Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil tuwing pipikit ako, laging pumapasok sa isip ko yung mga oras na kasama ko ang mga kaibigan ko at si Earn. Mga 1:30 AM na ako nakatulog and now it's 8:00 AM, so basically, I'm sleep-deprived.
Mag-isa lang ako ngayon sa kwarto ko. Si Daddy siguro ay nasa baba para bumili ng pagkain para sa breakfast natin.
Parang kay bilis ng iyong pag-alis
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Sa'n nagkamali? Pwede bang bumawi?
Teka lang, teka lang, teka lang muna
Masyado pang maaga
Para mawala ka
Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga nagsi-sink in sa utak ko lahat ng nangyari. Alam mo ba yung feeling na sobrang saya mo kasi nakakita ka ng lagayan ng ice cream sa refrigerator mo, pero pagbukas mo, isda pala ang laman? Saglit kang nae-excite, pero babawiin rin pala sa disappointment.
Yung sa apat na taon kong doon, kahit papaano, nagkaroon na ng kulay yung buhay ko noong nakilala ko sila. Pero watercolor lang pala ang gamit nito, at nag-fade rin.
"Hayss, minsan ang galing rin maglaro ng tadhana. Kailan kaya ito magse-seryoso?"
After thinking for ten minutes, the door to my room opened, and Dad appeared with food.
"My princess, gising ka na pala. Tara, kain ka muna."
Nginitian ko lang si Daddy bilang tugon. Naisip ko "What if Dad isn't real either? What would my life be like then? Maybe I'd just wish to get sick so everything would end."
"Kumusta ka, anak?."
"Uhmm, unti-unti ko na pong natatanggap." That was a lie
"That's good. Alam kong mahirap, pero alam kong matapang ka, at malalagpasan mo rin yan. Nagpapasalamat ako kasi kahit imahinasyon mo lang sila, napasaya ka nila."
They didn't just make me happy, Dad. Maraming nagbago. Sa panahon na kasama ko sila, marami akong narealize, and most importantly, I learned to love.
"Sobrang dami, Dad. Ang dami naming napuntahan doon, eh. Tsaka mas nakasama ko pa si Yanni doon."
Dad just smiled at me. Alam ko kahit hindi niya sabihin, nasasaktan rin siya sa mga nangyayari.
"Alam mo ba, Dad, ang babait nila. Tsaka si Earn, swerte ko sa kanya. Sana totoo nalang sila."
Sana... sana sa next life ko, makilala ko sila sa totoong mundo, ha.
"Gusto kong pasalamatan sila para sa kasiyahan na naidulot nila sa yo. By the way, mga pinsan mo ang bibisita ngayon."
Sabi na ni Daddy na totoo sila Lona, Ate Zy, Mara, Mira, Kuya Tevon, Kuya Tristan, at lahat ng family members ko sa imahinasyon ko. Totoo sila.
Nagsuklay nalang ako. Bawal naman akong magpalit. Suot-suot ko pa rin itong hospital gown. Dapat wedding gown ang suot ko ngayon kung hindi lang ako nagising sa panaginip ko. Siguro masaya kaming lahat ngayon.
"Hiiiiiii Tine"
"Hi ayeeee"
"Hi Bebe"
"Mabuti at gising ka na, Iha."
Ganon din pala sila sa real life. Yung mga pananalita nila, parehas lang. May dala silang prutas at bouquet ng sunflower, parang noong bumisita sa akin si Fajra.
"Kumusta ka, Tine? Pasensya, hindi kita nadalaw kahapon, ha." sabi ni Yaya Felicia
Tinignan ko siya mabuti. Magkahawig nga sila ni Yanni. Syempre, kambal sila, duh! Pero aaminin ko, iba pa rin pag si Yanni.
"Maayos naman po."
"Tine, alam mo ba, official na yung ex-crush ko, tapos yung jowa niyang boy rin." sabi ni Lona
Naalala ko ito. Nangyari ito sa panaginip ko, yung pagkukuwento ni Lona.
"Pwede bang magtanong sa inyo?"
"Ano yun, Bebe?" tanong ni Ate Zy
"Anong nangyari sa outing natin?"
"Sa bakasyunan ba?." tanong ni Kuya Tevon
"Opo."
"Buong araw tayong magkakasama non, tapos masaya tayo." sabi ni Kuya Tristan
"Tapos ayeee, nag-swimming pa tayo non." sabi ni Mara
"Ilang taon na kayo?"
Sabay-sabay nilang tinaas yung kamay nila at pinakita sa akin ang 7 sa pamamagitan ng mga daliri nila. Tama, dalawang taon nga pala akong coma.
"Lona, noong outing natin, anong ginawa nating dalawa?."
"Uhmm, nag-bonding tayong tatlo nila Ate Zy. Nilibot natin yung buong resort."
"Wala tayong nakilalang tatlong babae mga kaedaran lang natin, Lona?."
"Wala naman, Bebe. Kasi that time, unti lang tao doon, tsaka puro family rin." Sagot ni Ate Zy
"Sure kayo?."
"Yes, wala talaga. Promise." sabi ni Lona
Doon palang, sapat na para malaman ko na wala talagang "A" sisters at Fajra na nag-eexist.
"Yaya Felicia, may tanong po ako?"
"Ano yun, Iha?."
"Kailan po last na punta natin sa Rancho?."
"Ahh, hindi ko na masyadong matandaan, Iha. Pero sa pagkakaalam ko, saglit lang tayo doon kasi dumating ang kambal sa mansyon."
Tama... tama, ganitong-ganito rin yung nangyari sa imahinasyon ko.
"Noong nasa Rancho po tayo, matagal po ba tayo doon?."
"Saglit lang, Iha. Kinuha lang natin yung mga prutas at gulay, tapos binisita mo yung alaga mong kabayo, tapos umalis na rin tayo." sagot ni Yaya Felicia
"Kabayo?"
"Oo, Tine. Kylie ata name nung kabayong yun." sabi ni Kuya Tevon
So, totoo rin si Kylie? Totoong nag-eexist rin siya.
"Uhm, kailan po ako na-coma?."
"Nahimatay ka noong birthday ni Tito, two years ago" sagot ni Kuya Tristan.
"Oo, Bebe. Tama siya. Noong sabi mo na pupunta kang restroom saglit sa paglalakad mo papunta doon, bigla kang nahimatay." sabi ni Ate Zy
Ngayon, naintindihan ko na lahat yung mga nangyari bago yung birthday ni Daddy. Nag-eexist siya. May mga nadagdag nga lang, pero after the party, lahat ng nangyari ay pawang imahinasyon lamang.
"Ayee, eat this please." sabi ni Mira
Binigay niya sa akin yung isang apple. Oww, si Fajra, naalala ko siya dito.
"Bebe, I brought my laptop. I had a lot of Kdrama here. Nood tayo." sabi ni Ate Zy
And now, Alizah. Siguro nakuha ko yung mga personality ng mga binuo kong kaibigan sa mga pinsan ko.
Nanood nga kaming lahat ng Kdrama. Buti nga sumang-ayon doon si Kuya Tevon at Kuya Tristan.
"Tine, let's decorate this room. Masyadong dull here. I brought some of our pictures." sabi ni Kuya Tristan
Inabot niya sa akin yung mga pictures. May mga solo pictures ako dito. It looks like kinuha ko ang personality ni Kuya Tristan para mabuo si Alana. Wait, love team sila sa story na binuo ko, ha. Sana maka-hanap si Kuya Tristan ng isang Alana.
Naglaro rin kami kasama sila Mara and Mira. May dala silang coloring books nila, tsaka some other art materials like paper, pencil, and some coloring materials. Oww, they love arts like Earn.
"Ano, game? Pagandahan nalang ng drawing, ohh." paghahamon ni Lona
Naalala ko, lahat pala kaming magpipinsan, may talent when it comes to art. Napangiti ako ng maalala ko na sinabihan ko rin si Earn na ganon.
Nag-drawing na kaming lahat, except sa twins, kasi nagco-color color lang sila sa tabi namin. Kahit papaano, napagaan nila pakiramdam ko. Hindi ko alam kung nasabi na ba sa kanila ni Daddy yung mga nangyari, pero mukhang wala pa namang alam itong mga toh.
Katulad ng sabi ni Kuya Tristan kanina, dinecorate nga nila itong room ko. Hindi ko alam kung pwede ito, pero nagpaalam naman na daw sila sa mga hospital officers at pinayagan naman daw sila. Actually, it looks like they are all prepared for this renovation. Marami silang dalang decoration items like LED fairy lights.
"Tine, bumili rin kami ni Ate Zy ng mga sunflower stickers. Tignan mo ang cucute." sabi ni Lona
"Ayee, pengeeee."
"Sabi ko na nga ba, heto mga Bebe. Bumili rin kami para sa inyo." sabi ni Ate Zy
Pinagpatuloy lang nila yung pagde-decorate habang katabi ko itong mga twins na nanonood sa phone ni Kuya Tevon.
"Kuya Tevon, may nag-message sayo." sabi ng isa sa twins
Wala, nakita ko lang bigla kasing nag-pop up sa screen yun kaya nastop yung pinapanood ng twins.
"From Bebe Katarina daw." sabi ni Kuya Tevon
"Yieeeee, sana oll Tevon." sabi ni Ate Zy
"Lupet naman nito. Ninong ako, ha?." sabi ni Kuya Tristan
Tinignan lang ni Kuya Tevon si Ate Zy at Kuya Tristan ng masama, tapos tumatawa lang si Lona sa gilid nila. Halaa, anong meron? May something kaya.
"Anong meron?." Tanong ko
"Eto, nakikita mo itong pinsan natin, Tine. Mukhang jajackpot na HAHAHAHA. May pamangkin na tayo." sabi ni Kuya Tristan
"Kesa naman sa yo, hanggang ngayon single parin. Jowain mo na kaya yang camera mo." sabi ni Kuya Tevon
"#Photographyislayp." sabi ni Lona
"Ang pag-ibig kasi hindi hinahanap. Yan darating yan sa tamang panahon." sabi ni Kuya Tristan
"#Aldub4rever HAHAHAHA." sabi ni Ate Zy
Tawa lang kami ng tawa dahil kanina si Kuya Tevon ang target, ngayon biglang nalihis kay Kuya Tristan.
After nilang mag-decorate, kumain muna kami ng lunch. Umalis muna si Kuya Tevon at Kuya Tristan para bumili.
"Tine, sobrang saya namin kasi nagising ka na." sabi ni Ate Zy
"Oo nga, Atii. Masyado mong dinama ang pagiging sleeping beauty HAHAHAHA." sabi ni Lona
"Aye, we miss you very much. Right, Mara?."
"Oo, Aye. Masaya kami kasi kasama ka na namin ulit. May kalaro na ulit kami." sabi ni Mara
Nakakatunaw ng puso na marinig yung mga salitang iyon.
"May sasabihin ako sa inyo."
"Ano yun, Bebe?." tanong ni Ate Zy
"Pero baka hindi kayo maniwala." sabi ko
"About ba toh doon sa mahaba mong panaginip? Sorry, narinig ko kasi si Mommy tsaka si Tito kahapon na nag-uusap." sabi ni Lona
"Oo, yung naging mundo ko sa dalawang taon para sa inyo, pero para sa akin, apat taon ako nanatili doon." sabi ko
"Pwede mo bang ikwento sa amin, Bebe? Promise, hindi ka namin iju-judge." sabi ni Ate Zy
Kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari, simula sa kung paano ko nakilala ang "A" sisters, Fajra at si Earn. Kung paano kami naging magkakaibigan, yung mga adventures namin, at mga challenges na pinagdaanan namin.
"So, itong si Earn, malapit na kayong ikasal?" tanong ni Lona.
