The Hootenanny

10 1 0
                                    

When you start recognizing that you're having fun, life can be delightful. This day, the number 5 on my checklist is to "Attend a concert." Dahil favorite band ko ang Ben&Ben, yun ang napili ko, sakto may concert ito ngayon sa Pampanga. It's been 1 week ng magkita-kita kami ng mga friends ko and ngayon makakasama ko ulit sila with Lona na sa new adventure. My phone rang then surprisingly video call ito.

"Hiii Tine" Fajra

"Tine, my Mom asked me saan daw pala yung exact location sa Pampanga" Lona

"Uhmm GITZ, Pampanga, Ampitheather"

"7 pa naman start right and taga subic naman naman tayo so malapit-lapit lang" Alizah

"Yes, after the concert medyo gabi na yun, we can stay at our hotel naman in Pampanga, I already told naman na kay Mommy" Alana

"Nice idea, so let's prepare our things muna mga 4 alis na tayo para maaga tayo makarating so we can make gala-gala pa in Pampanga"

"Tine, sunduin moko ha" Lona

"Guys, dala kayong camera" Alizah

"Yeah, sure so see you later girls, nasa akin na yung mga tickets natin"

Then the call ended, before the concert starts, mag gagala muna kami sa Pampanga para sulit. I guess it comes down to a simple choice: get busy living or get busy dying. Habang nasa maayos pa condition ko, susulitin ko na so I don't regret na hindi ko inenjoy yung buhay ko.

I pack my things, syempre dala ko yung camera ko para may remembrance ako sa concert. I felt excited kasi this is the first time I will watch a concert and favorite band ko pa. Nilagay ko sa tote bag ko yung pair of clothes na susuotin ko mamaya, shoes, ayaw ko magheels like duh, how can I enjoy the concert kung naka takong ako diba, then mga personal stuff, nagdala rin ako ng 1 cargo short and lettuce top para bukas pag-uwi ko kasi diba doon kami matutulog sa hotel nila Alana.

"Yanni, mga 4 po kami aalis."

"Sige Tine, basta magiingat ka huh."

Hindi makakasama si Yanni kasi hindi siya sanay sa mga byahe-byahe, pero in case na umatake sakit ko, nasa Pampanga naman si Dr. Fuentes, Alana's Mom, para iassist ako. I called my Dad to tell kung anong oras ako aalis.

"Dad, by 4 pm ako aalis."

"Sige Tine, if there's a problem call me immediately, understood."

Ewan ko ba, lagi yan ang line ni Daddy HAHAHA

"Yes Captain este Dad."

"Before you leave the house, make sure you drink your medicine."

"Yes Dad, I will. Sige Dad, I'll hang up na, love youuuu."

Lunch time, syempre kumain na kami, nagpalipas ako ng oras sa pagpapaint. I painted the image of a group of friends, they are 5 laughing at each other, then nasa beach sila.

After that, mga 2 pm naligo nako at nagayos, right now I just wear a white diamond top and denim belt button shorts, then I just braid my hair into waterfall style. Simple muna suot ko kasi pagkarating namin ng Pampanga, mag shoshopping muna kami kasi Lona told us na may store don na mura lang pero they had a lot of beautiful clothes.

We decided na magkita-kita nalang kami sa Hotel para hindi hassle, ang susunduin ko nalang ay si Lona. By 4, umalis na ako magisa ko lang ngayon kasi nga wala si Yanni, so boring. Nagpahatid nalang ako sa driver.

"Kuya Jay, daanan po natin si Lona."

"Sige Tine."

After 10 minutes, nakita ko na sa di kalayuan si Lona.

CTRL + SWhere stories live. Discover now