Prologue

22 2 0
                                    


"KUYA, PLEASE 'wag mo naman kami iwan ni mama dito."

"Bakit, ano pa bang dahilan para manatili ako dito? Napirmahan mo na ang mga papeles. Akin na ang lahat ng perang minana mo. Wala ka ng pakinabang."

Tears are falling from her cheeks. Wala na siyang magawa kundi ang umiyak ng umiyak habang nakaluhod at nagmamakaawa sa sariling kapatid na 'wag silang iwan.

"Kuya, yung pera. Para dapat yan sa operasyon ni mama."

"Sa tingin mo may pakialam ako? Kung si papa ay matalino at sayo ipinangalan lahat ng ari-arian ikaw naman sobrang bobo. Bitiwan mo nga ako."

Malakas siyang itinulak ng kanyang kuya at napasalampak na lamang sa sahig. Her brother's evil grin was the last thing she had seen before he left.

Galit at puot ang bumalatay sa puso niya. She was so stupid to sign those papers. She was so stupid to believe his scheme. Napakatanga niya na naniwala siyang may pakialam pa sakanila ang kuya niya.

Her father died three years ago. At ang pagkamatay ng sariling ama ang naging dahilan para bumalik ang kanyang kuya. They reconnected. She was more than happy na makakasama na nila ulit ang kanyang kuyang matagal ng lumayas dahil sa away mag-ama.

For the last three years, her brother cared for them. Her longing for her own partner in crime was sufficed. Masaya siya dahil kahit na wala na ang kanilang papa nandoon naman ang kanyang kuya na umalalay sakanila.

Three years after, her mom survived a heart attack at kailangan na agad nitong maoperahan. She's lucky enough na nasakto ito sa pagsapit niya sa legal na edad.

Before her father died, nag-iwan ito ng mga ari-arian. Hindi man ganun kalaki, pero sapat na para mapagamot niya ang mama sa oras na magka-access siya dito.

Her brother asked for rights. Para daw mas mabilis nilang makuha ang pera at mapagamot na agad ang mama. But she never expected him to do it. The moment she signed the papers ay unti-unti na din palang kinukuha ng kanyang kuya ang pera nila. Their house was even auctioned off.

"Anak, saan pupunta ang kuya mo? Bakit ka nasa sahig? Nag-away ba kayo?"

She slowly turned her head towards her mother. Masaya siya dahil naaalala siya nito ngayon. There are times wherein her own mother can't remember her.

"Mama," she cried her heart out na pinayagan lang naman ng kanyang mama. Nagtatanong ito pero mas nanatiling tahimik habang umiiyak siya.


LUX AETERNA.

This is her last resort. Madami na din naman ang mga nakapagsabi sakanya na mataas ang bayad dito. Yung nga lang eh isa itong club, balita din ang pagiging illegal nito.

Pero para sakanyang desparada, mas okay na itong pagkapit niya sa patalim.

Matapos malugi ang café na pinagtatrabahuan ay halos isang buwan na din siyang naghahanap ng trabaho. Sa hirap ng buhay ngayon ay ilang araw ka lang walang trabaho ay baka bukas sa kalsada ka na pupulutin. Hindi siya papayag doon lalo na at kailangan niyang alagaan ang mama.

"Ma'am bawal po minor dito," sabi ng isang malaking tao sakanya na sa palagay niya ay isang bouncer.

"Kuya, hindi naman po ako menor de edad. Mag-aapply nga po ako ng trabaho eh."

"Hindi pwede yang ganyang modus dito ma'am. Alis nalang po kayo."

This time, kumunot na ang noo niya. Ang kulit ha.

"Kuya, twenty-seven na po ako. Ito o, basahin mo pa."

Inabot niya ang kanyang resumé pati na din ang birth certificate.

"Ayan kuya. Mag-aapply nga kasi ako. Ayan o, may hiring kayo." Ininguso pa niya ang papel na nakadikit sa pader.

"Pasensya na ma'am. Hindi kasi kayo mukhang twenty-seven. Sige po pasok na kayo. Pakanan sa pasilyo ang HR."

Nahihiya namang iginiya siya ni kuya bouncer. Parang natauhan din ito sa pagkakamali. 'Di naman siya galit kasi ginagawa lang nito ang trabaho.

Pero base sa higpit nito sa pagbabantay parang madami na nga ang nagtangkang pumasok sa establisiyemento. Ano bang meron ang Lux Aeterna?

One way to find out, kailangan niyang pumasa at makuha ang trabaho.

Sold and ReclaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon