3-Offer
MATAPOS makapagshower at magpalit ng damit pauwi ay lumabas na siya ng locker room. Nakakapagod ang araw na ito para sakanya. But seeing those deep black set of eyes releases the steam off of her.
"Ang daming natuwa sayo kanina Catia. Gustong-gusto ka ng mga tao. Eto oh." bungad sakanya ng manager nila. Napatingin naman siya sa inaabot nitong manipis na envelope.
"Ano po ito?"
"Eh kasi masyado malaki ang tip mo kaya pina-cheque ko nalang." Ang mga tip kasi para sa mga dancer ay ihinuhulog ng mga customer sa golden box ng nasa ibaba ng platform nila at pagkatapos ng performance ay nakukuha naman nila ito agad.
Tinanggap niya ito at binuksan ang sobre. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa numerong nakasulat dito. "Paano po? Masyadong malaki 'to."
"Actually, twenty-five thousand lang ang laman ng box mo. Pero mukhang natuwa sa performance mo si Mr. Luci kaya dinoble niya. Ayan fifty-K," mahabang kuwento nito habang pumipilantik pa ang mga pilik mata.
Mr. Luci? Nandito kanina ang may-ari ng Lux Aeterna?
She was baffled pero may pares ng mata ang dumaan sa kanyan alaala. Those eyes. Siya ba si Mr. Luci?
"FREN BAKIT ang lalim naman ng iniisip mo?" pagkuha ni Nadia ng atensiyon niya habang ngumunguya ng fishball. Ito daw ang gusto nitong libre, streetfood.
"Nakita mo na ba ang boss natin?" wala naman sa sariling tanong niya. Hanggang ngayon ay palaisipan sakanya ang boss na nag-doble ng tip niya.
'Di katulad niya ay ilang taon ng nagtatrabaho si Nadia sa Lux Aeterna. Kaya malamang siguro ay may alam ito tungkol sa misteryosong amo nila.
"Hindi pa. Bihira naman kasi yun bumisita sa club, natataon pang wala ako. Pero ang sabi nasa thirties na din ito pero ang bata tingnan. Bakit mo naman natanong? Curious ka din 'no?"
Tinusok-tusok pa nito ang tagiliran niya. 'Di niya kwinento dito ang pagdagdag nito ng tip niya. Di na din niya pinakita ang cheke. Ewan ba niya, but she has this urge to keep quiet for now dahil kahit siya ay nahihiwagaan.
"Siyempre, sino bang hindi?"
MABILIS NA lumipas ang panahon at pumatak na ang sabado ng gabi. Mas madaming tao ngayon sa club kaya busy din talaga ang lahat.
She's wearing fitted slacks partnered with the classic white long sleeves. Ganito lang naman ang uniform ng mga serbidora. Simple and formal.
"Gin and tonic table seven, please." Agad naman niyang kinuha ang tray at naglakad na patungo sa table. Marahan niya itong ininalapag gamit ang signature way nila na papaikutin muna ito gamit ang kamay bago ilalapag sa mesa.
Naging ganun lang paulit-ulit ang ginawa niya. Sobrang daming tao at napupuno na talaga ang loob ng club. Every corner is filled with socialites.
Punong-puno man ito ay di niya maiwasang madismaya. Wala naman kasi sa kumpol ng tao ang nag-iisang pares ng mata na hinahanap niya.
For three days ay sunud-sunod na pumunta ito sa leisure floor at siya ang kinukuha nitong personal server. Napikit siya ng maalala kung paano nagtagpo ang kanilang mga mata sa pangalawang pagkakataon.
Sobrang kaba ang dala nito sa puso niya ng malamang ito nga ang boss nila na si Mr. Luci. She can't deny the happiness na siya ang kinukuha nitong server. He attracts her more than anything. She's not naïve of female attraction towards the male counterpart.
"Huy tulala ka na fren? Wala si Mr. Hawt?" ngising tanong ng kaibigang si Nadia. Alam nito ang pagkuha sakanya ni Mr. Luci at mula noon ay inaasar na siya nito.

BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
Lãng mạnSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...