13 - Boyfriend

44 11 5
                                    

"Hala! Bakit mo sasagutin? 'Di deserve 'oy!" malokong ngumiti sa akin si Abby habang pinipisil-pisil ang mga daliri ko.

Kanila lamang ay nagchat ako sa kanila through private messages at sinabing plano kong sasagutin si Blaze. Agad-agad naman silang pumunta dito dahil doon.

Napangiwi ako sa ginagawa ni Abby, "Ay, talaga?" I scoffed.

"Talaga," sabay nilang sabi ni Kriz at tumango-tango naman si Threx.

Napatawa sa kanila si kuya Klein. Bakit ba kasi nandito naman siya? Para ba namang wala siyang trabaho dahil araw-araw na siyang pumupunta dito sa bahay. Sabi sa 'kin ni ate ay surgeon pa naman si kuya.

Pumasok ako sa kwarto at iniwan sila sa sala na nag-uusap ng kung ano. I decided to dress myself up. Nagsuot ako ng pastel green na dress at pinaresan ko iyon ng puting flat sandals. For my accessories, sinuot ko ang set na niregalo niya sa akin 'nung birthday ko. Silver iyon na kwintas af earrings na may pendant na waves. I wore simple makeup and I'm done!

Nang tuluyan nang natapos ang pag-aayos sa sarili ay bumalik na ako sa mga kaibigan kong nasa sala daw. Pero nang nakarating ako doon ay wala naman sila kaya tinanong ko ang nakitang maid kung alam niya ba kung nasaan sila. She said they're at the game room kaya pumunta naman kaagad ako doon.

Nadatnan ko silang naglalaro ng arcade games habang si Eros naman ay nakaupo sa sofa at nagch-chat sa kung sino. Sayang nga lang at wala si Rafael ngayon.

"Ay, gumaganon?" bungad sa 'kin ni Kriz habang ngumingiwi.

"Gumaganito," I smirked while twirling para maipakita sa kanila nang tuluyan ang dress na suot ko.

Nakisali na din ako sa laro nila at nakita kong nakasimangot si Eros kaya lumapit ako sa kaniya. He seemed confused about something. Lumapit 'din si Threx at inakbayan si Eros.

"Tands, 'wag ka masyadong mag-stress, masama 'yan para sa 'yo," pang-aasar niya kaya suminghap na lang si Eros at umalis sa sofa kaya lumabas muna sa kwarto si Threx

"One eye..." Eros muttered while sitting down again on the sofa. Siguro ay tungkol iyon sa isa sa mga kasong hinahawakan niya.

Biglang sumulpot si Threx, "One eye open when I'm sleeping..." kumanta siya ng isang kanta na narinig niya sa TikTok.

"One eye..." Kriz continued the song and laughed.

Tumawa naman ang iba habang si Eros naman ay mas lalo pang sumimangot. Lumapit ako kay Giessl na inaayos ang buhok ni Abby. Nakaupo si Abby sa sahig samantalang si Giessl ay nakaupo sa isang gaming chair.

I chuckled, ang cute naman kasi nilang tignan, lalo pa't chubby si Abby at si Giessl naman ay medyo chubby 'din. Ang liliit pa naman nila.

"Ay, pagpahimunong gani!" naiinis na binatukan ni Giessl si Abby dahil panay galaw naman siya.

Sumimangot si Abby at binaba ang ulo. Tumawa din si Threx sa kanila at lumapit kay Abby habang may dala-dalang curls.

"By, ikaon lang na, ah." he handed it to Abby at ngumiti naman kaagad ang babae.

Umupo ako sa tabi ni Abby at nakikain na 'din sa pinagsasaluhan nilang Piattos. Habang nakaupo ay pinagmasdan ko silang lahat. Paano kaya kapag hindi ako bumalik dito? Paano kaya kapag naging maayos ang karamdaman ni lola? Paano kaya kapag mas pinili ko ang career ko? Paano kaya kapag hindi kami nagkita ni Blaze sa rooftop?

Maybe I never knew what type of person Felicia was. Maybe I never met them. Maybe I was stuck with someone I thought I could trust. Felicia might've been able to finally break me without me knowing she was the reason I broke.

Rhythm Of The Waves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon