The Natal Day

9 1 0
                                    

This day, another day, so yeah, charot. Three days before Daddy's birthday. How did I know?  Duh, I checked the calendar, alangan naman maalala ko yun ng walang tulong ng iba diba. So, this day, si Dad nasa company na naman, as usual, work, work, work. Maayos na pakiramdam ko, infairness. Effective yung bagong gamot na iniinom ko, pangit nga lang lasa, pwehh.

"Tine Iha, gising ka na pala. May naisip ka na ba na regalo mo sa Daddy mo?"

"Ah yes, Yanni, ngayon magpapaint ako ng picture namin."

"Ganon ba, pero okay ba na mag paint ka? Diba may mga chemical yun, okay lang ba sa kalusugan mo iyon?"

"Yes Yanni, hindi naman po. Tinawag ko naman po si Dr. John kagabi to make sure, and he said naman po na ayos lang naman po."

Before I do one thing, pinapaalam ko muna, mamaya ikapamahamak ko pa iyon, diba? Mahirap na, ayaw kong magalala lalo sila Daddy at Yanni.

"Tine, bago ka magpinta, kumain ka muna para may lakas ka. At pagkatapos, uminom ka ng gamot."

"Yes po Yanni."

After kumain, naligo muna ako, at sa baba hinanda na ni Yanni yung mga gagamitin ko. Painting is one of my hobbies kasi, through painting, naexpress ko yung mga gusto kong sabihin. I draw a lot in my notebook, images ng mansion, Yanni, Rancho, even Mommy na nasa picture ko lang nakita. I also drew the guy na nakita ko sa Rancho.

Before pumunta sa garden doon kasi ako magpapaint para fresh kinuha ko muna sa drawer yung sketch na ipapaint ko. This is the picture of me and my Daddy when I was 7 years old, ansaya dito kasi ito yung first time na dinala niya ako sa Rancho.

Habang kinukuha ko pa yung ibang brush na gagamitin ko, nakita ko yung sketch ko na iisang lalaki, may maliliit na letra na nakasulat sa ibaba non, "The Guy At Rancho." I knew it, siya yung guy na nakita ko kahapon sa grocery and labas ng restaurant.

"Tine, iwan muna kita dito, ha. Tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka, magluluto lang ako ng tanghalian natin."
Yanni

"Sige po, thank you, Yanni."

Yanni left, so magisa ko nalang dito sa garden, kaharap ko yung mini fountain namin. Then, I start to paint. At first, nahirapan ako, pero nakuha ko rin yung way sa pag gamit ng brush. Maraming kulay ang meron ako, so hindi ako nahirapan maghanap na babagay sa paint ko. After 20 minutes, natapos ko rin, haysss nakakapagod. Hihintayin ko nalang na matuyo ito para perfect na.

This is the day we've been waiting for - my Daddy's Birthday! Sa Rancho yung venue, kaya nagayos nako. I wear a short white off-shoulder dress with a very light make-up. I curled my long hair para bongga and I wear a 5-inch white heels na medyo shining shimmering. Kasabay ko si Yanni pumunta doon, si Daddy nandoon na kanina pa, syempre entertain ng mga guest niya.

Infairness, ang ganda rin ni Yanni, nagayos rin siya, so parang mag-ate nalang kami ngayon, yiee. Nakaayos na yung gift ko, pinahirapan ako non, di ko alam pano siya ibabalot, jusko. Before umalis, uminom muna ako ng gamot tsaka nagdala narin ako ng jacket kasi 8:30 na kaya ng gabi, tsaka province kami noh, so malamig lamig. Ilang minuto lang, nakarating na kami sa Rancho.

Wowww, ang ganda! First time ko makita itong Rancho sa gabi kasi usually umaga kami pumupunta dito. Napuno ito ng ilaw na siyang nag paganda dito. Nakita ko yung mga taong nag trarabaho dito kasi tradition na kapag birthday ni Daddy or Lolo, dito cinecelebrate at open ito sa mga tauhan, and also those employees in our company, so andaming tao ngayon. I'm not that social person, so kinakabahan ako, aside from minsan lang ako makakita ng maraming tao.

Pumasok na kami sa loob para makipag-party.

"Hey Tine, nandito ka na pala."

"Uhmm, yes, Happy Birthday."

I hugged and kissed him on his right cheek as a greeting. Nalilibutan siya ng maraming tao, I think mga Business Partners toh, based sa mga suits na suot nila.

"Tine, this is our Business Partners, Mr. Dela Cruz, Ms. Andrada, Mr. Titus etc."

"Uhmm, nice to meet you po. Enjoy the party po."

"Patrick, your daughter is like her mother, so gorgeous. Iha, may I know kung ilang taon kana?"

"17 po."

Halaaa, andami nilang tanong ko, akala ko ba party toh, bat parang quiz bee? Sana naka-review ako, diba? Dahil hindi ko na kaya yung pressure, nagpaalam muna ako kay Daddy kasi nakita ko yung mga pinsan ko sa kabilang table, kaya minabuti ko na puntahan iyon.

"Mara, Mira, owww my cutieee patotiee cousins!"

I hugged both of them. Bat ba miss ko sila, eh they both wearing a blue balloon dress, mukha tuloy silang mga prinsesa.

"Hi po, Tita's and Tito's."

"Hey Tine, long time no see huh?"

"Uhmm, yes po, it's great to see all of you po."

Hindi ko na binanggit name nila kasi nakalimutan ko, huhuhuhu. Buti nalang hindi nila ako tinatanong. Btw, alam nilang lahat sakit ko, I mean alam ng buong family ko, include them, so yeah. May mga pinsan rin akong nakita na kaedad ko, but I don't remember them.

Before kami makarating, nagsimula na yung party. HAHAHA, sorry, late. At least dumating diba? May saying nga na "It's better to be late than never."

As of now, dinner time na, so kumakain na yung mga tao dito, kaya nagdecide narin ako na kumuha ng pagkain. Nubayan, puro gulay, wala akong choice kundi kumuha. Ang mahalaga, hindi ako magugutom. After I eat, nagpaalam muna ako sa kanila na mag rerestroom muna ako. Ininom ko na yung gamot ko after I eat. Nagayos ako ng sarili ko, yung make-up ko, chineck ko, mamaya nagkalat eh.

Btw, I don't do make-ups, pero syempre nakakahiya naman kung pupunta ako ng birthday na pale itsura ko, tsaka knowing na anak ako ng mayari, dapat presentable dapat. Medyo maayos naman kinalabasan nung make-up, ako nalang kasi nag presenta kesa manguha pa si Daddy na stylist, sayang lang sa pera. I know how to make myself presentable naman.

Pumunta ako muna sa labas para mag pahangin, ng makita ko na may paparating ng car, mukhang bisita rin. Bumaba siya, may kasama siyang old man, tinulungan ni kuyang si Old Man na bumaba. Bago sila pumasok, nagtama paningin namin.

Halaa, beh, ang gwapo niya! Mukhang maeenjoy ko itong party huh, kidding. Nakita ko silang dalawa ng dumiretso sa table nila Daddy. Magkakilala sila, mukhang anak ni Old Man si kuyang. Kasi, base sa itsura ni kuyang, kaedad ko lang toh.

After party nga, or bukas, tanong ko si Dad kung sino yun, syempre hindi direct, itatanong ko kung sino yung old man na kausap niya na naka dark blue suit. Para hindi halata, and then isesearch ko nalang yun, tapos hahanapin yung mga taong connected don, diba? So, Tine, you have a mission to know who's that freaking handsome guy is.

CTRL + SWhere stories live. Discover now