04 - Birthday

93 16 11
                                    

Isang linggo na simula nung naparito ako. Sa loob ng isang linggong iyon, napalapit ako sa mga kaibigan ni Blaze. Minsan ay tinutulong-tulongan naman ako nila sa pag-compose ng mga kanta. Such little time I've spent with them, pero pakiramdam ko ay nakilala ko na sila ng iilang years.

They were warm to me. Kahit paminsan-minsan ay nas-stress ako sa pag-handle ng mga fans kong nagrereklamo dahil sa mga nangyari, nawawala bigla yung bigat na pinapasan ko kapag kasama ko sila. Minsan ay pumapasyal sila sa mga lugar dito, pero dahil sa sitwasyon ko, hindi ako makasama sa kanila. But even with me not being there with them, palagi silang kumukuha ng pictures o kaya nagvi-video call sa 'kin kapag pumapasyal sila, kahit nasa Plaza lang sila o kaya nasa isang kainan.

Mabuti na nga lang nung pumunta kami sa Coyo's ay walang nakilala sa 'kin except sa staff, tinago naman kasi ako nila sa mga tao, eh. Isa pa, nakipagusap din sila sa mga staff na 'wag ipagkalat na naroon ako. Humingi nga lang ng pictures at 'tsaka autographs yung mga staff.

Kasalukuyan, nasa studio ako. Today's the end of my shooting para sa bago kong music video kasi. Yung ibang mga kasamahan ko sa trabaho dito rin namin muna pinatira, including my manager, her assistant, and a few other significant people.

Malaki naman yung bahay ni Lola, kaya nitong i-accomodate hanggang sa kinseng mga tao. Gawin na lang kaya nila 'tong hotel.

"Great work today!" pumalakpak kaming lahat dahil sa sinabi ng manager ko.

My manager, ate Cassandra, is half-Filipino and half-Canadian, marunong naman si ate Sandy na mag-Tagalog kaya hindi masyadong. hassle para sa kanya na dito muna siya titira. She's turning twenty-four in a few months, two years ago lang din naman siya nag-start na magtrabaho as manager ko. Yung dati ko kasing manager na-involve sa isang scandal at isa si ate Sandy sa mga tumulong sa 'king maayos yung sitwasyon.

Maybe it's because we're both Pinoy, or maybe it's because our age gap is not that big, pero napalapit talaga ako kay ate.

Matapos mag-shooting ay nagcelebrate kaming lahat, kasama sina Blaze at yung iba pa naming mga kaibigan.

Malapit na lang din naman yung eighteenth birthday ko-- next week na, sabi ko naman kay mommy na ayaw ko ng malaking party, but she insisted. Once in a lifetime lang ko daw naman kasi mae-experience 'yun.

My debut was planned beautifully, dahil narito kami sa bahay ni lola, na siyang katabi lamang ng dagat, ginawa na lang na beach themed yung debut ko. Of course, I will wear a ballgown 'pag eighteen roses na, pero magpapalit naman ako ng iilan pang dresses na fit sa theme. Suumang-ayon agad ako, nagustuhan ko naman kasi! I love the sea, at dahil ganito nga yung theme ng debut ko, I can't help but look forward to it.

"Gagi, ang ganda talaga ni Yara," nakanguso si Kriz habang kinukuhaan ako ng mga pictures sa cellphone ko.

Kahit ako yung pinakabata sa amin, sinabi nilang 'di ko naman daw kailangang tawagin silang ate o kuya... medyo naiilang nga lang ako dahil nine years yung agwat namin ni Eros-- yung pinaka-matanda sa amin, gusto ko man siyang tawaging kuya, nag-insist naman siya na 'wag lang daw. Feeling niya raw kasi ang tanda-tanda niya na kung ga 'nun.

Araw na ngayon ng debut ko, umaga pa lang ay pumunta na dito sa bahay yung mga babae-- sina Kriztella, Giessl, at 'tsaka si Abbigail. Ipinakilala ko rin naman sa kanila si Abby noong nakaraang mga araw, and as I expected, naging close sila kaagad.

Yung mga lalake, mamaya na raw sa hapon pupunta rito, kapag mag-start na talaga yung party. Paano ba naman, inaway pa kasi sila ng mga babae kasi gusto nila mag-girls bonding daw muna kami. Hindi din ako nag-hire ng makeup artists kasi magaling din namang mag-makeup si Yvaine, nag-request naman kasi siya sa 'kin na siya daw yung mag-makeup sa akin para sa ngayon.

Rhythm Of The Waves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon