IT'S HARD to imagine how the change of tides happened so fast. She was just a young, poor, uneducated girl. Ni minsan ay hindi niya naisip na hahantong sa ganito ang buhay niya. A rollercoaster one.
"Mama, it's been three years mula nang iwan mo kami. The kids miss you so bad. Miss na din ni Luci ang mga luto mo."
She wiped a tear as she restrains herself from breaking down. Lagi naman niya itong binibisita pero hindi parin niya maiwasang maging emosyonal. She pats down the tulips she brought na paborito nito noon.
"Malaki na ang mga bata. Okay naman ako, mama. Miss na kita sobra. Hindi naman nagkulang sila mama Elena at papa Agustus. Pero mas masaya sana kung matagal ka pa naming nakasama. I'll see you in the morning, mama."
Marahang tumayo si Catia mula sa puntod ng mama. She managed to fix herself before she approached Luci who's patiently waiting for her.
"I love you." Napangiti naman siya sa mahinang bulong nito. he was trying to lift her spirits.
"Tara na. Naghihintay na ang buong angkan mo sa family home."
"KAYONG magpipinsan, tawagin niyo na ang mga anak niyo dali at kakain na."
Agad namang nagsilapitan ang mga bata sa sigaw ng lola nila. They are having their grand reunion kahit madalas din naman silang magkita. Umuwi ang mga pinsan ng asawa na nasa ibang bansa para dito.
The family courtyard is filled with kids and laughter. Nakakatuwang panuorin ang mga ito na naglalaro.
"Cat, kayo ba ni Luci walang planong pag-aralin ang mga anak niyo sa ibang bansa?" tanong ng mama Victoria na ina ng pinsan ni Luci na si Salio at Vittorius.
"Wala pa naman po kaming napag-usapan. If they are enjoying the Philippines ay hindi naman po namin sila pipigilan. Gusto ko din pong malaman nila ang kultura at lengguwahe ng Pilipinas, hindi tulad nitong katabi ko ayaw magtagalog hanggang ngayon."
Umarte pa siyang umiiling-iling habang nagtawanan naman ang lahat sa paligid. Paglingon niya ay matalim ang tingin at nakasimangot ito sa kanya.
"Ang arte naman kasi niyan eh. Marunong naman magtagalog ayaw lang magsalita," kantyaw pa ni Rapha na agad namang sinaway ng asawa nito.
"Ay tama ka jan, Rapha. Sobrang arte nga po ng anak niyo, mama Elena. Gusto ko po sana humabol ng isa pa dahil baka babae na kaso ayaw daw niyang may kahati pa sa atensiyon ko."
"Ay nako hija, hindi mo na pwedeng ibalik sakin yan at tapos na akong magtiis sa kaartehan ng batang yan."
"Mom!" malakas na saway ni Luci sa ina na nagpatawa lang sa lahat. Hindi na nito kinaya ang pang-aasar nilang lahat. Pinagtulungan ba naman ng buong angkan nito.
Ilang asar pa ang natanggap ni Luci sa buong angkan bago ito nilubayan. Tahimik lang naman ito at matalas ang tingin sakanya.
"I'll punish you later," bulong nito na ikinasamid niya. 'Di niya alam kung kakabahan ba siya o mae-excite dito.
"Ikaw naman, Malla, bakit hindi niyo na sinundan pa si Atticus. Mas masayang madaming bata 'no," sabi naman ni Veronica.
Oo nga naman bakit nag-iisa lang ang anak niyo?
"We planned to, but Atticus grew up to be so territorial ayaw niyang may ibang kumukuha ng atensiyon ko kahit na ang papa niya pa minsan. He's fine now, but I guess it's already late para humabol."
"Hindi naman hija. Bata ka pa. Vittorius i-try nyong mag-asawa para naman dumami pa ang lahi niyo," tudyo ng mama Elena sa mag-asawa.
"We'll work on that."
BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomanceSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...
