Chapter Eight

10 2 0
                                    


8-Married

"OY FREN napapadalas ang pag-request ni Sir Luci sayo ah." Tudyo ng mga kaibigan ng mapatambay siya sa bar.

"Di niya lang siguro gustong magpapalit-palit ng waitress."

Oo tama. Iyon nga ang dahilan. Efficient naman siya sa trabaho kaya walang dahilan para palitan siya nito. The days had passed at laking pasasalamat nalang niya na pormal at propesyunal ang pakikitungo nito sakanya.

It doesn't bother her. It's casual sex. Lahat naman na siguro ng tao sa panahon ngayon ay ginagawa na iyon. Though she's feeling a bit guilty dahil lumaki siya sa napakarelihiyosong pamilya, lalo na ang mama.

"Naku girl ha! Baka meron kang hindi nakukuwento." Tinusok-tusok pa ni Jenna ang tagiliran niya.

Napatawa naman siya dahil dito. "Tumigil nga kayo. Nagawa lang kayo ng issue eh."

Dumami na ang tao at nag-umpisa na din sila sa trabaho. It took her three days to fully heal. Nagdahilan nalang siya ng trangkaso.

"You got a nice ass miss." Pahabol na sabi ng isang matandang lalaki na inabutan niya ng inumin.

For the past eight months ay nasanay na siya sa mga tulad nito. "Thank you, sir." Sagot niya bago yumukod at muling umalis.

So far ay wala namang nagtangkang hawakan siya. It's against the policy. Pero ang mga salita ng mga manyak na customer ay natutunan nalang niyang sakyan.

Naglakad na siya pabalik sa bar kung saan nakapwesto si Nadia. Di kasi tulad niya at ni Jenna, ito ay isang bartender.

"Ano fren? Nandito nanaman yung manyak na matanda." Nakasimangot ito malamang ay alam na may sinabi nga itong di kaaya-aya.

"Pabayaan mo na. Wala namang magagawa ang pagsasalita niya ng kahalayan."

"Hi ladies."

Agad siyang napalingon sa nagsalita. Nginitian niya ito at agad naman itong nagbato ng kindat. "I'll take scotch."

"Coming right up, Sir Davis." Bungisngis namang tumalima si Nadia sa utos ng bagong dating.

Unlike their boss Luci ay mas madalas dito si Davis at halos siya na ang kilalaning amo ng mga empleyado. Di nga lang niya alam kung bakit di niya ito kilala noon. Siguro ay naririnig niya di lang siya nagbibigay atensyon.

"How are you Ms. Cat?"

"Drop the miss please. Halos ikaw na din ang employer ko." Totoo naman kasi. Kung titingnan mo ito ay di mo pagkakamalang sekretarya ito. He's got the looks of Luci sans the overflowing aura.

"I think you'll be my employer soon. Please treat me right when it happens."

Naguluhan siya sa sinabi nito at nais sanang klaruhin kaso narinig niya ang tunog ng bell patunay na may order na darating.

"Talk to you whenever. Gotta work." Paalam niya dito bago kinuha ang tray na may lamang alak.

Matapos ang trabaho ay nagkayayaan ng gala silang tatlong magkakaibigan. Ayaw niyang sumama dahil makikita ng mga ito ang kotseng ginagamit niya. Nobody would dare believe na sa isang waitress iyon.

Kung sa establisyemento ng Lux Aeterna niya ito ipaparada ay walang problema dahil madaling isiping sa isang customer ito.

"Ito naman. Matagal na nung huli kang sumabay samin pag-uwi. Pati ba naman paggala ay aayaw ka pa."

Alam ng mga ito na lumipat siya ngunit di na niya sinabi kung saan. Iyon ang dinadahilan niya para hindi makasabay pauwi sa mga ito. Hindi naman siguro masama kung iiwan nalang niya ang kotse sa building. Isang araw lang naman.

Sold and ReclaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon