11 - Lola

41 10 0
                                    

Malaki ang ngiti sa labi ko habang nakatingin kay Blaze. Currently, nasa studio ako, nagpe-prepare para sa panibago ko namang album.

Nang natapos ang trabaho ay inaya ko si Blaze na pumunta kami sa dalampasigan. I want to watch the waves. He agreed to go with me pero hindi daw siya lalangoy... wala naman daw kasi siyang dalang damit. Hindi na ako nag-abalang magsuot ng mask o kung ano mang pantakip sa mukha ko dahil sa mga oras na ito ay wala naman masyadong tao sa lugar. Kilala naman ako ng mga taong narit

It's been four months simula nung nagsimulang manligaw sa akin si Blaze. And he is a great suitor. He doesn't rush me, sabi niya daw ay pwede ko siyang sagutin sa oras na sa tingin ko ay ready na akong magkaroon ng relasyon kasama siya. It's great that he's like this. Hindi naman nagbago ang trato namin sa isa't isa, only... a bit more sweeter.

He laughed when I almost tripped kaya sinamaan ko siya ng tingin. He acted as if he was zipping his mouth pero natatawa pa din siya, kaya natawa rin ako.

Lumayo-layo pa kaming dalawa hanggang sa narating namin ang Paradiso. At the very end of the resort was a little area kung saan pwedeng umupo at magtanaw sa dagat. Parang gazebo.

When we reached that place, agad naman akong pumunta sa pinakadulo. I smiled at the sight of the beautiful sea. Napakaganda talaga ng dagat, especially how the waves crash with each other.

"Ganda," Blaze whispered when he reached my side.

"Oo nga, ang ganda ng dag--" naputol ang sasabihin ko nang nakita kong nakatitig pala siya sa 'kin.

He smiled, "Both the waves and you."

Namula ako dahil doon.

Tumawa siya ng mahina at tumingin sa kawalan. "Namumula ka," he said.

"Ikaw din naman."

Sa buong oras na naroon kami ang tangi naming ginawa ay ang paghanga sa napakagandang tanawin sa harap namin. I hummed some songs at si Blaze ay panay sulyap naman sa akin.

I checked the time. 5:43 PM. Unti-unti nang lumulubog ang araw at pasimple akong sumulyap kay Blaze na nakatanaw lamang doon.

I gulped when I saw his side profile. He's... enchanting.

The warm sunlight kissed his face. Naka-puting polo siya ngayon na hindi naka-butones ang first three buttons 'nun. His hair is a bit messy, siguro dahil nakatulog siya sa loob ng studio kanina. His chocolate brown hooded eyes which were behind his glasses stared deeply at the distance. His plump lips and cheeks seemed to turn red, siguro ay dahil sa araw. The wind blew away his hair at bigla niya akong tinignan. I didn't have the time to move my eyes away when he stared oh so deeply at them.

It felt like I'm being sucked. His stares are something else. Para bang may kung ano sa mga iyon na sinasabihan akong huwag 'ding alisin ang tingin sa kanya.

May maliit na ngiting sumilay sa labi niya. I gulped. Maybe I've fallen a bit too much for this guy.

"Ganda tala--"

"Yara!" napaiwas kaming dalawa ng tingin nang may tumawag sa akin mula sa hindi kalayuan.

Nakita kong tumatakbo papalapit sa amin sina Kriz, ate Lena, kuya Klein, at 'tsaka si Yvaine. Well, kuya Klein's not exactly running towards us... tamad kasi itong naglalakad papunta sa amin, para bang napilitan.

Kinagat ni Blaze ang ibabang labi niya at nilaro ang mga daliri. A habit he has kapag nahihiya siya or he did something embarrasing.

Nang nakalapit sila sa amin ay kaagad naman akong inakbayan ni Kriz, "Aba, aba! Blaze, dumadamoves ka, ah?" tawa nito kaya sinamaan kaagad siya ng tingin ni Blaze.

Rhythm Of The Waves (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon