The First Love

5 0 0
                                    

Hanggang ngayon, ang proposal na nangyari last week ay parang panaginip pa rin. Hindi ko talaga inaasahan iyon. Ang effort ni Earn para sa surprise na iyon, nakaka-haba ng buhok mga ate.

Flashback

"Atii, ngayon yung engagement party diba? Anong oras nga ulit?" tanong ni Alizah.

"Hmm, 3:00 sa isang restaurant dito sa Subic." sagot ko.

"May pa-shanghai ba kayong hinanda? HAHAHA" biro ni Lona.

"I suggest Atii, mas maganda eat all you can maiba lang diba? Kasi sa mga engagement party, ang formal" suggestion ni Fajra.

"HAHAHA, you can order all you want Faj, marami namang foods doon" sabi ko.

"Ohhh, narinig mo Lona, ganito gawin natin, dala ka isang tupperware doon natin ilalagay yung isang dish" suhestyon ni Fajra.

"Imagine, ang yaman-yaman ng pamilya mo, tapos naiisip mo yan. Kakaiba talaga ang isang Fajra" biro ni Alana.

"Practical lang Atii, syempre, nandoon parin tayo para ma-witness ang soon-to-be mag-asawa diba?" sagot ni Fajra.

"HAHAHA, kayo talaga. Basta, see you later nalang" sabi ko.

Ibinaba ko na ang tawag. Kahit mga bruha yun, sobra ko silang na-a-appreciate sa mga effort at tulong nila, lalo na sa surprise ni Earn.

"Pakisabi nga kung bakit nandito tayo sa mall?" tanong ko.

Wala naman kasi ito sa plano naming gawin ngayon eh.

"Ahh kasi tama, bibili si Alana ng bagong camera diba, Alana?" sagot ni Alizah.

"Yah, she's right, aside, nag-crave daw si Fajra at Lona sa bagong bukas na restaurant" sagot ni Alana.

Ramdam kong may tinatago sila, pero hindi ko alam kung ano iyon.

"Girls, saglit lang, tumatawag si Mommy" sabi ni Alizah.

Nakakapagtaka, hindi nag-memessage si Earn, tsaka hindi ko rin macontact yung mokong na iyon. Ano kayang ginagawa non?

"Girls, tara sa San Antonio, sabi kasi ni Mommy punta daw tayo. Gusto niya daw makilala sila Lona at Tine" sabi ni Alizah.

"Ngayon na? As in parang biglaan?" tanong ko.

"Ayyy, shocks, nakalimutan namin sabihin sayo Tine, kasi last week pa naming plano yun pero keribels na. Saglit lang naman tayo doon, so G?" sagot ni Alana.

"Oo atii, okay lang ako. Na mag-message kay Tito, kasama mo naman ako eh" sagot ni Lona.

"Tara na, sayang oras, maraming pa foods mama ni Lizah kaya for sure mag-eenjoy tayo doon" sabi ni Fajra.

Yun lang yung isa sa mga plano nila. Nagulat na nga lang ako noong tinakpan nila ang mata ko, tapos booom may proposal na naganap na.

Present

"Love, see you later, I love you" sabi ko.

Buong umaga, nanood lang ako ng kdrama tapos 2:00 nag-ayos na ako. Pansin ko this past few weeks, masaya si Yanni, so after engagement, tsaka ko siya chichikahin.

Sa event na ito, magsusuot ako ng Black Cowl Neck Fitted Dress na hanggang above the knee, White Stilletos, Diamond Earrings na nakasabit sa Bangle Bracelet. Also, for this event, gagamitin ko ang black pouch ko, wala lang, design lang, chos. For my hair, ipapart ko lang yung hair ko sa gitna at itatago ko sa likod ng tenga ko.

"Love, I'm already done. Ikaw ba?" tanong ko.

"Same Love, I'm on my way na, see you" sagot niya.

Bumaba na ako para doon siya hintayin.

CTRL + SWhere stories live. Discover now