12-Daddy Luci
IT'S BEEN A week mula noong tumakas siya sa trabaho. Isang linggo din siyang walang ibang ginawa kundi magpahinga. She really had a hard time walking. 'Di din nakatulong ang pagkakaroon niya makalipas ang dalawang araw.
Laking pasasalamat nalang niya at hindi siya nilagnat o kung ano man. With the help of Luci's care ay nagging maayos na din naman agad ang pakiramdam niya.
Ilang oras na mula ng makabalik siya sa trabaho at hindi na muling binuksan ng mga ito ang topic. Halos lahat ay naging ilag na din sakanya. Well, that's better kesa harapan niyang naririnig ang panghuhusga ng mga ito.
For Jenna and Nadia, mula nung mag walk out siya sa mga ito ay wala ng tigil ang panunuyo ng mga ito. Nagsorry na din naman siya for acting like that. May mga panahong talagang OA siya.
"I'm happy to see you again Ms. Cat," nakangising bungad ni Davis sakanya. Ngising nagsasabing may alam ito tungkol sa isang linggo niyang pagkawala.
"Akala ko forever ka ng itatago ni boss sa kweba niya eh." Humagalpak pa ito ng tawa habang matalim naman ang mga titig niya dito. She really can't understand his humor.
"Tigilan mo ako Davis. Hindi ka na makakain ng luto ng nanay ko." Banta niya dito. Halos araw-araw na itong bumibisita sa bahay nila para makikain. Mukha namang natutuwa dito si Jane at ang mama niya kaya pinabayaan nalang din niya.
She's actually grateful na kahit papaano ay may iba pang bumibisita sa mama niya. Masaya siyang nakikitang masaya ito kahit sa mga simpleng bagay.
"'To naman di mabiro." Sinamaan niya itong muli ng tingin bago nagtuloy ng trabaho.
Madami-daming tip din ang nakuha niya ngayong gabi. Mukhang galante ang mga customers.
Matagal din siyang hindi nakapagtrabaho. Kung noon ito nangyari ay malamang maglulupasay na siya sa dami ng problema. But having the security na may uuwian parin siyang bahay at maayos ang lagay ng mama niya ay mas nakakagaan ng pakiramdam. She just have to work harder to pay for her absences.
"Labas naman tayo Cat," ungot sakanya ni Jenna habang nagbibihis sila bago umuwi.
Matagal na din naman ng huling makasama niya ang mga ito kaya pumayag na din siya. "Sige pero mauna na kayo umuwi. Maggo-grocery na din kasi ako."
Hindi tulad ng nakagawiang magtaxi ay sa kotse sila sumakay. Syempre yung kotse ni Luci. Alam na din naman ng mga ito kaya wala ng kwenta ang pagtatago niya.
"Wow grabe ang ganda ng interior girl. Binigay lang talaga ni boss to sayo?" Sabi ni Jenna habang hinihimas pa ang light brown leather seat.
"Hindi nga sabi binigay, pinahiram lang. At saka lumang kotse niya ito." Oo hiram lang. Ibabalik din naman niya ito kapag maglalayo na sila ng landas. At kahit na lumang kotse ito ay mas mukha pang bago sa bagong kotse, halatang naalagaan ng maayos.
"Wala bang ibang hininging kapalit si boss sayo? Sabagay ganda mo palang sapat na."
"Oo nga frenny, ano nga bang score sainyo ni boss?"
Napaisip siya sa tanong ng mga kaibigan. Wala silang klarong label at ayaw din niyang magdemand. Sapat na bang sagot ang they are lusting for each other?
"Walang label."
"Ay nakikiuso kayo? Sabagay trending ang mga walang label ngayon para kapag nagkasawaan na hiwalayan nalang agad." 'Di niya alam kung bakit may pag atake yung sinabi ni Nadia, pero nanatili nalang siya tahimik.
"Advice lang Cat, ingat ka kay boss ha. Alam mo naman ang mayayamang gwapo kaliwa't kanan ang babae. Hindi imposibleng magustuhan mo siya at masaktan ka sa huli."

BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomansSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...