26-Twist
"ANG KAPAL naman ng mukha niya! Matapos niya akong pagsalitaan at halikan ng basta ngayon naman ay pinipilit niya akong magtrabaho para sa project niya. What's wrong with that man, Nicho?"
Saglit na tumitig sakanya ang anak at ngumiti. Lumabas ang biloy nito na katulad na katulad ng sa ama. His eyes are twinkling as if really amused with his complaining mother.
"Palibhasa nakadede ka na kaya pangiti-ngiti ka na." Lalo naman itong ngumiti at yumakap sakanya. She hugged him back and tickled him lightly.
"Tatanggapin ko ba yung deal if ever na kami ang manalo sa bidding? Ikaw Nicho gusto mo ba tumira saglit sa island?"
Kinausap lang niya ng kinausap ang anak hanggang sa oras na ng pagtulog nito. She lay him down on his crib carefully. She's very lucky to have him.
Lumabas siya ng kwarto nila mag-ina at natagpuan niyang kakauwi lang ni Winston. She rushed to him at inasikaso ang mga gamit nito.
"How's work?"
Ngumiti ito saglit bago siya hinawakan sa magkabilang balikat. "I accepted the board's decision. Tayo ang kinuha pala sa redevelopment ng isla; specifically, your team."
Nagulat naman siya sa sinabi nito. Winston is aware of everything about the meeting and business proposal. He assured her na baka mapapayag nito na ibang team nalang ang ipadala. Obviously, he failed. Masyadong tuso ang Ginobing iyon.
"Pero may bidding pa naman diba?" Oo, tama. Malaki pa ang tsansang ibang kumpanya ang kunin nila.
"There will be no bidding. It's a direct proposal for our company. I think it's time for you to face him."
Siya naman ngayon ang napabuntong hininga. Guess she doesn't really have a choice but to do the job. Ayaw namn niyang mag-inarte dahil kahit na may nakaraan sila ay sa professional field naman sila magkakasama ulit.
"It's fine. I'll do it. You are right, baka kailangan na din namin ng closure."
AS WHAT Winston have said wala ngang nangyaring bidding at agad na nauwi sa pirmahan ng kontrata. They are also to attend a gathering to formally know who will they be working with. 'Di niya alam kung pakulo lang ba ito o tradisyon talaga.
The venue is quite big. Nandito na din ang mga investors, architects, and engineers na mamumuno sa redevelopment.
Compared to these people ay wala pa siya sa kalingkingan at experience ng mga ito kaya hindi niya maiwasang magtanong kung bakit ipinilit sakanya ang project. She's just a mere landscape designer for Kings Royal.
"Kiska."
Tumaas ang kanyang mga balahibo ng marinig ang baritono nitong boses. He's so familiar na kahit presensya lang nito ay alam niya. He might have changed a lot but he's scent is still the same.
She turned around and face him. "Good evening, Mr. Ginobi."
Samu't-saring emosyon ang nababasa niya sa mga mata nito. He smiled at her. The same smile he showed the night they first met.
"I'd love to show you around."
Wala na siyang nasabi ng bigla nitong hinapit ang kanyang bewang. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod, but he's strong enough to carry her all the way in one arm.
Kasama niya itong naglibot sa venue at kumausap ng mga iba pang bisita. Some raised their brows on her, bakit nga naman kasi niya kasama ang isang Ginobi at mahigpit pang nakayapos sa bewang niya. Kahit may pagkailang ay nagawa niya paring ngumiti nalang.

BINABASA MO ANG
Sold and Reclaimed
RomanceSYNOPSIS Under the sweet image of the Ginobi Legacy hides the family's black sheep. Sebastian Luca Ginobi is a well-known businessman due to his astonishing contribution to Ginobi-Mortiz Refinery Corp. Ltd. But behind all his public successes is hi...