"Oo, kaso sa nahimatay ako sa wedding namin, then naconfine ako sa hospital. Tapos noong nasa hospital na ako, pagkagising ko, nagbago na lahat." sabi ko
"Sayang at ang lungkot naman. Sana totoo nalang sila, noh. Gusto kong makilala sila based sa kwento mo, Bebe. Ang saya-saya mo." sabi ni Ate Zy
"Sino naman kaya yung Yuan na sinasabi mo? Baka siya na yung the one ko." sabi ni Lona
"I hope so, Lona. Alam mo, ang saya-saya mo doon. Ang saya-saya natin kasama sila Alana, Fajra, Alizah, at Earn." sabi ko
"Mukhang magkakasundo nga kami ni Alizah, Bebe." sabi ni Ate Zy
"But they are not real. They are just a product of my imagination." sabi ko
Kung kwento lang sa Wattpad buhay ko, siguro nag-trending na 'toh. Or ipasa ko kaya ito sa Magpakailanman o MMK? Siguro, bebenta toh.
Pagbigyan ang aking tugon
Wag iwan sa imahinasyon
Kahit na huling sulyap na lamang
Malaman lang na 'di nagkulang
Ba't 'di man lang nagpaalam
O'di lang ikaw yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat
Bat 'di man lang pinaalam
O'di lang ikaw yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat
Paalam
Paalam
Nagpatuloy lang ang kwentuhan naming tatlo ng dumating na rin sila Kuya Tristan.
"Woahhh, nakakapagod grabe. Sabi sayo sa Jollibee nalang tayo pumunta." sabi ni Kuya Tevon
"Ano ka, batang paslit? Eto na yung foods sa Mang Inasal kami bumili. Syempre, nandito si Lona. Mahirap na HAHAHAHA." sabi ni Kuya Tristan
"Grabe ka, Kuya. Pero thank you narin sa libre." sabi ni Lona
"Oyyy, anong libre? Magbayad kayo, except kay Tine at sa twins." sabi ni Kuya Tevon
"Okay lang naman sa akin. Pera naman ni Tevon ginastos namin diyan HAHAHAHA. Buti nalang naiwan ko wallet ko dito." sabi ni Kuya Tristan
Dahil gutom na kami, kinuha na namin yung mga foods sa kamay nila Kuya Tevon. May dala rin pala silang Kids meal para sa twins. Malamang.
"Thank you, mga Kuyas." sabi ko
"Buti pa si Tine, marunong magpasalamat. Hindi katulad ng tatlo diyan." sabi nila kay Ate Zy at Lona
"Ehem ehem. Thank you, Bebe Tevon at Bebe Tristan. Mahal na mahal ka namin at lagi kayong mag-iingat, ha. Keri na." sabi ni Ate Zy
Kumain na kaming pito dito dahil antagal naming nag-hintay nila Ate Zy. Kala namin na-stranded na sila.
After kumain ng lunch, naglaro rin kami ng crosswords, at yung twins naglaro ng barbie dolls nila.
By 4 PM, nagpaalam na sila sa akin. Niyakap nila ako isa-isa, at nag-picture kami.
"Bye bye, Ayeee." sabay na sabi ng kambal
Sa pag-alis nila, ang siyang pagdating naman ni Yaya Felicia.
"Napagod ka ba, Iha?."
"Sakto lang po. Saan po kayo galing?"
"Sa Rancho. Kailangan daw ng tulong doon, eh. Kaya pumunta ako. Kasama mo naman mga pinsan mo." sagot ni Yaya Felicia
"Uhmm, about po kay Yanni, pwede magtanong?."
"Oo naman. Anong gusto mong malaman sa kambal ko?"
Actually, hindi ko alam kung paano ko siya sasabihin, at hindi ko alam kung anong salita ang wasto na gamitin. Pero dahil sa curious talaga ako, nilakasan ko na loob ko.
"May naging kasintahan po ba siya dati?"
"Uhm, meron. Isa, si Sebastian. Kaso hindi sila nagkatuluyan." sabi ni Yaya Felicia
So, totoo rin si Kuya Sebastian!
"Alam niyo po noong coma ako, napanaginipan ko siya na nakita niya ulit si Kuya Seb, tapos nagpakasal sila. Ang saya-saya po doon ni Yanni." sabi ko
"Masaya ako na noong panahon na coma ka, Tine, ginabayan ka parin ng kambal ko. Sobrang mahal ka talaga nun kaya kahit sa panaginip mo, sinamahan ka niya." sabi ni Yaya Felicia
Naluha ako sa sinabi ni Yaya Felicia. Kasi hindi ko alam na ganon pala ako kamahal ni Yanni kahit wala na siya. Never niya akong pinabayaan.
After naming magkwentuhan ni Yaya Felicia, marami rin kaming napag-usapan, kung paano sila ni Yanni dati. Kasi tinanong ko siya kung anong mga bonding nila ni Yanni. Kahit papaano, naging masaya ako kahit ngayon lang ng malaman ko na kahit wala na si Yanni, nandito parin si Yaya Felicia, ang nagsisilbing kahati niya.
Kinagabihan, nag-dinner na kami ni Yaya Felicia. Wala si Daddy, baka may meeting siya. After non, sinabi ko kay Yaya Felicia na magpapa-hinga na ako kasi na pagod ako kanina.
Nakinig muna ako sa mga kanta ng Ben&Ben hanggang makatulog ako.
"Nasaan ako?"
Kasalukuyan akong nasa isang garden. Walang mga tao dito kundi ako lang. Maganda dito. May mga bubbles rin na nagsisiliparan sa paligid. Sa aking paglalakad, may nakita akong isang babae na nakatayo sa isang fountain sa hindi kalayuan sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan ito.
"Mommy."
Sa paglapit ko sa babae, doon ko natuklasan na ito pala aking Mommy na matagal nang namatay. Naguguluhan ako kung bakit ko siya nakikita ngayon at kung anong mundo ito. Bumalik na ba ako sa ginawa kong mundo?
"Tine, my princess. Ang ganda-ganda mo." sabi niya
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, atsaka niya ako niyakap. Nagulat ako sa kanyang ginawa, pero aaminin ko, matagal ko na itong gustong maranasan, ang mayakap ko siya.
"Mommy, totoo po ba ito? Mommy, nakita narin kita." sabi ko.
"Tine, kasalukuyan kang nananaginip, Anak. Masaya ako na nakita rin kita. Sorry, ha, kung naiwan kita ng maaga." sagot niya
"Mommy, ayos lang po yun. Ang mahalaga, kasama na po kita ngayon." sabi ko
"Anak, sa ngayon, hindi pa panahon para tayo ay magsama. Marami pang naghihintay sayo. Tandaan mo na mahal na mahal na mahal kita, at kahit wala na ako, tandaan mo na lagi kitang ginagabayan" sabi niya
"Mahal na mahal rin po kita, Mommy. Miss na miss ka na po namin ni Daddy. Pero kung hindi pa po ito yung oras ko, bakit po kayo nagpakita?" tanong ko.
"Sa oras na magising ka, Anak, pakisabi sa Daddy mo na mahal na mahal ko siya, at hindi mawawala yun. Nagpakita ako sayo upang tulungan ka na lakasan yung loob mo, na lumaban ka. Pero kung hindi mo na kaya, huwag ka mag-alala. Ako ang lalaban para sayo, Anak. Alam ko lahat ng nangyayari. Yung mundong binuo mo, marahil hindi mo ako kasama doon, pero alam ko lahat dahil nanay mo ako." sabi niya
"Thank you, Mommy. Sobrang saya ko po na nakita ko ngayon kasi dati sa pictures ko lang po kayo nakikita, eh. Thank you po dahil hindi niyo po kami pinapabayaan. Pero Mommy, hindi ko po maiipangako na mananalo ako sa laban na ito. Masakit po na maiiwan ko rin si Daddy, pero gagawin ko po lahat para ma-save lahat ng memories na kasama ko po siya at sila." sabi ko
"Maraming salamat, Anak. Sige na, aalis na ako. Mahal na mahal ko kayo ng Daddy mo." sabi niya
Niyakap niya ako ulit sa pangalawang pagkakataon, at nagsimula na siyang naglakad paalis sa pwesto namin. Pinagmasdan ko na lamang siya hanggang tuluyan siyang maglaho. At sa paglaho niya, ang pagbalik ko sa totoong mundo ko.
YOU ARE READING
CTRL + S
RomanceIn a world where memories are as fragile as digital files, the simple act of hitting "Control+S" becomes a desperate race against time. Imagine a life where your most cherished moments: a first kiss, a childhood laughter, a whispered promise are sto...