5-Second Hand
NATAPOS nalang ng araw nay un ang trabaho niya pero wala siyang narinig mula sa amo. Kahit si Davis ay halos hindi din niya Nakita sa leisure floor. Siguro ay busy na ang mga ito sa tarabho.
May kaunting panghihinayang na lumalapat sa dibdib niya ng hindi siya ipatawag ng amo para sa sayaw na hinihingi nito. Gusto niyang makabawi na din agad dito.
Tulad ng nakaraang mga araw ay padami ng padami ang mga customer nila sa club. Patuloy siyang nagtatrabaho with the anticipation na kahit ano mang oras ay maaaring ipatawag siya ng amo.
Ang mama naman niya ay pwedeng maoperahan na din agad. Donor nalang ang hinihintay nila. Pinayagan na din si Jane na manirahan na din mismo sakanila dahil mas malapit din ang bagong bahay sa pinapasukang eskuwelahan nito.
"Uy kain tayo after work. Sagot ko," offer sakanila ni Jenna habang nagbibihis sila bago umuwi.
"Ay huwaw inday. Malaki ang tip mo ngayon 'no?"
Tinukso-tukso pa ito ni Nadia na ikinatawa na din niya. Sa huli ay natagpuan nila ang sarili sa loob ng isang kilalang kainan. Madaming nakahain sa mesa nila na halos halahati ay order ni Nadia. Sinusulit ang libre ng kaibigan.
"Nung nagyaya ako ineexpect ko namang sa restaurant tayo kakain," reklamo ni Jenna. Natawa nalang siya sa sinabi nito. Si Nadia kasi ang nagpumilit na sa isang fast food chain sila kumain.
"Kung nag-restaurant tayo wamport lang pagkain dito sa mesa ang maioorder natin at magmumulubi ka na. Okay na dito."
"Okay na dito, Jen. May point si Naddy. Masarap naman pagkain dito eh."
"Kasi naman girl, kahit kailan ang cheap talaga niyang si Nadia. Ako na nga manlilibre eh."
Bigla naman itong sinubuan ni Nadia ng isang buong hiwa ng manok na ikinatigil nito sa pagsasalita. "Ayan inday masarap yan." Muli ay natawa siya sa mga kaibigan.
"Kayong dalawa talaga. Kumain nalang tayo dali. Nagutom din ako sa trabaho kanina." Both of her friends agreed at sabay na silang kumain.
PANG-ILANG ARAW na siyang umuuwi sa bagong bahay ngunit naninibago parin siya dito. She has the biggest room. Ang master's bedroom. Samantalang ang mama at si Jane naman at nasa dalawang guest bedroom.
Triple ang laki ng kwartong ito sa dati niyang kuwarto dahil na din sa bathroom. Nakahiga siya sa king size bed. Light and airy ang kuwarto na may malaking sliding door palabas ng balkonahe. Sa may banyo naman ay may shower at tub din.
Ni minsan ay di niya inisip na makakatira siya sa ganitong bahay. Pinangarap niya ito ngunit di niya inexpect.
"Catia, anak." Agad naman siyang napalingon sa inang tumawag. Maayos ang lagay nito ngayon at nakikita niya dito ang dati niyang mama.
"Mama, pasok po kayo." She tapped the space beside her.
Napansin niya ang paglibot ng mga mata nito sa kanyang kuwarto. Hindi ito ang unang beses na nakapasok ito dito. Pero ito ang unang beses na maayos ang kalagayan ng pag-iisip nito.
"Bakit iba na ang bahay natin? Sabi sakin ni Jane lumipat daw tayo. Anak hindi natin kayang bayaran 'to lalo na ang may pool pa sa likod bahay."
Mahigpit niyang niyakapa ng kanyang mama na agad naming gumanti sakanya. It pains her to see her mom suffer. Lalo ng mas masakit na hindi man lang niya kayang gawin komportable ang buhay nito. That's why she's more than grateful sa tulong ng amo.
"Ang bahay na ito, sa boss ko po ito mama. Tinutulungan niya tayo."
"Pero bakit? Hindi niya tayo pwedeng tulungan ng ganito kalaki."

BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomansaSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...