this restaurant. Even the waiter, he looks japanese hahahaha.

I check the menu pati si Yanni. Halaa, buti nalang nag research ako tungkol dito kundi hindi ko magegets mga pagkain dito.

"Uhm, one Okonomiyaki, Korroke, Chahan, Sashimi, Sushi and Tempura. How about you Yanni?"

"Chahan, Ebi Nigiri at Deep Fried Gyoza"

"How about drinks Ma'am?"

"Water."

Mukhang masasarap pa naman itong inumin dito pero bawal naman ako kaya tubig nalang.

In just 6 minutes, dumating na order namin. Andami hahahaha. And we start eating na.

After we left at restaurant, nag picture muna kami syempre memories yun diba. Then before we left, one of the employee said:

"Arigato! Matakitene."

Natutuwa ako sa mga sinasabi nila. Hindi ko man gets pero naiintindihan naman ni Yanni. Galing diba.

I message my Dad after namin makabalik sa car then umuwi na kami. I am happy na natupad ko na yung 1 sa list ko. Next is to know how to ride a bicycle and here we go.

"Yanni, next is about sa bike ha."

"Sige, turuan kita mamaya. Sa park nalang tayo magpraktis para madali."

I had my bicycle pero hindi ko naman nagagamit. Actually, maraming gamit sa bahay na hindi naman nagagamit. Sayang lang hayss.

Pagkadating sa bahay, nagpahinga muna kami ni Yanni. Nanood muna kami ng favorite series ni Yanni sa tv. Sakto yung dating namin.

After namin manood mga 30 minutes rin yun, sakto cloudy parin ngayon kaya maganda lumabas. Nagdala kami ng towel, water, tsaka syempre yung bicycle. Dalawa dala namin para kapag natuto na ko, magiikot na kami gamit toh.

"Ganito Tine, ibalanse mo lang yung sarili mo para hindi ka matumba."

Sumakay na ko don sa bicycle at ayun nga, natumba ako. Buti nalang naglagay ako ng knee pads kundi sugat toh. Naka ilang try ako ng makuha ko na yung technique.

"Look Yanni, I can do naaa."

"Mabuti, sige try mo magbike mula dito hanggang doon sa puno na iyon."

Saktong layo lang naman. Sige lemmeee give it a try. Go gurll.

After 15 minutes, napagod na ako kaya umupo muna ako at nagpunas ng pawis.

"Ang galingggg Yanni."

"Mabilis ka talaga matuto."

Uminom na rin ako ng tubig kasi nakakauhaw naman pala yun. Pagkatapos magpahinga, nagbike na kami ni Yanni at inikot namin itong mansion.

I'm very happy right now kasi unti unti ko ng napapasok ang totoong mundo ng mga tao kasama ang mga taong mahahalaga sa akin.

5:00 ng bumalik na kami sa house kasi magluluto na si Yanni na pang dinner namin. At ako, umakyat muna sa kwarto para magpalit at maligo kasi ampawis ko.

I get my diary to check the two things in the list. 8 over 10 nalang kaya ko tohhh. Atlis bago ako mamatay, nagawa ko lahat ng gusto ko diba.

Tinignan ko ulit yung picture na dalawang bata na nakaipit sa diary ko. Kailan ko malalaman kung sino itong mga toh?

CTRL + SWhere stories live. Discover now