Chapter Twenty-four

8 0 0
                                    

24-Malas

"GIRL, ang pretty pretty! Omg grabe ano bang meron ang hangin ng America? Mukha ka ng model."

Ilang beses pa siya inikutan bago muling naupo si Jenna. Natawa naman siya sa reaksiyon nito. Di lang naman siya ang maraming pinagbago. Pati ito ay mas naging elegante na din. Madami ngang pinagbago ang mga ito, but she's thankful na walang pinagbago ang relasyon nila.

"OA ha. Kayo din ang gaganda niyo lalo. Hiyang ka sa buhay asawa Jen." She's more than happy for her.

"Sinabi mo pa fren. Eh halos araw-araw gabi-gabi yan dinidiligan ng asawa."

"Sos ikaw ang nagsalita, Naddy. May papable ka ng kinikita dun sa Bachelors yung si Otep ba yun?"

Kinilig-kilig naman ang bruha ng marinig ang pangalan ng boyfriend nito. She laughed with how crazy they can still get kahit isang taon silang hindi nagkita in personal.

"Eh ikaw kamusta naman si papa Winston at ang pamangkin ko sayo?"

Sumimsim siya sa kapeng iniinom at ngumiti kay Nadia. "I'm happy. Masaya ako sakanila."

"Abay dapat lang noh. Bigla ka nalang kinidnap nun. Umasa pa naman ako na magiging kayo ni..."

"Hoy Nadia yang bunganga mo tatapalan ko ng plaster yan. Ok change topic. Ano bang feeling sa America? Feeling rich ganern?"

Natigilan din siya sa sinasabi ni Nadia buti nalang ay to the rescue itong si Jenna. Oo nga't masaya na siya kay Winston, but that doesn't mean na agad niyang nakalimutan ang mapapait na alaala.

"Sa totoo lang, curious din kasi ako, Cat. Makalipas ang ilang araw mula nung umalis ka eh naging balitang ikakasal siya dun sa Georgia Milton. Yung Georgia mismo ang nag-confirm on live television." Alanganing pahayag nito.

So, ganoon lang pala siya kabilis na nakalimutan nito. Kung ilang araw lang mula ng umalis siya ay nagpakasal ito, malamang ay wala talaga itong pinagsisisihan sa ginawa nito sakanya kahit na katiting lang. habang siya ay umiiyak ng umiiyak ay nagpapakasal na apla ito.

"Talaga?"

"I'm sorry. Hindi mo pala alam. 'Di ko na dapat binanggit pa."

Pinilit niyang magbigay ng masiglang ngiti sa mga kaibigan. "Okay lang 'no. I only wish happiness for him. Kung hindi din dahil sakanya hindi ko makikilala si Winston."

"Ay oo, tama yan. Halata namang mas masaya at mas naalagaan ka kay Winston," sabi ni Nadia sa isang masiglang boses na ikinatawa nalang din nila.

Totoo naman kasi. It's due time para magpatawad siya, but she's still in the stage of healing and soon forgiving.

Naglibut-libot pa sila sa mall at kumain kung saan-saan. Namiss niya talaga ang mga ito lalo na kapag namimili. Sa America kasi ay siya lang naman mag-isa ang naglilibot doon. Lagi kasing busy si Winston at Jane.

"Tara hatid ko na kayo kung saan man kayo uuwi," pagyaya niya sa mga kaibigan ng papalubog na ang araw. Ang bilis ng oras pag magkakasama sila.

"Ay ang gara ng car." Kahit kailan talaga walang preno ang bibig ni Nadia. She smiled proudly at them.

"Syempre sariling pera ko kaya ang pinambili ko dito. Buti nga naibenta sakin ng mura dahil secondhand na."

"Ay wow self-made ang ating ateng. Turuan mo nga din kami sa stocks stocks na ganyan baka yumaman di kami," Tudyo naman ni Jenna na nauna ng pumasok sa kotse.

"Sure. Next time tuturuan ko kayo. Pwede na din kayo mag-invest sa kompanya ni Winston."

Nagkwentuhan at nagtawanan pa sila hanggang sa unang maihatid si Nadia. Didiretso na daw kasi ito agad sa trabaho kaya malapit lang ang binabaan nito.

Sold and ReclaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon