23-Rekindle
ANONG ORAS na ba at may tumatawag na agad sakanya? Maliwanag naman na sa labas, but hell she has jetlag to deal with.
She took a glimpse of the caller and answered it immediately unconsciously. "Yes Daddy?"
[Kiska.]
Napabalikwas siya ng bangon ng marealize na patay na ang tatay niya. Wala na siyang ibang tinatawag na daddy noon maliban kay...
"Sorry wrong number. Bye."
Mabilis pa sa alas-kwatro na naihagis niya ang cellphone. Mabuti nalang at malwak ang higaan at hindi ito nabasag. Anong kagagahan ba nanaman ito.
Kung tumawag ito noon ay malamang iba ang kalalabasan at maiiyak siya sa tuwa. She kept his number and waited for him to call. Ngunit ni minsan ay hindi ito tumawag hanggang sa nakalimutan nalang niya at naibaon na ito sa contacts niya.
Now, he called at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Happiness? Anger? Longingness? Wala na. Hindi na bumibilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang boses nito.
Well, actually, bumilis yung puso niya kanina sa kaba at kabobohan, but not in the same way she reacts like before.
Biglang niluwa ng pintuan si Winston at hinalikan siya sa noo.
"Glad you're awake already. May isang meeting akong hindi mapupuntahan. Can you go for me?"
"Sige. Pero paano si Nicho?" Lumabi siya dito dahil sa totoo lang ay gusto naman niyang makasama ang anak kahit ngayon lang. Madalas nga niyang kasama ito kaso lagi namang natataon na tulog ito.
"Mom and dad will take care of him. Alam mo naman ang mga yun, they're so fond of their apo." He kissed her goodbye dahil may lakad din ito.
Wala na din siyang nagawa kundi ang kumilos at mag-asikaso dahil malamang ay parating na din ang mga magulang ni Winston.
Two hours before the meeting palang naman. She dressed up into a faded boyfriend jeans, lace blouse na pinatungan ng brown plaid office blazer, and syempre her signature stilettos.
"Nicho, baby, mama needs to work, okay? Magpakabait ka kanila lola." Hagikhik lang naman ang isinagot nito na para bang gusto nito ang ideya na sa lola ito pansamantala.
Naglagay na siya ng bihisan, formula, at diapers sa baby bag na ipapabaon niya. Winston's parents are great. Anak na din kung ituring siya ng mga ito kaya hindi mabigat sa loob niyang ipaubaya ang anak. Tuwing nasa Hawaii din naman ang mga ito at bumibisita ay nagbo-bonding sila.
"Catia?" Tulad nga ng inaasahan ay nakadungaw na ang ginang sa pinto. Mag-isa lang ito at siguro ay nagpaiwan na ang asawa sa bahay na ilang lakad lang naman ang layo.
"Ito naman si mama nahiya pang pumasok. Want some refreshments?" Humalik siya sa pisngi nito bago ito sinamahan papunta kay Nicho.
"Hindi na, hija. Your papa is waiting at home. Pinagmamadali nga ako at nami-miss na daw niya ang kanyang nag-iisang apo."
Agad naman nitong binuhat si Nicho at pinupug ng halik ang matatabang pisngi na gustong-gusto naman ng bata.
"You really did miss lola, apo?"
Saglit pang nilaro-laro ito ng mama ni Winston bago ito nagdesisyong umuwi na. Binigyan nalang niya ng halik sa magkabilang pisngi ang anak bilang paalam. Malamang ay mamayang gabi na niya ulit ito makikita.
Tumingin siya ng isa pang pasada sa salamin at napangiti. Pinabayaan niya lang ang kanyang buhok as is and she's good to go. She received an email from Winston about the dealing na kahaharapin niya.
BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomanceSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...