Sa buhay, hindi natin malalaman kung kailan matatapos ang ating oras, kaya hangga't maaari, kailangan natin pahalagahan ang bawat segundo na meron tayo kasama ang mga taong mahahalaga sa atin. Sa buwan na Hulyo ika-20, taong 2019, sa oras na 1:00 AM, tuluyan ng binawian ng buhay si Christine.
"Tito, alam niyo po na hindi po magugustuhan ni Tine na malungkot po kayo." wika ni Lona
Ngayon ang unang araw ng burol ng dalaga. Marami ang dumalo at ito ang mga taong nagmamahal sa dalaga.
"Magkasama na sila ng kanyang Ina." malungkot na sabi ni Mr. Peter
Bawat isa sa kanila ay nagulantang sa nalaman dahil noong nagising ang dalaga mula sa mahabang pagkakatulog, tinuring nila itong isang himala, ngunit ang himalang iyon ay agaran ring binawi.
"Tito, magpahinga po muna kayo. Kami na po munang bahala dito." sambit ni Zyanya
Noong binawian ng buhay si Tine, agaran silang tinawagan ni Mr. Peter. Kahit sobrang dilim pa ng paligid sa oras na iyon, hindi sila nagdalawang isip na puntahan ito.
"Hindi, dito lang ako. Kailangan ako ng anak ko."
"Pero Tito, wala pa po kayong tulog." Zyanya
"Paano ako makakatulog? Namatay ang nag-iisa kong pag-asa. Ngayon mag-isa na lamang ako."
"Tito, hindi po. Nandito po kami. Alam po namin na sobra po kayong nasasaktan kasi ganon rin po kami. Kung naririto po si Tine, alam ko pong sasabihin niya sa atin na 'okay lang yan, lalaban tayo.'" Lona.
Sa mahabang panahon na kasama nila ang dalaga, kailanman hindi nito pinakita sa kanilang lahat na nahihirapan na ito sa sitwasyon niya. Si Tine yung klase ng tao na mas inuuna yung nararamdaman ng iba. Noong panahon na nahihirapan na siya, kailanman hindi niya ito sinabi. Si Tine yung klase ng tao na laging sasabihin sayo "okay lang yan, lalaban tayo".
"Tito, please magpahinga muna po kayo. Once po na makapagpahinga na po kayo, sige po papayagan namin po kayo na magbantay dito kahit ilang oras pa po." Zyanya
Sa sinabi ng dalawa niyang pinsan, nakumbinsi nila ito na umuwi muna dahil alam nila na anumang oras pwede itong mahimatay dahil sa gutom at kulang sa tulog.
"Babalik rin ako dito mamayang 1 pm. Kayo muna bahala."
Hinatid na muna nila ito sa labasan para makasiguro sila na uuwi ito. Ng masigurado nila na sinundo na ito ng driver nila, bumalik na silang dalawa sa loob.
Sinalubong nila ang mga tao at ibang bahagi narin ng pamilya nila na dumadalaw sa burol ni Tine.
"Kamusta kayo dito? Si Patrick nasaan?." tanong ni Tita Xandra
"Pinauwi po muna namin. Pagod narin po kasi siya kaya pinilit po muna namin na magpahinga." Lona
Lumapit ito sa kabaong na nasa likod nila upang masilip ang walang buhay na katawan ni Tine kasama nito ang kambal.
"Tita, sisilip rin po ang kambal?." Zyanya
"Opo, aye. Hindi po kami matatakot kay aye Tine kasi po love namin siya." Mara
Binuhat ni Lona at Zyanya ang kambal upang makasilip ang mga ito. Ng masilip nila si Tine, sobrang lungkot ang kanilang mga naramdaman.
"Aye wake up na, we miss you, let's play barbie dolls." Mira
"Aye bakit ang duga duga mo? Diba sabi mo po sa amin, maglalaro pa tayo pag gumaling ka?." Mara
Tumulo ang mga luha nila ng marinig nila ang mga sinasabi ng kambal. Sa kanilang mag pipinsan, si Tine ang pinaka malapit sa kambal. Nag-iisang anak si Tine, kaya tinuring niya ng baby sisters ang kambal.
YOU ARE READING
CTRL + S
RomanceIn a world where memories are as fragile as digital files, the simple act of hitting "Control+S" becomes a desperate race against time. Imagine a life where your most cherished moments: a first kiss, a childhood laughter, a whispered promise are sto...