Chapter Fifteen

9 0 0
                                    

15-Party

"ANAK DALHIN mo to sa asawa mo."

"Mama kasi bakit nagluto ka pa. Baka mabinat ka." Ilang linggo naman na mula noong inoperahan ito, pero kasi nag-aalala parin siya. Ayaw niyang mabinat ito.

"Ay nako, dalhin mo nalang yan doon at sabayan mo ng kain ang asawa mo. Ewan ko ba sa inyo bakit kasi 'di na lang kayo magsama sa iisang bahay."

Wala na siyang nagawa at nakasimangot nalang na sumunod. Mabuti na din 'to para may dahilan siya para makita ito. Siguradong magugustuhan nito ang calderetang baka.

Ilang hakbang lang ay agad niyang natanaw ang isang lalaking. She smiled upon seeing him. He's not in his usual style. Ngayon lang niya ito nakita ng ganito. He's wearing a floral polo na bukas ang tatlong butones. Napatungan din ito ng maroon na coat, partnered with jeans and a pair of loafers. A typical boy next door on vacation.

Kumaway siya para makuha ang atensiyon nito. Patakbo siyang lumapit at niyakap ito. Bakit iba ang amoy nito? It doesn't feel like him. "You are not Luci."

The man in front of him just smiled boyishly. She's still in shock. Kamukhang-kamukha nito ang binata. Kung hindi lang niya talaga kilala ang pisikal na anyo at ugali ni Luci ay mapagkakamalan niya ito.

Bakit di man lang nito siya pinigilan at tinanggap din ang yakap niya? Sinamaan niya ito ng tingin.

"Hey don't be mad. You're the one who hugged me." Mas lalong naningkit ang mga mata niya dito.

"Rapha, you're back," bati ni Davis na 'di niya namalayang kakalabas lang ng sariling bahay. They did a boy hug thing at masayang nagkamustahan.

Kamukhang-kamukha nga nito ang kakambal. Pero kung titingnan niya ay malalaman parin niya kung sino si Luci. Sadyang naexcite lang siya kaya napagkamalan niya ito. At malay ba niyang nandito ulit sa Pinas ang kakambal ni Luci.

"So, you have met miss Cat," nakangising sabi naman ni Davis habang nakalingon sakanya.

"Oh, kiska," sabi pa nito na mas lalong nagpakunot ng noo niya. How dare him call her kiska!

"Stop calling me that." Natawa lang ito sakanya na mas ikinasama ng tingin niya.

"Let's get inside. Nasa loob si boss."

Hindi naman sa ayaw niya sa lalaking kamukha ni Luci pero naiinis siya dahil nayakap niya ito at napagkamalan.

May iilang articles na din siyang nabasa tungkol dito, but that didn't give her enough information. Ang alam lang niya ay sikat itong photographer at may sariling fashion and arts publishing line.

Tama nga si Davis dahil pagpasok palang nila ay pababa na si Luci sa hagdan. That is Luci. "Kiska." She smiled at his direction at inulit ang ginawa kanina. She ran ang hugged him. This time sigurado na siyang si Luci ito.

Iniangat niya ang container na hawak. "I'll prepare this para makakain na tayo." Tumango naman ito. Napansin niyang tumingin na ito sa gawi nila Davis at ng lalaking kamukha din nito. Para silang nananalamin maliban nalang sa magkaiba nilang style sa pananamit.

Dumako na siya sa kusina at naghanda. Buti nalang at madaming pinadala ang mama kundi kukulangin ito sakanilang apat. Malay ba niyang nandito din pala ang kakambal nito.

Maya-maya pa ay saktong natapos siya sa paghahain ng dumating ang tatlong lalaki.

"Kiska, this is my twin Saint Rapha," bagot na pakilala ng binata samantalang ang kambal naman nito ay napakalawak ng ngiti.

"Thank you for the welcome hug," nakangiting sabi pa nito. She frowned at him ganun din si Luci tila hindi nagustuhan ang narinig.

"Tara let's eat," putol niya sa titigan ng magkapatid. Agad niyang hinawakan ang kamay ni Luci.

Sold and ReclaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon