29-Family Life
"WE ARE now gathered here to witness a holy matrimony between Catia Sullivan and Sebastian Luca Ginobi."
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hanggang ngayon ay 'di parin nagsi-sink in sakanya ang tunay na nangyayari. She was just admiring how beautiful the Ginobis are, and now she's becoming one of them.
"Ah, eh...judge wait lang po." Napatingin naman ang lahat sa pagpigil niya sa pagsasalita ng judge. Lumapit siya kay Luci ng bahagya ang bumulong, "Si mama."
"She's watching. Look." Sabay turo nito sa tablet na hawak ni Malla. Her tears started forming ng makita ang kanyang mama sa screen na umiiyak din.
"I asked for her blessing. There's nothing to worry about." Tumango-tango siya dito habang dahan-dahan ng pumapatak ang mga luha sa kanyang pisngi. Luci motioned the judge to continue.
It was a bliss. Halos wala na siyang naintindihan sa mga legal terms na binanggit tungkol sa pagpapakasal nila.
"We might have started our story on the wrong page, we became lovers and had a kid, both at the wrong time and chances. I didn't even give you the courtship you deserve, but I will promise you one thing, marry me today and I'll court you forever in our lifetime."
She's becoming emotional. Hindi niya alam ang sasabihin, both didn't prepare any vow pero ito ngayon ay naiiyak siya sa mga sinabi nito.
"I still feel like I'm dreaming, if it is, please don't wake me up. Lucas Nicholai was the best gift you had left me before," naiiyak siyang napatingin sa anak na nakangiti, para bang naiintindihan ang mga nangyayari. "But being with you together with our son is better. Thank you for reclaiming us back. Thank you for standing here in front of me as we bond to a lifelong commitment."
Ngumiti ito sakanya sabay ng pagpalakpak ng mga tao. He held her hand tight. This is not any fairytale dream come true wedding, but it is the best. Hindi niya inaasahang yayain siya nito magpakasal at on the spot din ikakasal. Akala niya sapat na si Nicho bilang dugtong nilang dalawa.
Kinasal man siyang hindi handa at naka-jeans, blouse, at sandals lang ay sapat na. He still made her the happiest woman on earth.
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your wife, Luca."
Luci smiled at her lovingly before dipping in for a kiss. It was sweet and beautiful. Malayo ito sa mga halik na pinagsamahan nila noon. This time, it's full of love and care.
She heard his family clapping and cheering loudly. Natutuwa siya. Kung panaginip man ito ay okay lang, at least kahit sa panaginip ay naramdaman niyang mahal siya ng ama ng anak niya.
"We'll have our church wedding when Lucas can walk already. I want him to take part of that very special moment," mahinang bulong nito sakanya matapos humiwalay sa halik.
They took pictures and syempre binati siya ng mga ito. Kamag-anak na din ba talaga niya ang mga ito?
"Naku hija, pasensya na at ito lang ang inihanda namin ha. Masyadong nagmamadali iyang batang iyan kaya kahit sana magandang kasal sa huwes ay hindi na namin naihanda," bungad na bati ng ginang na napag-alaman niyang tiyahin pala ni Luci.
"Kaya nga nung isang araw lang yan nagsabi napauwi tuloy kami ng Pilipinas," dagdag pa ni mama.
Nakakapanibago ang atensyon na nakukuha niya sa mga ito. Umuwi lang bigla ang mga ito para sa kasal?
"Pasensya na po kung naabala kayo. Kung alam ko lang na may kasal na magaganap sana itinaon po sa araw na libre ang lahat." Nahihiya siya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomantikSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...