Chapter Twenty-two

8 0 0
                                    

22-Back Home

"SAAN BA DITO yung dapat kong puntahan? I guess I'm lost," pagkausap niya sa taong nasa kabila ng tawag.

[Mahigit isang taon ka lang nawala ng Pilipinas 'di mo na alam ang daan papuntang Aguinaldo?]

She heard him chuckle. Bakit kasi sa dami ng tauhan nito ay siya pa ang inutusang magdala ng mga papeles. Arghh.

"Winston you're not helping. Sinunod ko naman yung map eh."

Kanina pa siya nagpapaikot-ikot sa isang intersection pero 'di niya talaga maintindihan ang mapang pinadala nito.

Mabilisan siyang napapreno ng may asong tumawid ng kalsada. How? Bakit may aso sa main road?

[Hey, you okay?]

"Yeah, may aso kasi eh. I almost hit it.]

Sinilip pa niya ulit yung asong tumawid. Safe and sound naman na itong nakatawid kaya inayos na din niya ang sarili. Killing a dog is never a part of her itinerary.

[Okay, just be careful. I'll send another coordinate.] Nawala na ito sa kabilang linya at bigla namang lumabas sa screen ng kotse niya ang panibagong mapa. Better.

Going back to the Philippines is so nostalgic and exciting. Tama nga siya ng hinalang matutuwa siya sa muling pagbalik. She was happy in America pero iba parin ang lupang kinagisnan.

A year ago, Winston offered her to work for him as his company employee. Akala niya noong una ay isang bartender or waitress sa isa sa mga bar nito. Nagulat nalang siya ng bigyan siya nito ng sariling opisina. Kasabay din ng pag-aaral niya ay pumasok siya sa stocks exchange.

She did a few more turns hanggang sa matanaw niya ang naglalakihang buildings along the metro.

Sa tulong na din ng mapang galing kay Winston ay agad niyang natunton ang opisinang dapat puntahan. It's a high-rise glass wall building na sa tingin niya ay nasa tatlumpong palapag pataas.

She quickly approached the receptionist and gave the papers. "Sige po ma'am, I'll give this Mr. Mendoza right away. Naihabilin na din po kasi ito ng sekretarya niya."

May pinirmahan lang siyang proof of delivery settlement. "Thank you." Pasasalamat niya na may ngiti bago umalis sa building.

Pagtapak niya sa labas ay inilibot niya ang mga mata. Malayong-malayo ang itsura ng America sa Pilipinas. It wouldn't hurt her if she would take a little trip around the city. Na-miss na din kasi niya ang mga street food sa may bay walk.

Agad siyang bumiyahe papuntang bay walk. Ilang beses niyang nadaan ito kanina nung naligaw siya kaya nasaulo na din niya ang daan.

Pagbaba palang ng kotse ay bumati sakanya ang amoy ng tubig. Halos wala paring pinagbago ang lugar maliban sa mas naging malinis ito ay mas dumami ang restaurants na nakatayo sa malapit.

She can't help but reminisce all the memories she had in this place. Dito sila madalas pumasyal buong pamilya. Her papa would buy her cotton candy, and that's all it takes to make her happy.

She took her time and enjoyed the view while eating isaw. Kamusta na kaya sila Naddy at Jen?

Ilang buwan na din ng huli niyang nakausap ang mga ito. Masyado na kasi siyang busy sa trabaho. Huling balita niya sa mga ito ay noong ikakasal na si Jenna sa dati nilang katrabahong bartender. Si Nadia naman ay lumipat ng trabaho sa Bachelors na isa ding bar.

Hinintay niyang lumubog ang araw bago nagdesisyong umuwi. Like the Philippines a year ago ay sobrang traffic parin kaya late na siyang nakauwi. Bumungad naman agad sakanya si Winston habang karga ang ilang buwang gulang na bata.

She kissed his cheek bago kinuha dito ang bata. Nanggigigil siyang hinalik-halikan ang mga pisngi nito na dahilan para sa isang malakas na tawa.

"Nag-behave ba si baby Nicholai?" Nanggigigil paring tanong niya dito at mas kiniliti pa. Napuno ng tawa ng bata ang buong kabahayan.

"Hey stop na. Maiiyak na siya kakatawa. Kawawa naman ang baby." Muling kinuha ni Winston sakanya ang bata at inamo-amo ito.

Looking back at the pain she had before, it's all nothing compared to what she has right now. Nangingiti siyang nakatingin kay Winston at sa anim na buwang gulang na anak.

Ang bilis lang ng panahon. Winston took her under his wings broken and pained. Ngayon naman ay napakasaya niya na kasama ito at may dagdag pang makulit na bulinggit.

Minsan talaga 'di niya maiwasang magdrama tulad nalang ngayon.

"I'll make dinner. Ikaw muna ang magbantay kay baby Nicho."

"Yes love," ganting sagot nito na hindi man lang siya pinagtuunan ng pansin. Masyado itong natutuwa kay Nicho at 'di na magawang pansinin siya.

She made caldereta. Namimiss na din niya ang luto ng kanyang mama kahit ilang araw palang mula ng bumalik sila ng Pinas. Hindi na kasi advisable dito ang mahabang biyahe kaya nagpaiwan ito sa Hawaii kasama si Jane.

Jane on the other hand decided to stay in Hawaii dahil nag-aaral pa ito at para na din may mag-alaga sa mama. 'Di din naman niya ito papasamahin pabalik ng Pilipinas hanggat di pa ito nagtatapos. Mataas ang pangarap niya para sa dalaga. Isa pa nga ito sa mga student nurse na nag-asikaso noong nanganak siya.

"You clearly enjoyed your trip out there, huh," pagbubukas ni Winston ng topic habang kumakain sila.

"Yup. Binisita ko yung bay walk. Maybe, we can go there some time. Madaming murang pagkain dun."

Natawa naman si Winston sa biro niya. "Sure, let's have our date there, next time. Para naman makapagtipid-tipid ako."

Natapos ang dinner at napatulog na din niya ang anak. She found Winston at the porch while drinking some light beer.

"Penny for your thoughts?"

He just smiled and hugged her tight. Napapangiti siya sa inaakto nito. Winston is soft hearted. Madalas itong magpakita ng affection sa mga taong importante dito, and she loves that about him.

"I'm sorry for using you before. I was truly amazed when I saw you the first time, but I ended up using you instead, for my own sake."

Matapos ang ilang araw na magkasama sila ay nagtapat ito ng katotohanan. He used her para maisalba ang kompanya. He's so scared to be judged by his family kapag humingi ito ng tulong para sa kompaniya niyang nalulugi na.

And having a Ginobi owning a major stock would boost their market value again. They are that powerful, to the point na yuyuko ang iba pang naglalakihang kompaniya marinig lang ang pangalan nito.

Hindi naman nito masabi sa sariling kaibigan ang tunay na kalagayan ng kumpanya even though the financial reports will reveal it. Taking her as an exchange for major shares is just an act to show that Winston's company is doing well like a stallion.

He succeeded. Sa ilang buwan lang ay mas lumago pa ang negosyo nito. She was mad at him. She felt betrayed once again. Pero ito lang din ang nakita niyang paraan para makatakas sa sobrang sakit. Then, he offered her Hawaii.

"Don't mind it anymore. Dahil sayo I cost million bucks now," pabiro niyang sabi to lighten the mood.

Nagtawanan naman silang parehas sa biro niya. It's true. Tinuruan siya nito sa pagpapatakbo ng business at ngayon ay may malaking ipon na siya ng pera sa America. Natuto din siya ng pasikot-sikot sa investments at pagbili ng magagandang stocks.

"Don't think too much, Winston. You're a blessing to me. Hindi ako magiging ganito kasaya kung wala ka. Thank you for completing the family I yearn to have."

"Don't thank me that much. You gave me Nicho, remember?" She just smiled at him before they watch the stillness of the night dance before their eyes.


Sold and ReclaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon