13-Other Woman
SHE GROGGILY pulled herself from a deep slumber. 'Di niya mapigilang mairita sa tunog ng cellphone na paulit-ulit na may tumatawag.
"Luci, it's your phone." She tapped him softly only to be answered by a groan.
Mukhang puyat na puyat talaga ito. Hindi ba maayos ang tulog nito ng mga nakaraang araw?
She took a quick look and found a woman's face in the name of Georgia. Maganda ito at mukhang modelo.
She shouldn't be feeling this, but waves of jealousy plus her insecurities came rushing back to her. Ewan ba niya, pero para siyang nagdadalagang insekyora sa lahat ng bagay.
"Luci may tumatawag importante ata. It's Georgia." Inabot pa niya ang phone dito, quite expecting him to turn it off and go back to sleep.
Laking gulat nalang niya ng bigla itong tumayo at nagmamadaling lumayo para sagutin ang tawag. Georgia is that important, huh. Kinailangan pa talaga nitong lumayo para hindi niya marinig ang tawag.
Naiinis na tumayo nalang siya sa couch na nakatulugan nila. Buti nalang at malaki ito na halos kama na din ang laki. Uuwi nalang siya at maghahanda sa pagpasok.
Walang paalam ay umalis na siya sa bahay ng binata. Ayaw naman niya itong istorbohin sa kadaldalan nitong si Georgia Milton. Pangalan palang eh pang royalty na, ano namang laban niya dun?
"Ate, bakit ganyan itsura mo?" Bungad na tanong ni Jane ng makauwi siya. Bakit ano bang mali?
"Mukha kang sinabunutan ng sampung kabayo. Mag-asikaso ka na dun, ate."
Hindi nalang niya ito pinansin at dumiretso na sa kwarto. Totoo namang hindi na niya natingnan sa salamin ang itsura niya at agad nalang siyang umuwi. Magkatabi lang naman halos ang bahay nila.
Isang matinis ang sigaw na lumabas sa sarili niyang bibig ng mapatapat sa salamin. This can't be her.
"Ate? Bakit ka sumigaw?" Habol hininga pang tanong ni Jane na malamang ay tumakbo para tingnan siya.
"Jane, ako ba yan?"
"Oo, ate. Ganyan ang itsura mo everyday tuwing paggising." Nagtatakang sagot ni Jane sakanya.
Halos hindi niya maitsura ang babaeng nasa salamin. Magulo ang buhok, namamaga ang mga mata sa pagtulog, may panis na laway at muta pa. Yung mga mata niya ang kapal pa ng eyebags.
"Jane, ang pangit ko pala. Bakit 'di mo man lang ako sinabihan?"
"Ay akala ko alam mo na ate." Sinamaan niya ito ng tingin. Hindi yun ang ineexpect niyang sagot dito. Dapat inalo man lang siya nito kahit konti.
"Joke lang. Maganda ka parin naman. Bakit ba bigla kang na-conscious, ate?"
Bakit nga ba? Hindi naman siya ganito. Sapat na yung magmukha siyang tao. Pero bakit parang ang bigat ng kalooban niya ngayon?
"Nakakadagdag ganda ang pagsisipilyo."
Mas inirapan lang niya ito bago pumuntang banyo. Halatang naeenjoy ni Jane na okrayin siya ngayong araw. Palibhasay nakabihis ito ng maayos dahil galing eskuwela.
Habang naliligo ay hindi niya maiwasang mapatingin sa sariling katawan. She has a slim figure na may konting taba kung saan saan. Hindi siya matatawag na coca cola body. Sapat lang at generic, nothing special.
Panigurado ang Georgia na iyon ay may katawan pang model. Payat at sexy. "Ano ba yang iniisip mo, Catia?"
Teka lang ha. Bakit ba niya kailangan ikumpara ang sarili sa babaeng yun? At ano bang ikinapuputok ng butse niya? Pake ba niya sa mga babae ni Luci. Mula umpisa naman ay wala silang napag-usapang exclusive ang relasyon nila.
BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomanceSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...