Sa kalagitnaan ng seremonya, ang mga ngiti na nasa labi ng mga tao sa loob ng simbahan ay biglang napalitan ng pagkagulat at pag-aalala.
"Hellaaaaa!" sigaw ni Earn habang papalapit sa kanyang minamahal.
"Tumawag kayo ng ambulansya, bilis!" tarantang sabi ng kanyang ama.
Sa bilis na 10 minuto, dumating na rin ang ambulansya. Agad nitong binuhat ang walang malay na katawan ng dalaga at agarang pinunta sa hospital.
"Tito, ano na pong mangyayari?" Earn
"Don't worry, iho. Magiging maayos rin si Tine. Mag-dasal lang tayo."
Sa loob ng ambulansya, nandoon ang ilang nurses, si Earn, at ang kanyang Daddy.
Pagkarating sa Our Lady of Lordes International Medical Center, sinalubong agad sila ng mga doktor na titingin sa kondisyon ni Tine.
"Mga sir, hanggang dito nalang po kayo. Bawal po kayo sumama sa loob" wika ng isang nurse.
Naiwan sa labas ng emergency room sila Earn at Mr. Patrick. Ilang minuto lang, dumating na rin ang mga kaibigan ni Tine.
"Tito, si Tine, kamusta?" Alizah
"Hindi pa namin alam, Iha."
Sabay-sabay silang umupo sa isang mahabang upuan sa labas ng emergency room, naghihintay at umaasa na maayos ang kalagayan ni Tine.
Sa paglipas ng 1 oras, lumabas na rin ang isang doktor mula sa emergency room.
"Kumusta po siya?" agarang tanong ni Earn.
"Doc, ano pong lagay ng kaibigan namin?" Alana
"Sa ngayon, maayos na siya. Maaari niyo na siyang puntahan mamaya, at maaari ko ba munang kausapin ang kanyang magulang?"
Pumunta ang doktor at ang ama ni Tine sa office nito.
"Mr. Patrick, tatapatin na kita. Mabuti at naisugod agad si Tine sa hospital bago pa lumala ang sitwasyon niya. Simula bata palang si Tine, binibigyan na namin siya ng medications, pero alam mo, Patrick, na hindi sapat iyon."
"Anong ibig mong sabihin? Na mawawala na yung anak ko ha!." pasigaw na sigaw niya.
"Patrick, ayaw kitang masaktan, pero alam mo ang totoong mangyayari. Ginawa na namin yung lahat, lahat ng pwedeng ibigay kay Tine na gamot, test, therapy, nagawa na natin iyon. Pero alam natin na hanggang ngayon, wala paring gamot sa sakit na ito. Hindi na namin pwedeng bigyan o turukan na naman ang katawan ng anak mo dahil baka hindi niya na kayanin."
"Ano ng gagawin natin? Hindi ako makakapayag na mawala yung anak ko."
"Manalangin. May awa ang Panginoon, at yun ang kailangan ni Tine ngayon. Sa paggising niya, maraming magbabago, Patrick. Lalabas na yung mga iba pang sintomas ng sakit niya. Ang kailangan ni Tine ngayon ay kayo, kayo na mga nagmamahal sa kanya."
Pagkatapos ng usapan, bumalik na sila sa pwesto nila. Lumipas ang 1 oras, pinayagan na sila ng doktor na pumasok sa kwarto ni Tine.
"Tine, gising ka na ohh. Promise, bibigyan na kita ng mga foods ko." Fajra
"Hindi na kami mag-aaway ni Fajra, promise yan." Lona
"Tine, laban lang ha. Nandito lang kami." Alana
"Diba marami pa tayong papanoorin na Kdrama, Tine? Gagawin pa natin yun, diba? Pangako mo yun." Alizah
"Love, laban lang. Naghihintay kami dito. Hindi ka namin iiwan." Earn
Sa paglipas ng buong araw, nanatiling walang malay si Tine.
"Umuwi muna kayo. Ako na muna magbabantay kay Tine." Earn
YOU ARE READING
CTRL + S
RomanceIn a world where memories are as fragile as digital files, the simple act of hitting "Control+S" becomes a desperate race against time. Imagine a life where your most cherished moments: a first kiss, a childhood laughter, a whispered promise are sto...