Kinabukasan, umalis na si Earn. Ihahatid ko sana siya sa airport, pero 6am ang flight niya. Sinabi niya sa akin na huwag na lang daw, baka makasama pa sa kondisyon ko.
January 15 pa naman ang simula ng preparations, at babalik si Earn by January 13. Kagabi, tumawag siya sa akin.
"Love, I miss you."
"I miss you too. So, kumusta naman diyan sa Davao?"
"Davao pa rin naman siya, Love. Nabago ba? Bakit hindi ata ako nasabihan?"
"HAHAHAHAHA"
"I miss your laugh. I miss the whole you, Love."
"Sa isang araw, uuwi ka na rin naman. By the way, Love, pasalubong ha?"
"Yes, Ma'am. Bibili ako bukas."
"Pero seryoso, kumusta ka diyan?"
"Maayos naman. Unti-unti na nilang nabubuo yung resort. By the end of March, matatapos na siya."
"Yieeee, buti naman. Huwag mo kalimutan kumain ha, then always take care of yourself."
"Yes, Ma'am, Love… I love you."
"I love you too. Sige na, late na rin. Sleep na. Good night."
Kinabukasan, pumunta ako sa bahay nila Lona. Mag-isa lang kasi ako dito sa bahay. Balak namin ngayon mag-bonding, kasi syempre na-miss ko silang dalawa ni Ate Zy. I just wear a Dior Retro Blazer Collar Line Dress paired with Dior Nude Flat Doll Pointed Shoes.
"So, Atiii, kumusta ka ngayon? Alis ni Earn diba?" Lona
10 am na at nandito ako sa bahay nila Lona, kasama rin namin si Ate Zy. Hindi ba dumating sila kagabi?
"Ayos lang. 3 days lang naman siya doon."
"Tine, here. Our pasalubong for you." Lona
Binigay niya sa akin yung isang malaking box. HAHAHAHA, balikbayan box ata ito. Pakiramdam ko, parang ako yung isang anak na pinadalhan ng magulang niya ng pasalubong.
"Halaaaa, andami! Thank youu, senyoo."
Marami talaga siya, as in marami. Well, puro sunflower stuffs siya, like pillow, stuff toy, accessories, hairclips, even dresses.
"Your welcome, Bebe. Basta ikaw. So, let's go shopping na. Miss ko itong tayong tatlo." Ate Zy
"Yieee, oo nga. Na-miss ko rin yan. Yung kasama kayo."
"By the way, Tine, noong wala kami ni Ate Zy, chika ka naman ng mga ganap, kasi diba, minsan lang kami makasama ni Ate Zy sa video call niyo." Lona
"Ayon, noong umalis kayo, nag-arcade kami, then pumunta rin kami sa Dog Café. Ang cucute nga ng aso doon."
"How about sa Palawan? Marami bang papa?" Ate Zy
"Papa? Well, I think so. Marami ring family kasi doon eh."
"HAHAHAHAHA, wait. Ang cute cute talaga ng pinsan ko." Lona
Pinisil pa nilang dalawa yung pisngi ko. Huhuhuhu, tama naman yung sinabi ko diba?
"Nevermind. So, church wedding ba, Bebe?." Ate Zy
"Yes, Ate. Last night, napag-usapan namin nila Tito na sa San Antonio Padua Church."
"Oww, here lang yun sa Subic, right?." Lona
"Yes, para malapit lang."
After namin mag-chikahan, nag-punta na kami sa mall para mag-shopping then sa salon.
"Yiee, super namiss ko itong bonding nating tatlo."
Si Lona at Ate Zy kasi yung pinaka-close kong cousins. Aside, they are both girls, so parehas lang kami ng mga gusto.
YOU ARE READING
CTRL + S
RomanceIn a world where memories are as fragile as digital files, the simple act of hitting "Control+S" becomes a desperate race against time. Imagine a life where your most cherished moments: a first kiss, a childhood laughter, a whispered promise are sto...