Chapter Four

16 2 0
                                    


4-Change

"MISS CATIA? Nandito na tayo sa bahay mo."

Paulit-ulit parin ang salitang 'anything' sa kanyang isipin. It felt like a dream, parang ayaw niyang maniwala. Pero ito siya ngayon nakasakay sa sasakyan ng sekratarya ni Luci, ang amo niya.

Matapos ang usapang iyon ay agad siyang hinatid ng sekretarya nito pauwi. She's a bit disappointed dahil hindi ito mismo ang naghatid sakanya, pero sino nga ba siya para magdemand dito ng mas madami pa sa ibinibigay nito.

"Hurry up Ms. Catia. Pack your things and expect me to see you tomorrow morning." Muli ay kumindat ito sakanya bago pinaharurot ang kotseng sinasakyan.

Kumurap-kurap pa siya, still taking everything in. Nang pumayag siya sa offer nito ay may mga sinabi lang itong kasunduan. Matapos nun ay ang sekretarya na nito ang nag-asikaso ng hihingiin niyang kapalit.

Napahawak siya sa dibdib bago madaling tinakbo ang loob ng bahay. Pumasok agad siya sa kwarto ng mama. Tahimik na ang loob ng bahay, malamang dahil madaling araw palang.

"Ikaw ba ang anak ko? Sabi kasi ni Jane hindi ko daw siya anak." Mabilis niyang tinakbo ang ina at niyakap ito ng mahigpit. Lahat ng emosyon at pasasalamat ay inilabas niya sa bisig ng ina.

He agreed. Umoo ang boss niya sa hinihingi niyang pabor. Ipapaasikaso daw agad nito ang operasyon ng kanyang mama sa puso. Pati bahay ay ibibigay nito sakanya. She was left dumfounded at puro thank you nalang ang naibulalas niya dito.

Noong una ay ayaw niyang tanggapin ito dahil sa tingin niya ay labis na ito. Pero ng idahilan nito na para ito sa recovery ng kanyang mama ay agad naman siyang pumayag sa paglipat.

Sa wakas ay maooperahan na ang kanyang mama. She doesn't have to worry about her anymore. Tiyak ay gagaling ito.

"Ate Cat bakit ang aga mong umuwi?" Alas-dos palang kasi ay nakauwi na siya. Pupungas-pungas pa ito na pumasok sa kuwarto.

"Jane, tulungan mo akong mag-impake." She can see her baffled, tila tinatansiya kung toto ba ang nahgyayari.

Lutang man dahil sa biglaang pagkagising ay tumango naman ito.

"Ate, bakit masyado naming biglaan?" Tanong ni Jane ng hindi ito makatiis. Pansin din naman niya ang pagkaaligaga nito kanina pa.

What should she say? Sasabihin ba niya ang totoo? Kung hindi naman, anong excuse and pwede niyang sabihin.

"Nagkadagdag ako ng benefit. Naiangat kasi ako sa pwesto bilang personal server."

"Pero bakit kailangan lumipat agad? At ngayong madaling araw pa talaga, ate. Nahihiwagaan kasi talaga ako eh."

She took a deep breath. Hindi niya basta masasabi kay Jane ang mga totoong nangyayari, dahil kahit siya sa sarili ay may pagdududa din.

"Hindi ko din alam, Jane. Ang mahalaga ay maging maayos na ang kalagayan ni mama."

Hindi karamihan ang gamit nila dahil na din sa wala naman siyang kakayahang bumili. In total, ay nagkasiya ang gamit nila sa limang balikbayan boxes at mga damit naman sa dalawang maleta.

"Ate pano na, mawawalan na po ba ako ng trabaho?" Tanong ni Jane ng marahil ay napag isip-isp din ang paglipat nila.

Papayag kaya ang amo niya na may iba pa silang kasama sa bahay? She's still in the middle of dream and reality. She can't think straight.

"Hindi ko pa alam. Pero tatanungin ko kung papayag ang amo ko. Ang magulang mo ba ay papayag na tumira ka sa malayo kung magkataon?"

"Titingnan ko din ate. Basta masaya ako para sainyo ni nanay." Nginitian niya ito at niyakap ng mahigpit.

Sold and ReclaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon