Mula sa mahabang pagkakatulong, muling nagising ang isang dalaga mula sa kanyang pagkakatugtog.
"My Princess, Thank God nagising ka na. Sandali, tatawagin ko ang mga doktor" wika ng kanyang ama.
Sa kabilang banda, agarang tumakbo at tumawag ng doktor at mga nurses si Mr. Patrick, ang ama ni Tine. Tila ay nagulat ang lahat sa sinabi ni Mr. Patrick. Ganon pa man, agaran rin silang sumunod.
Pagkabukas nga ng pintuan, napansin nila na gising na ang dalaga, ngunit tulala ito. Agad siyang sinuri ng mga nurses at doktor kung maayos ba ang lagay niya, ng masigurong ligtas na siya.
"Anak, kumusta ka na? Namiss ka namin sobra."
"Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon, Patrick. Isa itong himala." Dr. John
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Wag mo muna isipin yun, Anak. Ang mahalaga nagising ka na."
"Kumusta kana, Tine?"
"Maayos naman po, Dr. John."
"Sige, iwan ko muna kayo para makapag-usap kayo. May kukunin lang ako sa baba, babalik rin ako." Dr. John
Tila ay naguguluhan ako sa mga nangyayari. Bakit parang aligaga ang mga tao? Tsaka yung Daddy ko, sa pagkakatanda ko, kasama pa ito kagabi. Paano ko nalaman? Kasi ganito yun, diba? Hindi naman ako tulog ng iwanan ako ni Earn.
Nilibot ko ang paningin ko. Ng may mapansin akong may kakaiba dito. Bakit tila ay nag-iba ang aking kwarto? Hays, baka naman nilipat ako kagabi. Pwede naman yun diba?
"Daddy?"
"Yes, Anak. Salamat at pinakinggan ng Panginoon ang dalangin namin, at muli kang nagising."
Bakit tila ay bumata ang mukha ng aking ama at ang pananalita nito? Sa pagkakatanda ko, diretsong English ito kapag nagsasalita.
"Dad, relax. Para namang hindi tayo nagkasama kagabi HAHAHAHA. Maayos naman po ako."
"Kagabi?"
"Yes po. Diba dito ka natulog?"
"Oo, lagi naman, Tine. Paano mo nalaman? Noong dumating ako dito, wala ka paring malay?"
Malay? Nahimatay na naman ba ako kagabi? Jusko, hindi ko na alam mga nangyayari.
"Daddy, ganito po kasi yan. Nagising ako kagabi ng makita ko kayong tulog sa tabi ko."
Naguluhan ang Daddy niya sa mga pinagsasabi ng kanyang anak. Paanong magigising ito? Kung magigising man ito, sana naramdaman niya?
"Ganon ba, Anak?"
"Yes, Daddy. Kahapon nga diba, binisita niyo pa po ako? Kasama pa nga si Yanni, tsaka yung mga kaibigan ko, tapos si Earn." Pagsasasalaysay ng dalaga
"Anak, sino yung mga iyon?." Naguguluhan na tanong ni Daddy
Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang doctor na nag-check sa akin kanina.
"Daddy naman, joke time po ba ito HAHAHAHAHA? Parang makakalimutin ka na po ata."
Tiningnan lang ako ni Daddy at gayundin si Dr. John. Tila ay hinihintay nila ang susunod na isasambit ko.
"Si Earn po yung fiance ko, Daddy, Dr. John, kilala niyo rin po siya. Kasi dati noong nahimatay ako, bumisita sila ng "A" sisters sa akin."
"Tine, sige, magkwento ka pa." Dr. John
"Nubayan, Doc. Masyadong mahaba yung mga nangyari. Basahin mo nalang sa diary ko, sinulat ko lahat doon."
Nagtinginan si Dr. John at Daddy. Parehas na silang naguguluhan.
YOU ARE READING
CTRL + S
RomanceIn a world where memories are as fragile as digital files, the simple act of hitting "Control+S" becomes a desperate race against time. Imagine a life where your most cherished moments: a first kiss, a childhood laughter, a whispered promise are sto...