21-New Life
"TAKE A DEEP breath, Catia."
Agad naman niyang sinunod ang sinabi ng doctor. She shut her eyes tight as she feels another contraction. Nanghihina na ang buong katawan niya
"You can do this, love. Be strong." Winston's voice instantly eased her pain. Laking pasalamat nalang niya ng maglakas ito ng loob na sumama sakanya sa delivery room.
"One last push..."
Halos hindi na niya maintindihan ang sinasabi ng babaeng doctor, but she managed to deliver one hard push before she lost consciousness.
SHE STIRRED in her sleep when she heard a loud cry. Akmang tatayo na siya ng mapansin si Winston na nakatayo na sa paanan ng kuna ng anak. Nakaroba lang ito at basa ang buhok patunay na kakalabas lang sa banyo. Papasok na siguro ito.
She smiled at the sight. Napakaswerte niya. Who would have thought that the person who broke her heart more than a year ago is also the reason why she's truly happy now?
The pain and heartbreak were worth it. Masaya siyang napunta siya kay Winston.
"Take more rest, love. I'll take care of Nicho." She did as he said but can't find the way back to her dreams.
Marahan na siyang bumangon at napatingin nalang sa pasikat na ding araw sa bintana. She better get ready for the day.
"I'll cook our breakfast. Ikaw na muna ang bahala kay Nicho." Ngumiti siya dito at humalik sa pisngi before sauntering towards the kitchen.
She never found her life easy. Dahil na din siguro sa mga pagsubok na humarap sakanya. It was hard to study while taking care of a few month-old baby, but she made it possible sa tulong na din ng mga importanteng tao sa kanya.
Mabilis ang naging mga kilos niya. She cooked some simple dishes para pagsaluhan nilang pamilya. Nagtimpla na din siya ng kape para kay Winston.
"Winston, tara kain na tayo. Maaga ka sa office today diba?"
"Yeah. I have lots of meeting lining up for today." Tumango-tango naman siya habang naghahain ng pagkain dito.
This is their daily routine. Magluluto siya every morning at sabay silang kakain. She will never get tired of doing this. Malaki din ang utang na loob niya kay Winston.
Ilang saglit pa ay nakita na din niyang papadating ang kanyang mama. Hindi na niya kasi ito ginising kanina dahil maaga pa naman.
"O, mama kain ka na din." She kissed her cheeks bago ito inalalayan sa pag-upo.
Her mom is getting well. Makakalimutin parin ito, but she got better lalo na at mas naalagaan na niya ito. Unlike before, hindi na niya problema ang pera ngayon. She got a good paying job ang she got Winston na ni minsan ay hindi nagpabaya sa kanila.
"Nasaan ang apo ko, anak?"
"Pinatulog po ulit ni Winston. Masyado pa kasing maaga, mama."
Napangiti siya ng agad na inasikaso ni Winston ang kanyang mama. "Here, kainin niyo po ito para mas lumakas pa kayo. Si Catia ang nagluto niyan," sabi pa nito sabay kindat na ikinatawa niya.
"Abay siyempre si Catia ang nagluto, hijo. 'Di ka naman marunong magluto eh."
Napahagalpak nalang siya ng tawa habang sumimangot naman si Winston. Hindi niya alam kung bakit ba laging binabara ng mama niya si Winston. Kung dati ay sinasaway pa niya ang mama, ngayon naman ay tumatawa nalang siya.
"Bilisan niyo na kumain at may mga pupuntahan pa kayo. Mama, susunduin po kayo ni Jane para sa monthly check-up niyo kay Dra. Smith."
Pagkatapos kumain ay nag-asikaso na papuntang trabaho si Winston. She expertly tied his necktie. Sa tagal din nilang magkasama ay natuto na siya ng iba't-ibang style ng pagtali.

BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomanceSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...