"Thank you all for coming today! I hope you enjoyed my performance!" napangiti ako habang tumitingin sa mga taong nasa harap ko, mga taong sumusuporta sa 'kin.
I finished the concert with a smile. It was not that big of a concert, really. Hindi naman ako ganun ka sikat. Pagkarating ko sa backstage, sinalubong ako ni ate. Napangwi ako pagkakita ko sa kanya. Napaka-extra niya talaga! Parang siya pa nga yung nag-concert, eh. Paano ba naman at naka-Prada siya na heels, white Louis Vuitton polo na may brown suit na Louis Vuitton din, tapos trousers na Louis Vuitton rin. May suot din siyang Gucci na sunglasses, Dolce and Gabbana na shoulder bag, tsaka isang hand watch na customized mula sa kompanya niya.
Parang nagpunta lang siya sa concert ng isang bigshot. Wala naman masyadong nakakilala sa akin. Iilan lang naman fans ko... 100 thousand? Anyway, it's not like I'm one of the greatest singers right now.
The people around her seemed intimidated. Sino ba namang hindi, sa mukha niyang iyan? Her aura is quite intimidating as well. She has this alpha-vibe in her, it gives me chills.
"Ate!" I waved at her tsaka ako tumakbo palapit sa kanya.
Akmang yayakapin ko na siya nang tinulak niya ako papalayo sa kanya. "Don't hug me, puno ka ng pawis," she gave me this disgusted look kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tse! Wala man lang 'you did great' o kaya 'ang ganda mo naman, Yara'? Ate ba talaga kita?" umirap ako 'tsaka padabog akong umalis papunta sa manager ko.
"Your concert was great, Yara!" napatigil ako sa sinabi ni ate. I grinned. Heh, she's weak when it comes to me.
"I know, ate!" lumingon ako sa kanya 'tsaka ngumiti ng malaki. She smirked, narinig kong tumili yung ibang mga staff na malapit sa 'kin. Nang tinignan ko sila, ayon pala at kinikilig kay ate.
Lumakad palapit sa 'kin si ate habang nakangisi. "Ah, who's that girl there, oh?" tanong niya sa 'kin habang nakatingin sa babaeng may kulot sa buhok na nakaupo hindi malayo sa amin-- isa sa mga staff.
"Si Emi, bakit?" tumingin ako kay ate at nadatnan ko siyang nakangisi.
"She's cute, heh," hinampas ko si ate sa likod dahil 'dun. "Emi is precious to us, don't even try to hit on her," I glared at her.
Tumawa ng mahina si ate. She leaned towards me and whispered. "I'm gonna make her my girlfriend."
I sighed. Although I know naman na ate likes both genders, and is not some asshole that plays with people's hearts, I also know how easily she loses interest in something or someone. I'm quite sure na after a few weeks, mawawalan na agad siya ng gana kay Emi.
I was about to stop her nang nadatnan ko siyang kinakausap na si Emi. I sighed. Ayun na, eh. Nangyari na, wala na akong may magawa.
"Seyerra, baby!" lumingon ako sa kanan nang narinig ko ang boses ni mommy. Katabi niya ay isang pang babae, she seemed familiar to me, pero hindi ko man lang maalala kung saan ko nga ba siya nakita.
Lumapit ako sa kanila at binati ko yung kasama ni mommy. Based on how mom acts around that person, she seems to be close to her. Maybe she's one of mommy's friends na hindi ko kilala. Perhaps, she's a friend of hers from the Philippines.
The woman had brown wavy hair na may dirty blonde highlights. Naka nude suit siya at slacks at may suot siyang puting polo sa loob. Naka black heels siya at may dala siyang itim din na bag. She looks oddly familiar, parang kilala ko siya... or maybe, she looks like someone I know. But whoever it may be, wala din naman akong alam.
"Yara, this is your tita Bianca. Yung mom ni Blaze," in-extend ni tita Bianca yung kamay niya sa akin kaya nakipag-handshake ako sa kanya.
Ah! She's Blaze's mom! Kaya pala napaka-familiar niya.
BINABASA MO ANG
Rhythm Of The Waves (COMPLETED)
RomanceIn collaboration with @trexdadinosaur_ Hinigaran Series 1 The photo used for the book cover is not mine, credits to the rightful owner. Started: September 12, 2020 Ended: September 12, 2022 copyright 2020 noceursovl PLAGIARISM IS A CRIME!