1-Catia Sullivan
"ABOT MO 'to dun sa table six," masiglang utos ng kaibigan at katrabaho niyang si Nadia.
"Thanks, Naddy."
It's been seven months mula noong pumasok siya sa club Lux Aeterna. It's an underground club na pagmamay-ari ng isang businessman na kilala sa pangalang Luci.
Rumors said that it is derived from the name Lucifer. 'Di naman siya sigurado pero kung totoo nga ay nababagay lang ito dito base na din sa itsura ng club. She hasn't seen him yet though.
Matapos maiabot ang order ng table six ay nag-asikaso pa siya ng ibang customers. May mga gabing waitress siya at may mga gabi namang isa siya sa mga babaeng sumasayaw doon sa mga poles sa itaas banda ng club. She wouldn't be here kung hindi siya nangangailangan ng pera. Buti nalang ay malaki ang pasweldo.
Hindi mo masasabing kapit sa patalim ang trabaho dahil marangal ito. Hindi sila tulad ng mga poka na nagbebenta ng aliw. They are professional dancers admired by people, just like a ballerina. Pero ang opinion ng mga tao ay malayo na sa kaya nilang baguhin.
"Catia, ano madami ka bang natanggap na tip?" Excited na tanong ng kaibigan habang nagbibihis sila sa locker room bago umuwi. Malapit na kasi mag ala-sais ng umaga.
"Naka five thousand ako ngayon. Malaking tulong na din samin ni mama." Five thousand is the average tip na natatanggap niya. Ganun kayaman at kalakas magtip ang mga customer nila. It's an elite club after all. Membership palang ay umaabot na ng million.
"May narinig akong tsismis. Bubuksan daw yung upper floor para sa sex club. Leisure lang naman daw kasi yung dito sa atin,"
Sex club? Hindi ba illegal ang mga ganun?
"Hindi naman siguro. Illegal yun eh."
Kung noong bago pa siya pumasok dito ay binalaan siya ng mga kakilala na sex club nga daw ang papasukan niya. But to her surprise, wala siyang makitang bakas ng pagiging sex club nito. It's more like an organization for rich, bored people.
"Eh yun na nga, sa tingin mo ba ay legal ng bongga 'tong Lux Aeterna? If I know madami ding illegal transactions behind this club."
Wala naman silang magagawa kung illegal nga ang pinapasukan. Wag lang sana silang madamay pag nagkaproblema. 'Di niya magawang humanap ng bagong trabaho dahil di niya maitatangging napakalaki ng pasweldo at benefits dito.
"Pabayaan mo na, Naddy. Mayaman naman boss natin siguradong kaya niyang lusutan ang batas," biro niya dito bago bumeso at nagpaalam na.
Paglabas ng club ay umaga na. Another day at work is done.
Napakapormal ng club na pinapasukan niya. Waiters and waitresses wear slacks and long sleeves. Kung titingnan mo ay hindi ito mukhang club, mas mukha itong business gathering. Even the dancers are wearing modest silhouette drapes.
Agad naman siyang nakasakay ng jeep pauwi dahil umaga na din naman. She lives in a rental apartment. Kung hindi pa siya natanggap sa Lux Aeterna ay malamang sa bangketa parin sila nakatira ngayon.
"Mama?"
"Anak nandito ka na pala. Nagluto na ako. Kumain ka muna bago matulog." Nagmano siya sa mama niya at humalik sa pisngi.
Her mom was a teacher. Pero mula ng mag-ulyanin ito sa batang edad na sinkuweta ay nagretiro na ito. Maayos ang buhay nila bago mamatay ang kanyang ama at magloko ang lalaking kapatid. Matapos tumapak sa labis na kahirapan ay nagdesisyon siyang magtrabaho na lamang.
Matapos kumain at maligo ay nagpunta na siya sa kuwarto niya. She started reading some collegiate books para kahit di siya nakapagkolehiyo ay kahit papaano may alam siya sa asignatura ng gusto niya kurso.

BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomanceSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...