Sinabi sa akin ni mama na magkakaroon ako ng kapatid na babae. Nagtaka ako. Magkakaroon ako ng kapatid pero hindi lumulobo ang tiyan ni mama?
Nagulat na lang ako nang isang araw ay dumayo sa bahay namin ang kaibigan raw ni mama- si tita Sierra, kasama ang anak niyang si ate Lena. Magkaibigan kami ni ate Lena. Mabait kasi siya, binibigyan niya ako ng chocolate.
Pero ang dahilan talaga kung bakit ako nagulat ay ang kasama nilang batang babae. Parehas ang kulay ng mata at buhok niya sa kulay ng mata at buhok ng asawa ni tita Sierra, si tito Elliot. Pero ang mukha niya ay hawig na hawig kay tita Sierra.
Sabi ni mama kapatid ko daw, eh, kapatid kaya siya ni ate Lena! Singungaling pala si mama, eh.
"Hewwo," halos matawa na ako sa sinabi ng bata. Medyo nabulol kasi siya dahil wala siyang ngipin sa harap.
Yumuko si tita at ngumiti sa akin, "Blaze, this is Seyerra... Yara, this is kuya Blaze!"
Maganda si Yara. Sobra. Para siyang ano... fairy. Kulay green kasi ang mga mata niya at gold ang buhok... hmm, kung ibenta ko kaya buhok niya, yayaman ba ako?
Nakatingin lang siya sa akin at hindi na nag-imik. Luh, weird niya.
"Ayaw kong maging brother si Blaze! I'm gonna marry him soon!" rinig kong sigaw ni Yara.
Hala, gusto niya akong pakasalan? Masyado namang advance mag-isip si Yara. Elementary pa lang kami, ah.
Araw-araw ay magkakasama kaming dalawa at hindi ko namalayang nagkagusto na rin pala ako sa kanya. Nagulat na nga lang ako dahil nung sinabi sa akin ni mama na dapat ituring ko si Yara na kapatid, ang naisagot ko ay, "Ayoko ng sister! Meron na akong ate, eh!"
Sa totoo lang, ayoko naman kasi talaga siyang maging kapatid... kasi gusto ko din siyang pakadalan.
Hay... nahawaan ata ako ni Yara.
"I nominate Buenavista for president!"
Mga gago.
Napuno ng tawanan ang kabilang classroom dahil sa sinabi ng isa sa kanula doon. Sino ba naman sa matinong ulo ang magnonominate kay Threx bilang president? Imbes na umiwas sa gulo ay siya pa yata ang pasimuno ng gulo, eh.
Bumuntong-hininga na lang ako at dumiretso papunta sa cr. Mabuti na nga lang at sa kabilang section napadpad si Threx, kung naroon kasi siya sa section namin ay mas lalong sasakit ang ulo ko. President din naman kasi ako, ampota.
Habang nasa loob ng cubicle ay dahan-dahan kong nilabas ang cellphone kong nakatago sa sapatos ko. Mabuti na lang at natipalok ako sa harap ng maraming tao kahapon at natago ko ang cellphone ko na walang may kumwestyon.
Malaki ang ngiting nakaukit sa labi ko habang hinihintay sa Netflix na mailabas na ang bagong episode ng series kung saan si Yara ang bida.
Laking gulat ko na lang nang may nag-flash mula sa taas. Kaagad kong tinago ang cellphone at lumabas sa cubicle. Sino ba ang put-
Si Threx. Syempre, si Threx.
"Gago tol, nagdala ka cp aw? Madakpan ka gani sang SSG itip ka gid!" ani Threx habang hawak-hawak ang sariling cellphone.
"Mango, ikaw man gani."
"Ay, oo. Ako man." Hindi makapaniwalang nakatitig lang ako sa kaibigan ko. Nakaturo kasi siya sa sarili habang may lokong ngisi sa mukha.
Hinampas ko na lang siya at dumiretso pabalik sa classroom. Tumakbo din naman lampas sa 'kin si Threx at tinalon-talon lang ang mga hakbang sa hagdan. Muntik pa siyang mahulog, bobo kasi. Bumalik din naman siya pababa kasi ang classroom namin ay nasa first floor, hindi sa second floor.
BINABASA MO ANG
Rhythm Of The Waves (COMPLETED)
Roman d'amourIn collaboration with @trexdadinosaur_ Hinigaran Series 1 The photo used for the book cover is not mine, credits to the rightful owner. Started: September 12, 2020 Ended: September 12, 2022 copyright 2020 noceursovl PLAGIARISM IS A CRIME!