The Fate

2 0 0
                                    

Another day, another life, and another set of challenges. Kagabi napanaginipan ko si Mommy, balak ko itong ikwento kay Daddy mamaya. It's 9 am now, and as usual, we have breakfast. Nakakasawa na nga yung pagkain dito, puro lugaw at tinapay, mas nararamdaman ko tuloy na may sakit ako.

"How's your sleep My princess?."

"Mabuti naman Dad."

This time, it wasn't a lie. Totoo yung sinasabi ko. First time ko makita si Mommy ng live, kaya syempre masaya ako. Minsan iniisip ko na buti pa sa mga panaginip ko, masaya ako noh.

"Uhmm My princess?."

"Yes Dad."

"Hindi muna ako papasok ng 1 linggo sa company natin."

"Why is there something wrong?." Pag-aalala kong tanong

"Nope, let me tell you a story. Noong coma ka, aaminin ko napabayaan ko sarili ko kasi wala akong magawa non kundi hintayin kang magising. Yung pakiramdam na ama mo ako, pero wala akong magawa, kaya noong coma ka, binabad ko yung sarili ko sa trabaho. Umaga hanggang hapon nasa kompanya ako, tapos buong gabi binabantayan kita."

Hindi ko alam... hindi ko alam na sobra na palang naaapektuhan si Daddy. Hindi ko alam na habang nasasaktan ako, kulang nalang patayin si Daddy sa akin tulad ng sabi nila, doble ang sakit ng isang magulang kapag nasasaktan yung anak nila.

"Sorry Daddy... sorry kung nahihirapan kana... sorry."

"Yes, nahihirapan ako, pero walang kaso yun sa akin Tine kasi mahalaga ka sa akin, kasi anak kita. Don't say sorry kasi wala kang kasalanan."

"Daddy, always remember po na I love you and I really really love and appreciate you. Daddy, I hope kapag nawala na ako, continue your life kasi I promise na lagi lang po akong nasa tabi niyo na babantayan kayo."

"No Tine, mabubuhay ka okay. Nawala na ang Mommy mo sa akin, hindi ko na kakayanin kung mawawala ka rin. Tine laban lang. Sinabi sa akin ng mga Doctor na unting panahon na lang makakahanap na sila ng lunas sa sakit mo."

Gusto kong umasa... umasa na tatagal pa ako pero alam ko na baka hindi na kayanin ng katawan ko. Simula ng magising ako, hirap na para sa akin ang kumilos. Unti unti ko ng nararamdaman yung mga sintomas na naranasan ko rin sa panaginip ko.

"Anak, simula ngayon magkakaroon na ako ng oras sayo at sisimulan natin yan ngayong araw. I promise to you na lahat ng napuntahan mo sa panaginip mo, pupuntahan natin lahat yun. Gagawin natin ng magkasama."

"Thank you Daddy."

After namin mag-breakfast, nag-ayos muna ako pero syempre naka-hospital gown parin ako.

"Anak, anong gusto mong gawin ngayong araw?"

"Gusto ko po sana kumain ng Japanase dish, kaso bawal pa po ako lumabas diba?"

"Alam ko na, mag papadeliver nalang tayo, tapos mag picnic tayo sa baba. Sakto, may garden itong hospital."

Wow, sana all by the way, miss ko na yung Rancho namin. Kumusta na kaya yun? 2 years ago na pala since last na punta ko don in real life, pero kung sa panaginip ko, last week lang, kasama ko pa non ang "A" sisters, Fajra at Earn.

"Also Dad, I want po to paint. Pwede na po ba yun?"

Kahapon kasi drawing lang naman ginawa namin diba? Syempre iba parin pag painting. Miss ko na humawak ng paint brush. Miss ko na mag pinta sa real life.

"Sige, gagawin natin lahat ng gusto mo okay. By now, dito ka muna sa kwarto, may aayusin lang ako. Dinala ko yung laptop mo, manood ka muna diyan ha."

"Sige po, ingat kayo."

CTRL + SWhere stories live. Discover now