Chapter 34

141 8 0
                                    

{Chapter 34: My knight in shining armor}

"Subukan mong ituloy yang binabalak mo at hindi mo na mararanasang huminga pa."

Napatingin kami sa nagsalita at parang tumigil ang lahat sa paligid ko.

"At sino ka namang asungot ka?" Maangas namang saad ng sasampal na sana sa akin.

"Ako lang naman ang gugulpi sa inyong lima." Napatingin ako kay kaiden at nakitang galit ito.

Namumula ang mga mata at nakayukom ang kamao.

Nagtungo naman ang dalawa sa kaniya at inatake ito, ngunit inilagan niya ito tsaka sinuntok ang dalawang yun.

Lumapit naman ito sa amin tsaka hinila ang lalaking sasampal sana sa akin kanina.

"Run or die?" Maangas na saad nito. Napalunok naman ang lalaking iyon at hinila ang mga kasama niya dahilan para mapaupo ako sa sand.

Para silang mga batang lalaking tumakbo palayo dahil sa takot.

"Are you ok?" Napatingin ako dito at nakita ang concern sa mukha niya.

Pinatayo ako nito tsaka sinamaan ng tingin.

"Kahit kailan tatanga tanga ka parin talaga noh? Umalis alis kasing nakaganiyan." Sabay pinulupot nito ang jacket sa katawan ko.

Biglang pumasok sa isipan ko nung sinagip niya ako sa parking area ng hospital, nung muntik na naman ako manyakin ng mga mama sa beach.

At ngayon.. He's doing it again.

What did i do to deserve all this? He's like my Knight in shining armor.

He saved me.. Not once but thrice. Baka in the future siya na maging bodyguard ko.

"HUY!Kinakausap kita!" Inis na sabi nito dahilan para matauhan ako. At samaan ito ng tingin.

"EH BAT KA SUMISIGAW?!"Iritang sigaw ko dito tsaka naglakad palayo sa kaniya.

Get yourself together raven, dont even think about looking back and say thank you. Aksidente yung nangyari at isa pa.

Kung hindi dahil sa kaniya hindi toh mangyayari noh, kabahan na siya.

Inayos ko ang jacket at sinuot ito tinali ko ito para may style siya, maraming paparazzi around kayat kailangan mong maging representable noh.

Ikaw kayang ipost sa social media looking like sh*t.

Ng makarating ako kung nasaan sina hani ay tinali ko ang buhok ko in a bun at tsaka sinuot yung sunglass ko.

Umupo ako sa isang upuan dito sa tabi ni cody.

"San ka nanggaling?" Saad nito tsaka uminom ng juice niya na agad king kinuha tsaka uminom doon.

He looked shock but whatever nakainom na ako eh.

"San ka nanggaling at uhaw na uhaw ka?"

"Diyan lang sa gilid gilid."

"Kanina ka pa hinahanap ni na clare."

"So? Magdedede ba sila?" Sabay irap kong sabi.

Masyado pang mainit kayat baka mamayang 4 nalang ako maliligo diyan. I wanna know how it feels like.

"Yung mga bag lang natin magroroom? Tapos tayo dito sa labas?" -hani

"Yes hon."-chase

Hay nako rinig na rinig pa yung mga pinag-uusapan, para nila akong pinaparinggan hah.

Im from the other dimension✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon