As of now January 8 na, so dalawang araw nalang, darating na sila Lona at Ate Zy. Pero sa pagdating nila, ang pag-alis naman ni Alana.
My Christmas and New Year was so happy, and yun yung pinaka-memorable. Kahit yun ang first time na hindi namin kasama si Yanni.
"Woahhh, ansaya-saya kamo mga Atii. Sayang wala kayo." Fajra
"Sana all. Ako nga, dito, kulang nalang bumaha ng dugo sa ilong ko. Mga Englisher naman kasi sila." Lona
"Kumusta ka diyan, Fajra? Nakakain ka ba ng maayos?."
"Yun na nga, Atii. Sakto na lang. Paano ba naman kasi, parang segundo-segundo may mga tanong mga tao dito. Jusko, tingin nila sakin, teacher?." Fajra
"Tine, see you sa 10. Yieeee. Excited na kami ni Bebe Lona." Ate Zy
"Same Ate, kaso alis yun ni Alana."
"Sayang nga. Pero, don't worry, babalik rin naman ako girls. Napaaga kasi internship ko, pero at some point, maganda narin kasi diba, this year, wedding niyo, Tine." Alana
"Oo, during Holiday, napag-usapan na namin yung month ng wedding."
Sa ilang araw ba naman kaming magkakasama sa Isla, napag-usapan na namin yung Month at Date ng Wedding. So, by next week, mag-preprepare na kami.
"So, kailan, gurl?" Alizah
"February 14, para sakto, araw ng mga puso."
"Oww, tama Atii, para pag nag-anniversary kayo at Valentine's Day, makaka-tipid sa gift." Fajra
"Kailan ang preparation?." Lona
"Oo nga, Bebe. Sakto ako sagot sa wedding dress mo." Ate Zy
"January 15, mag-stastart na."
"Oww, paano ako? Feb 5 pa uwi namin ni Mommy." Alizah
"Ako naman, January 20 pa." Fajra
"Nahiya naman ako senyo. Ako nga, Feb 10." Alana
"Pag mag-meeting, kasama kayo through video call."
"Sige, I will contact the best photographer mamaya para ma-set yung date ng wedding. Also, the invitation. Simulan ko na gawin bukas para matapos agad." Alana
Sinabi na nila sa akin yung mga preparation nila. So, bale pag naka-uwi na sila, checking nalang gagawin. January 10, pinuntahan namin ni Earn si Alana sa house nila to say goodbye. Kasi for sure, mamimiss ko siya.
So, this day, I wear a Gucci Ribbon Tweed dress paired with Chanel Bow Stilleto Heels. I also put Crystal Star Tassel Earrings and a Christian Dior heart necklace. I style my hair into a high ponytail using a white ribbon on it. Then, I used my Saint Laurent Metalassé Envelope Crossbody Bag.
"Ingat ka don ha. Call us pag may problema or pag boring ka."
"Alana, take care okay. We will wait for you." Earn
"Yieeee, Thank you senyo ha. Tara, pasok kayo. Mommy prepared us lunch."
By 2 PM, aalis na si Alana. Doon kami nag-lunch sa kanila, para narin may last moment kami. HAHAHA. Kala mo naman, hindi babalik.
"Here Alana, take this para lagi kang safe."
Binigay ko sa kanya yung bracelet na may cross bilang gift ko sa kanya na hindi ko naibigay noong Christmas at New Year.
"Thank you, Tine. Iingatan ko toh." She smiled at me
By 2:00 PM, aalis na si Alana. Hinintay namin siya. I hugged her so tightly. 1 month ko rin ito hindi makikita.
"So, bye na guys. Ingat kayo ha. Earn, ingatan mo yan si Tine. Syempre, as of now, dalawa muna kayo."
"Yes, Alana. You will come back, okay." Earn
"Oo naman. Pupunta pa nga ako sa wedding niyo." Alana
Also, this day is dating nila Ate Zy at Lona, pero by 10 PM pa sila makakarating. So, bukas ko nalang namin sila ivivisit para makapagpahinga sila ng sapat.
"Love, may gagawin ka ngayon?"
"Nothing naman, why?"
"Punta tayo sa house. Bonding tayo."
"Yieeee, sige, bet ko yan."
Pumunta muna kami sa grocery to buy some chips and drinks cause we plan a mag-movie marathon.
"Hmm, parang wala si Ate Eli dito."
"Uhmm, yeah. She had a bond with her friends."
Umupo muna ako sa sofa nila para hintayin siya. May tumawag kasi bigla sa kanya, kaya pumunta siya sa kusina nila.
"Love, diba nag-papaint ka rin?"
"Yes, Love. Why?"
"Tara, mag-paint muna tayo bago mag-movie marathon."
Umakyat kami doon sa katabing room niya. He and Ate Eli also love art kasi, kaya may room na puro art materials nilang magkapatid.
