I woke up with the sound of my alarm. It's 7 o'clock in the morning. Napangiti ako nang nakita ang kisame ko. My cream colored ceiling reminded me na nasa Pilipinas na ako. Ikalawang araw ko na 'rin dito. Ginusto ko mang libutin yung lugar ni lola kahapon, hindi ko naman magawa-gawa kasi na jetlag ako.
Nag-stretch ako at sinimulan na ang morning routine ko. Maligo, bumihis, mag-skincare, if necessary, mag make-up, at tsaka bababa na para kumain ng umagahan.
Laking gulat ko na lang nung nadatnan ko si Blaze na kasama sina lola at mommy na nakaupo sa mesa. They were happily chatting, may pagkain na sa harap nila pero hindi pa nila iyon nagalaw, as if they were waiting for someone.
"Madame, narito na ho si miss Yara," rinig kong sabi ng isang maid.
Tumingin si mommy sa direksyon ko 'tsaka sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya.
"Anak, are you okay na?" tanong sa 'kin ni mommy habang hinahaplos yung balikat ko nang nakaupo na ako roon.
Nasa tabi ko si mommy, sa harap niya naman ay si Blaze, at nasa sentro namin ay si lola.
Ngayon nakita ko na ng malapitan si Blaze, mukhang may pupuntahan yata siya mamaya? Naka-casual outfit lang siya pero alam kong may papasyalan talaga siya. Isang plain black t-shirt lang siya, hindi ko pa naman makita yung bottom niya dahil natatabunan nung lamesa. Ang gwapo ni Blaze, lalo pa't naka itim siya, bagay na bagay pa naman 'yun sa kanya. Idagdag pa 'yung suot niyang salamin.
"Opo, mom."
"May gagawin ka ba ngayon?"
"Ano... ie-edit ko sana yung ibang parts ng kantang ginagawa ko ngayon."
Umiling si lola dahil sa sinabi ko at 'tsaka tinignan niya si Blaze. "What if sumama ka na lang mamaya kay Blaze? Masyado ka nang na-obsess diyan sa trabaho mo, kakauwi mo lang dito. Take some time to enjoy your surroundings, and relax."
I nodded. Totoong ngang masyado na akong na-obsess sa paggawa ng mga kanta. Pero kumunot yung noo ko, saan naman ako sasama? Sabi naman sa 'kin ni Blaze na kahit dito lang kami kay lola, eh. Kung movies yung pupuntahan niya, eh, may movie room naman kami dito. Kung arcade, may gaming room naman kami dito.
"Oh, pwede naman po lola! It'd be a great opportunity for Yara," nakangiti si Blaze habang nakatingin kay mommy. Nang binaling niya naman yung tingin niya sa 'kin, I gave him the expression 'what do you mean?'. Ngumiti lang siya sa 'kin at nag-thumbs up, para bang sinasabihan ako na magandang idea 'to.
"Saan ka ba pupunta, Blaze?"
"Makikipagkita sana kasama yung tropa ko... ah! Don't worry, mababait sila, at 'tsaka may mga babae 'din dun. Bale, apat kaming lalake 'dun at tatlong babae. It would be great if you'd befriend them, matatagal-tagalan ka pa naman dito... mababait talaga sila, I think you all would be great friends as well." Page-explain ni Blaze. He didn't need to explain it to me, though. Sure naman ako na mababait yung mga kaibigan niya, hindi naman si Blaze yung tipong kakaibiganin yung tao kahit alam niyang masama yung ugali nila.
Mag-o-oo na sana ako, pero bigla ko namang naisip kung sino nga ba ako, kung ano nga ba ako kasikat. "Pero, kung plano niyo sanang pumasyal, I'd just be stopping you all from doing so... alam mo naman, paparazzi and all," ngumuso ako.
The excitement I felt awhile ago suddenly went down the drain. Nakakadismaya. Gusto ko din namang sumama, pero mahirap kung ga 'nun. Kung ako nga hate yung paparazzi, it would be the same for Blaze and his friends. Kahit na hindi pa nila hate, they would still find it bothersome.
Binigyan ako ni Blaze ng isang malambot na ngiti, "It's fine. Sa Coyo's Cafe lang naman kami pupunta, eh. May second floor naman 'dun kaya pwede natin 'yun i-rent kung gusto mo. 'Tsaka, marami tayo doon, we can hide you from people."
BINABASA MO ANG
Rhythm Of The Waves (COMPLETED)
RomanceIn collaboration with @trexdadinosaur_ Hinigaran Series 1 The photo used for the book cover is not mine, credits to the rightful owner. Started: September 12, 2020 Ended: September 12, 2022 copyright 2020 noceursovl PLAGIARISM IS A CRIME!