11-Green Peas
"ATE SAN KA nanggaling? Pumunta dito yung boss mo kanina tinatanong kung okay lang daw ba si nanay. Bumisita saglit pero umalis din agad nung di ka pa dumadating." Pupungas-pungas pa ito halatang nagising lamang sa pagpasok niya.
She checked her wristwatch. It's almost one in the morning. Umalis kasi siya at tumambay sa isang convenient store sa kabilang kanto. Gusto niya lang sana magpahangin pero napatagal ata ang pagtambay niya.
"Ha? Bakit kaya pumunta yun? Wala naman siyang sinabi sakin eh."
Ganitong oras ay dapat nagtatrabaho siya kaya gisng na gising ang kanyang diwa. Pero hanggang ngayon ay di niya alam kung paano haharap sa trabaho.
Hindi niya alam kung anong sumapi sakanya pero pagpatak ng alas-tres ay di niya napigilang bumangon. Suot lamang ang maikling cotton shorts at isang oversized sweatshirt ay tinungo niya ang bahay ng lalaking kanina pa tumatakbo sa isip niya.
Panigurado ay nasa trabaho ito. Hindi naman niya ito tatawagin sisilip lang siya. Gusto niya lang na tuluyan na itong mawala sa isip niya.
Tatlong minuto lang ay binabaybay na niya ang bakod ng bahay ng binata. Tumayo pa siya at pinakatitigan ang loob nito. Tahimik at payapa. Ang mga ilaw nito ay parang portal sa kung saan.
It might sound weird, but his house looks calming. Parang napakasayang pamilya ang nakatira dito at hindi mo iisiping isang bachelor pala talaga ang nagmamay-ari nito.
Nakapikit ang mga matang inisip niya ang buhay may pamilya. "Sana titira din kami sa ganitong bahay. May masasayang anak at kontentong asawa." Napangiti siya dito.
Coming from an incomplete family made her dream to have a perfect one. Kaya nangako din siyang hindi papasok sa isang premarital sex dahil gusto niyang ibigay lahat-lahat sa asawa. Baka yun pa ang maging dahilan ng pagkakaroon niya ng perpektong pamilya.
"This is where we used to live when we're still kids."
Napalingon siya dito. 'Di niya napansin na tumigil pala ang kotse nito sa mismong likuran niya.
"Luci."
Dahil na din siguro sa bugso ng damdamin at sa pagbalik ng mapapait na alaala ng kanyang pamilya ay di niya napigilang tumakbo dito at lumapit.
He returned the hug with bare confusion on his face. Maya-maya pa ay bumaha ang luha niya.
"Hush now." He doesn't know what to do. He just held her tight right under the streetlamp, in a cold midnight, under the moon and the stars.
"Are you drunk?" He caught a familiar whiff of alcohol from her breathing.
"Nope. Dalawang bote lang."
Ayaw niyang pag-usapan ang pag-inom niya. Gusto niyang yakapin lang siya nito ng mahigpit. She needs comfort and assurance. Lalo na ngayon at dumadaan nanaman siya sa emotional point ng buhay niya.
Later, she found herself inside his big house. Di niya mapigilang ilibot ang mga mata. Halatang marangya ang nakatira dito ngunit walang bahid ng pagmamayabang.
"Madami ba kayong magkakapatid? Ang laki ng bahay niyo eh."
He chuckled, a sexy one. "Twins."
Lumaki naman ang mata niya. May kakambal ito? Weh? Edi pogi din ang kakambal at malaki din. Bruha ka!
"I don't like that look on your face. Stop thinking about my twin."
Nakasimangot na ito, tila naiinis sakanya. Is her reaction that obvious? Right, she's like an open book.

BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomanceSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...