"Love, saan gusto mo? Dito nalang sa room, or garden?"
"Garden nalang, para fresh yung hangin. HAHAHA."
Kumuha na kami ng mga art materials na gagamitin namin.
"Love, ako nalang mag-bitbit niyan."
"Love, kaya ko. Tsaka look, etong pad na nga lang hawak ko. Aside, both of your hands are already occupied."
"Oo na, Love. Sabi ko nga. Mamaya, mag-speech ka na. I-reserve mo nalang yan sa wedding natin."
Kita ko sa mga mata niya yung sobrang excitement. I hope hindi ko masira yun. I want him to be happy, and I will do everything para doon. Even malagay ako sa kapahamakan, cause that's what love is, taking risks and all about giving.
"So, Love, let's make a deal."
"Ano naman iyon?" habang binubuksan ko itong mga pintura.
"Pa-gandahan tayo ng painting."
"Sure ka diyan? Ako hinahamon mo?" Pagmamayabang ko. Kahit kinakabahan ako. Syempre, magaling rin siya dito. Parang lahat nalang ng talent, nakuha netoh.
"Yes, Love. So, ano deal?"
"Deal."
Nagsimula na kami mag-paint. By the way, he told me na walang tinginan muna. HAHAHA. Minsan talaga, umiiral pagiging competent netoh.
"Love, wait, tingin ka."
"Wag ako, Earn. Mamaya, dugain mo ko."
"Pfft, my competent future wife."
Lumapit siya sa akin, so agad kong tinakpan yung painting ko. Mahirap na. Kinuha niya yung panyo na nasa maliit na table na nasa pagitan namin, tsaka niya pinunasan yung kaliwang pisngi ko.
"Yan, perfect. Malinis ka na ulit. HAHAHA. Love, kasi hindi sa mukha nilalagay ito." Sabay kuha ng maliit na pintura sa akin, tsaka niya pinakita sa akin.
"Thank you, pero wait, shu shu, doon ka na sa pwesto mo."
"Pfft, sige."
After 20 minutes, natapos narin kami. So, papatuyuin nalang ito. Pinasok muna namin ito sa loob para in case na umulan, hindi siya mabasa sa garden.
"Woahhh, so Love, congratulate mo na ako."
"Wala pa po, Mister. Hintayin natin sila Tita, Tito, Ate Eli, tsaka sama mo narin driver at maid niyo. Sila mag-vovote. Walang maduga ha, walang mag-sasabi sa kanila."
"Yes, Love. So, tara, mag-movie marathon na tayo."
Kumuha muna kami ng mga chips at drinks na binili namin kanina, then pumunta na kami sa sala nila. Tsaka niya sinet up yung movie na papanoorin namin.
"Love, anong papanoorin natin?"
"The Vow."
Oww, narinig ko na yung title ng movie na yun kay Alana, but never ko pa yun napanood. So, this is my first time na mapapanood yun.
Umupo na kami sa sofa, then nanood na. Maganda siya. At some point, nakaka-relate yung mga scenes, lalo na yung part nag-karoon ng severe memory loss si Paige (bidang babae).
"Love, here, tissue. Naiiyak ka na diyan eh."
Masakit yung movie. Bat ganon? Dapat comedy nalang pinanood namin. Masaya sa part na after the accident, buhay parin yung taong mahal mo. But masakit sa part na hindi ka niya maalala.
"Love, may galit ka ba sa akin?" Habang ngumunguya ng marshmallows.
"Wala naman, Love. Why?"
"Bakit ganito yung movie?"
I know someday, mararanasan din namin nito ni Earn. Na darating yung araw na lalala yung sakit ko na tuluyan ko siyang malilimutan. Sana kapag nangyari yun, katulad ni Leo sa movie, ipaalala niya sa akin yung pinagsamahan namin. Na sana, hindi siya mapagod.
After 1 hour, natapos na siya. Andaming tissue ang naubos ko, at namumula narin ilong ko. Like a tomato.
"Love, anong gusto mong next movie?"
"Yieee, Tangled. Yung 2010 ha."
"Sabi ko na nga ba, buti nalang prepared ako."
Pinanood na naman yung Tangled. Actually, this is not the first time cause ilang beses na namin itong napanood. Tsaka yung other series netoh, like the Tangled Ever After, Tangled Before Ever After, etc.
Sinandal ko yung ulo ko sa balikat ni Earn para mas comfortable. After 2 hours, natapos na ulit kami.
"Love, mag-didinner na."
"Oo nga. Hindi natin namalayan yung oras. I have an idea."
"What is it Love?"
"Let's cook."
"Are you sure?"
"Yas. Diba, marunong ka? Let's cook pork menudo for dinner."
After the movie marathon, chineck muna namin yung painting. Unti nalang matutuyo na siya, then pumunta na kami sa kitchen. This time, we cooked for dinner, as like what I said, talentado itong mokong na ito.
"Love, give me the potato and carrots."
Actually, siya taga-luto. HAHAHAHA. Taga-hiwa at bigay lang ako sa kanya.
"Love, the hotdogs and bay leaves."
Binigay ko lang yung mga kailangan niya. Yieeee, pwede na akong maging assistant.
"Love, tikman mo nga."
Kumuha siya ng unting sauce ng menudo, at pina-tikim sa akin.
"Perfect, yieeee, ang galing-galing ng Baby."
30 minutes, natapos narin siya mag-luto. Nag-saing na rin kami. This time, ako na. Duhh. Para naman may ambag ako, diba?
"Love, let's make dessert."
"Anong klase?"
"Olive Oil Cake. Don't worry, marunong ako. HAHAHAHA." Well, naturo sa akin ito ni Lona noong bumisita ako sa bahay nila. Hobby niya rin kasi yung baking, kaya yun.
After 40 minutes, buo na yung cake. Nilagay muna namin siya sa refrigerator para lumamig.
"Good evening, Tito, Tita, and Ate Eli." Nakipag-besohan muna ako sa kanila as a greeting.
"Ouyy, Tine, nandito ka pala. Wait, ambago, naka-gutom." Ate Elishia
"Yes, Ate. Nag-prepare kami ni Hella ng dinner. Let's go." Earn
8 PM na, so sakto yung dating nila. By the way, I already called my Daddy about this stuff. He told me naman na late narin siya makaka-uwi kasi may late meeting pa siya.
"How is it, Tita, Tito, and Ate Eli?"
"Uhmm, masarap Iha." Tito
Kumain na kami at nagkwentuhan.
"Here, I made this cake."
"Thank you, Tine." Tita Ellie
After non, tumambay kami ni Earn sa garden nila. By the way, panalo siya as usual, kasi naman, maganda talaga yung painting niya. Yun yung time na nag-propose siya sa akin sa Island. Balak ko nga hingiin yung painting.
Naglagay kami ng blanket na mahihigaan namin kasi plano namin mag-star gazing. Buti nga, hindi umulan kanina. Buti na lang talaga, so perfect timing ito. Lalo't clear sky, tsaka kitang kita mo ng malinaw yung mga stars.
"Babe, let's dance."
"Dance? Sa ganitong oras?"
"Yes."
Nagulat ako ng mga tumugtog na lang bigla. Jusko, yung puso ko. By the way, ang ganda ng music, nakaka-inlove.
Nag-sayaw na kami. Katulad nong debut ko, na naka-yakap kami sa isa't isa, na parang ay nag-sayaw na kami. Katulad nong debut ko, na naka-yakap kami sa isa't isa, na parang ayaw naming pakawalan ang bawat isa.
"Love, I have something to tell you."
"Ano yun?"
"Bukas, pupunta akong Davao. Pero 3 days lang naman. I-vivisit ko lang yung resort na pinapaggawa nila Daddy. Then, may ako kasi naka-assigned doon eh. May idi-discuss daw yung Engineer sa akin."
Okay. May aalis na naman. Sabi ko na nga ba, may kakaibang mangyayari eh. Earn is a type of guy na lahat plinaplano niya. So, nagtaka ako kanina noong niyaya niya ako sa house nila kasi wala kaming plinanong ganon.
"Okay lang. Kahit ilang araw pa yan, hihintayin kita. Okay. Basta, mag-ingat ka doon ha. Tsaka, pasalubong ko. HAHAHA."
Dinaan ko nalang sa tawa para hindi niya maisip na malungkot ako, kahit yun yung totoo. Ayaw ko ikulong ni Earn yung sarili niya sa akin. May mundo siya na nakasanayan bago pa ako dumating sa buhay niya. Tsaka naisip ko, para in case na mawala ako, hindi siya masyadong mahirapan.
Paalam sa ating huling sayaw
May dulo pala ang langit
Kaya't sabay tayong bibitaw
Ating huling sayaw
Bakit pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda? Jusko, wag naman sana. Hindi na baleng ako mawala, wag lang itong lalaking ka-yakap ko ngayon.
After naming mag-sayaw, nahiga na kami doon sa blanket para naman may silbi yun. At sabay naming pinanood kung paano mag-ningning ang mga bituin sa kalangitan. Ginawa naman ito para in case na mag-kalayo kami, sabay lang kaming titingin sa mga bituin. Mararamdaman namin na parang magkasama narin kami, kasi mag-kalayo man kami, pero iisang mga bituin lang ang tinitignan namin.
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa
YOU ARE READING
CTRL + S
RomanceIn a world where memories are as fragile as digital files, the simple act of hitting "Control+S" becomes a desperate race against time. Imagine a life where your most cherished moments: a first kiss, a childhood laughter, a whispered promise are sto...