Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang hindi namin kasama si Lona. Si Yanni naman ay nasa Palawan pa, alam mo na, nag-eenjoy ng kanilang bakasyon. May mga pagkakataon na nakakausap namin si Lona, pero madalang lang dahil sa responsibilidad na ibinigay sa kanya para isave ang kanilang company.
"Daddy, kumusta po yung kompanya nila Lona?"
Alam kong alam ni Daddy ang isyu, syempre pamilya rin namin sila Lona, bukod pa sa konektado ang kompanya namin at nila Lona.
"As of now, medyo magulo pa, pero nagtiwala kami ng malaki sa pinsan mo na maaayos niya iyon."
Sinabi na sa akin ni Dad na misunderstanding daw ang isyu sa pagitan ng mga partners nila. Alam kong kaya ni Lona yan pagdating sa komunikasyon, magaling siya doon.
"Ahh, ganon po ba? Sige po, kain na tayo."
Dahil wala si Yanni, nag-padeliver nalang kami ng dinner. Wala man akong alam sa negosyo para matulungan si Lona, pero alam ko kung paano siya aliwin ngayon, moral support lang ang maibibigay ko.
"Ikaw anak, kumusta ka nitong mga nakaraang araw?"
Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sagutin ang tanong niya.
"Maayos naman po Dad, pansin ko lately hindi na sumasakit ulo ko, tsaka yung memory ko, unti nalang nakakalimutan ko."
Minsan gusto kong isipin na gumagaling na ako, kaso sinasampal parin ako ng realidad na walang magic at hindi totoo iyon. Pati science, walang sagot sa sakit ko, ang saya diba? Yung problema mo, walang solusyon.
"Mabuti naman. Lagi mo lang iinumin yung mga gamot mo, then every week magpa-check up."
"Yes, Daddy."
Pagkatapos ng dinner, umakyat na rin ako sa kwarto. Tahimik ang bahay, ramdam kong may nawalang parte nito, at iyon si Yanni.
"Babe, yung plano natin tomorrow ha?"
"Ah, sige sige. Anong oras nga ulit?"
"9:00, sunduin nalang kita, then sila Lizah, Alana, Fajra, nasabihan ko na rin."
Nakakamiss na wala munang Lona sa eksena.
"Sige sige. By the way Babe, tulog na ako ha, good night. I love you."
"I love you too."
Aaminin ko na naging matamlay ako nang mawalay sa akin si Lona at Yanni. Dalawa sila sa pinaka mahalagang tao sa buhay ko.
"What if the only way not to feel bad is not to feel anything at all forever?"
Natulog na ako kaysa mag-overthink pa ako.
Kinaumagahan, 8:00 na ako nagising at nakita ko sa phone ko na may lakad pala kami ng 9:00. I have 1 hour pa naman. By the way, mag-isa nalang ako dito sa bahay kasi by 7:30 umaalis na si Dad eh. Nakita ko yung note na nakadikit sa refrigerator, tapos nandoon na rin yung breakfast.
Kailangan ko na ba masanay sa new normal na ito?. Ang tahimik at nakakabingi ng katahimikan. Habang kumakain, minessage ko muna si Yanni.
"Good Morning Yanni, I miss youuuu, uwi ka na, hindi na ako galit hahahaha kidding. Enjoy your vacation po, love youuu."
After kong mag-breakfast, siguro 8:20 then naligo na ako at nag-ayos. Today, I wear a pink long sleeve crop top and skirt, then a high ponytail.
"Love, tapos na ako mag-ayos, by the way good morning."
Pagkatapos ko siyang i-message, naglaro muna ako sa phone ko. After 15 minutes playing, dumating na si Bibi.
"Good morning too Babe. Sorry, hindi ako naka-reply, nag-dridrive kasi ako eh."
YOU ARE READING
CTRL + S
RomanceIn a world where memories are as fragile as digital files, the simple act of hitting "Control+S" becomes a desperate race against time. Imagine a life where your most cherished moments: a first kiss, a childhood laughter, a whispered promise are sto...