10 - Courting

47 11 3
                                    

I giggled at Blaze's shocked face. "Date?... kasama ako?" he pointed at himself, as if what I said was unbelievable.

I rolled my eyes and smiled, "Oo, ayaw mo?"

He immediately shook his head and told me that he wants to. Ang cute ni Blaze. He took out his phone and started texting someone.

"Who're you texting?"

"Dainty's, ire-rent ko ulit," he told me, eyes not leaving his phone.

Namumula ang tenga niya at sigurado akong hindi niya ako matignan sa mata ngayon. He's flustered. I pouted and stopped him from texting, "No."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Bakit naman?" he asked.

I showed him my phone, "Kasi ako ang magre-rent ng cafe," I smiled.

He was about to say no but then he didn't, sigurado akong alam niya na ayaw ko na ginawa niya iyon last time kaya pinayagan niya na lang na ako ang magrent sa ngayon.

When I finished chatting the cafe through their Facebook account, ibinalik ko ang tingin ko kay Blaze na siyang nilalaro ang mga daliri. He's pouting.

"Why are you pouting?" I asked him.

Tumingin siya sa akin, and I swear, mamatay ako ng maaga dahil sa mga titig niya. Hindi muna kami aalis dahil maaga pa naman... we decided na mamayang lunch na kami pupunta doon, kaya nag-usap lang muna kaming dalawa dito sa gilid ng sasakyan niya. It's 10:48 AM kaya pwede naman kaming umalis a few minutes later.

"I want to be the one to pay for it, Yara... ako naman yung manliligaw, eh," he said.

"Nanliligaw ka?" tanong ko.

His eyes widened and he seemed nervous, parang hindi alam kung paano niya iyon sasagutin.

He gulped, "Yes... I am."

I laughed quietly because of his reaction.

"Isn't courting used to make a woman fall in love with you? In our case... hindi mo naman kailangang manligaw, eh," I uttered, staring back at him kaya napaiwas naman siya ng tingin. His ears became red and so did his cheeks.

Tumingin siya sa kawalan na nakangiti, "Mukha kang baliw," hinampas ko ng mahina ang kamay niya.

"Oo, baliw sa 'yo."

"Corny niyo, gago!" napatingin kaming dalawa ni Blaze sa harapan ng sasakyan nang narinig namin yung boses ni Kriztella doon.

Mas lalong namula si Blaze... ako din naman ay namumula na. Bakit ba kasi nandito sila? Ganda na sana ng nangyayari, eh.

Sa gilid ni Kriz ay naroon sina Abby, Eros, at isa pang lalake na hindi ko kilala. Wala dito yung iba kasi may mga gingawa raw. Si Abby ay grabe pa yung pigil ng pagtawa at si Eros naman ay nakangiti ng maloko habang nakatingin kay Blaze.

"A-aalis kami ni..." sumulyap si Blaze sa kanila pero binaba naman kaagad ang ulo nang nakita kung gaano nakatutok sa kanya ang mga atensyon nila, "Yara..." his voice lowered.

Tumawa naman ng malakas si Kriz dahil doon, "Ganito pala ma-in love ang isang Blaze Dela Fuente!" she teased Blaze.

Sinabi namin sa kanila na may pupuntahan kami at ang sabi naman nila ay pumunta daw sila dito dahil kay ate.

"Ah, nga pala... Yara meet kuya Klein Alieo, my older brother kahit 'di halata... he's two years older than me," ipinakilala sa akin ni Kriz ang lalake. Totoo naman yung sinabi niya na hindi halata. Si kuya Klein kasi ay naka-poker face lang, hindi siya umimik mula kanina... he seems like an introvert, the exact opposite of Kriz-- who is an extroverted person.

Rhythm Of The Waves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon